Toni Fowler at Lai Austria, nagpagalingan kung sino ang mas nakakakilala kay Rob Moya

Toni Fowler at Lai Austria, nagpagalingan kung sino ang mas nakakakilala kay Rob Moya

- Matapos pagbatiin ni Toni Fowler sina Lai Austria at Rob Moya, sumalang ang dalawang babae na naging bahagi ng buhay ni Rob sa isang challenge

- Nagtagisan sila sa pagsagot ng mga tanong upang malaman kung sino sa kanilang dalawa ang mas nakakakilala kay Rob

- Kabilang sa mga tanong ni Vince Flores sa kanila ay tungkol sa ilang personal na bagay tungkol kay Rob

- Bandang huli ay parehas ang nakuhang puntos nina Toni at Lai kaya walang nanalo sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa YouTube video ni Vince Flores, binahagi niya ang "Who knows Rob better" kung saan nagpagalingan sina Toni Fowler at Lai Austria sa pagsagot ng mga tanong upang malaman kung sino sa kanilang dalawa ang mas nakakakilala kay Rob.

Toni Fowler at Lai Austria, nagpagalingan kung sino ang mas nakakakilala kay Rob Moya
Toni Fowler at Lai Austria, nagpagalingan kung sino ang mas nakakakilala kay Rob Moya (Screenshot from TiTo Vince/YouTube)
Source: Instagram

Dahil parehas silang nakasagot ng tama sa karamihan sa mga tanong na binasa ni Vince, nagkaroon sila ng patas na puntos kaya walang nanalo sa kanilang dalawa.

Read also

Jonalyn Galleno, sinabing umamin sa kanya ang pinsan na hindi kay Jovelyn ang kalansay

Ani Rob, inasahan niyang mas mananalo si Toni dahil hindi naman umano sila nagtagal ni Lai kaya ikinagulat niyang kilala din talaga ni Lai ang kanyang ugali.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel