SNN kay Kris Aquino; "Kahit nakaratay, 'di parin natitigil kaka-order online"

SNN kay Kris Aquino; "Kahit nakaratay, 'di parin natitigil kaka-order online"

- Nabanggit ng Showbiz Now Na! ang umano'y kalagayan ni Kris Aquino sa kabila ng kanyang karamdaman

- Ayon sa kanila umanong source, hindi pa rin natitigil kaka-order online si Kris lalo na at hilig daw talaga umano nito ang mga branded items

- Dahil umano kilala siyang personalidad kaya naman ultimo ang hilig niyang ito ay napapabalita pa rin

- Gayunpaman, nag-aalala rin sila sa kalagayan nito dahil bukod sa pag-order online, tila aktibo pa rin daw ito sa social media

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ng Showbiz Now Na! ang ilan sa mga kaganapan kay Kris Aquino na sa ngayo'y patuloy pa rin ang gamutan sa Amerika.

SNN, may update kay Kris Aquino; "Kahit nakaratay, 'di parin natitigil kaka-order online"
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Facebook

Nabanggit ni Morly Alinio na sa kabila ng kalagayan ni Kris, nagagawa pa rin daw nitong umorder ng mga gamit online.

"Nasa ospital na't lahat si Kris, pero hanggang ngayon hindi pa rin matigil-tigil 'yung iba't ibang kwento tungkol sa kanya. 'Yung latest i-correct niyo ako kung ako ay nagkakamali pero ito po yung nakarating lang na balita sa amin. Hanggang ngayon daw po kahit nakaratay na sa hospital si Kris Aquino hindi pa rin daw po natitigil ang habit nito kao-order ng mga items online," pahayag ni Morly.

Read also

Cristy Fermin, sinabing naalis umano si Arjo Atayde sa 'Ang Probinsyano' sa husay nitong umarte

"Alam mo dahil siya si Kris Aquino, pinagpipistahan siya. Ikalawa, dahil sikat na sikat siya, talagang hindi siya patitigilin ng mga ganitong kwento. At ikatlo, alam naman kasi ng buong mundo na si Kris Aquino ay mahilig talaga sa mga kagamitan na branded," segundan naman ni Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Wala bang batas sa ospital na 'yun na bawal muna siyang mag-cellphone.'Wag muna siya 'di ba? paano siya gagaling kung naka-concentrate siya sa cellphone niya?" ayon naman kay Wendell.

"Nakakapagbuo tuloy siya ng materyales na ipino-post niya na pinanggagalingan na naman po ng kung ano-anong isyu," ayon pa kay Cristy.

Gayunpaman, hiling pa rin nila ang paggaling ni Kris. "Patuloy pa rin natin siyang ipinagdarasal," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Showbiz Now Na!:

Read also

52-anyos na Grab driver sa gabi, Grade 12 student naman sa umaga

Talagang marami na ang nag-aabang sa mga latest showbiz chika mula sa YouTube channel nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Wendell Alvarez na Showbiz Now Na!

Kamakailan nga ay isiniwalat ni Cristy sa naturang channel ang pagbabakasyon grande nina Coco Martin at Julia Montes matapos ang pagwawakas ng teleseryeng FPJ: Ang Probinsyano. Makailang beses din niyang nabanggit ang umano'y pagdadalang-tao ni Julia na siyang dahilan ng hindi nito pagbisita sa burol ng namayapang aktres na si Susan Roces.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel