Donnalyn Bartolome, pumalag sa post ni MG tungkol sa kanyang birthday celebration

Donnalyn Bartolome, pumalag sa post ni MG tungkol sa kanyang birthday celebration

- Hindi pinalampas ni Donnalyn Bartolome ang post ng content creator na si MG kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na birthday celebration

- Sa burado nang post ni MG sinabi nito na 'grabeng insulto' ang tutong na cake ni Donna sa kanyang party

- Aniya, napapansin niyang matalino talaga si Donna dahil na-titrigger nito ang emosyon ng mga tao

- Sa kanyang post, sinabi ni Donnalyn na tila nakakalimutan na umano ni MG na may pagtingin ito sa kanya noon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Donnalyn Bartolome, matapos niyang ma-basted si MG ay nag-iba na ang ugali nito. Ito ang kanyang naging sagot sa post ni MG tungkol sa kontrobersiyal niyang birthday celebration.

Donnalyn Bartolome, pumalag sa post ni MG tungkol sa kanyang birthday celebration
Donnalyn Bartolome, pumalag sa post ni MG tungkol sa kanyang birthday celebration (@donna)
Source: Instagram

Sa burado nang post ni MG, sinabi nito na malaking insulto ang tutong na cake sa birthday celebration ni Donnalyn. Matatandaang nauna nang nilinaw ni Donna na ang kanyang mga kaibigan ang naghanda niyon at napagkatuwaan lamang siya.

Read also

Karen Davila, napa-Oh my gosh! sa pagbubuhat ni Jane De Leon

Donnalyn Bartolome, pumalag sa post ni MG tungkol sa kanyang birthday celebration
Donnalyn Bartolome, pumalag sa post ni MG tungkol sa kanyang birthday celebration (@facebook.com/profile.php?id=100044447409135)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang post, sinabi ni Donnalyn na tila nakakalimutan na umano ni MG na may pagtingin ito sa kanya noon. Nabnggit nito na nabasted niya umano si MG at simula noon ay nag-ba na ang ugali nito.

Pagkatapos niya mabasted saakin dun na siya nagiba eh.. kasalanan ko talaga bakit naging loko loko yan eh.. sorry po sa lahat

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Read also

Donnalyn Bartolome, nagsalita na kaugnay sa kanto-style celebration: "Wala akong regrets"

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel