Cristy sa umano'y pag-aaral bumaril ni Carla: "Bakit ngayon mo lang ginawa 'yan?"

Cristy sa umano'y pag-aaral bumaril ni Carla: "Bakit ngayon mo lang ginawa 'yan?"

- Nabigyang komento ni Cristy Fermin ang umano'y pag-aaral na bumaril ni Carla Estrada

- Napabalita ito dahil sa kontrobersyal na komento ni Carla sa isang netizen kung saan pinaalalahanan itong mag-ingat

- Bukod sa post kung saan ipinakita niyang nag-aaral siyang humawak ng baril, sinabi rin itong mayroon na siyang bodyguard

- Matatandaang tatlong buwan lamang mula nang ikasal sila ni Tom Rodriguez ay nauwi rin sila sa hiwalayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napagkwentuhan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa Showbiz Now Na! ay ang pag-aaral umanong bumaril ni Carla Abellana.

Cristy sa umano'y pag-aaral bumaril ni Carla: "Bakit ngayon mo lang ginawa 'yan?"
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naging usap-usapan kasi ang post nito kung saan ipinakita niya mismo kung paano siya bumaril para raw sa kanyang "safety and protection."

"At ang sabi ng isang nag-post, dapat mag-ingat kasi wala ka laging kasamang lalake sa bahay ngayon. Dapat mag-ingat ka," kwento ni Cristy na ang sinagot umano ni Carla sa komento na ito ng netizen ay ang pagkakaroon niya ng bodyguard.

Read also

Cristy Fermin, sa kontrobersiya ni Herlene Budol; "Madaling lumaki ang ulo ng batang ito"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Mapagpaniwala siya ano? Sa mga nagsasabing baka may gawin sa kanya si Tom Rodriguez,"pahayag ni Cristy.

"Bakit ngayon mo lang ginawa 'yan? Kung noon mo ginawa noong magkasama pa kayo ni Tom, walang magdududa na pinaghahandaan,"dagdag pa niya.

Gayunpaman, nabanggit din nila na tila may gagawing action series si Carla kaya naman nag-aaral itong humawak ng baril.

"Baka naman pinaghahandaan niya siguro kailangan lang talaga niyang mag-aral humawak ng baril," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Read also

Cristy sa 'never date a celebrity' statement ni Markus Paterson; "OA naman sa kayabangan"

Matatandaang nagbigay reaksyon si Cristy patungkol sa pahayag ni Carla lalo na at nakatagal pa umano ito ng pitong taon bago tuluyang nakipaghiwalay kay Tom.

Umabot pa umano sa punto na sila ay magsumpaan pa sa harap ng altar sa kanilang kasalan at matapos nga ang tatlong buwan, tuluyan na umanong naghiwalay ang dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel