Ogie Diaz, nagbigay ng ₱1 milyon sa anak na si Erin sa ika-25 kaarawan nito
- Nagdiwang ng ika-25 kaarawan si Erin Diaz nitong Agosto 29 at naging espesyal ang selebrasyon matapos siyang bigyan ng kaniyang amang si Ogie Diaz ng regalong nagkakahalaga ng ₱1 milyon
- Ayon kay Ogie, matagal na niyang pangako sa kaniyang mga anak na babae ang pagbibigay ng ganitong regalo kapag umabot sila sa edad na 25 nang wala pang asawa at anak
- Bagama’t alam na ni Erin ang tungkol sa regalo, naging emosyonal pa rin siya dahil natupad din niya ang sinabi niya sa kaniyang mga magulang na aabot siya sa edad na 25 bilang dalaga
- Inihayag naman ni Ogie na gagamitin ni Erin ang natanggap na pera bilang puhunan sa planong pagtatayo ng coffee shop habang sinabi rin niyang makatatanggap din ng tig-₱1 milyon ang iba pa niyang anak na babae
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagdiwang ng kaniyang ika-25 kaarawan si Erin Diaz nitong Agosto 29 at naging espesyal ang selebrasyon dahil sa malaking regalong natanggap niya mula sa kaniyang amang si Ogie Diaz.

Source: Youtube
Isang milyong piso ang ibinigay ni Ogie kay Erin bilang regalo sa kaniyang kaarawan. Bagama’t alam na ng dalaga ang tungkol dito, hindi pa rin nito napigilang maging emosyonal nang tuluyang matanggap ang regalo.
Ayon kay Ogie, bahagi ito ng pangako niya sa kaniyang mga anak na babae kapag umabot ang mga ito sa edad na 25 nang wala pang asawa at anak.
“Pangako ko kasi sa kanila kapag wala pa kayong asawa, wala pa kayong anak, Erin my gift to you (malaking tseke na isang milyon).”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naging mahalaga rin para kay Erin ang pag-abot niya sa edad na 25 bilang dalaga dahil sinabi umano niya noon sa kaniyang mga magulang na aabot siya sa ganitong edad nang wala pang asawa.
Kaya naman kahit alam na niya ang regalong inihanda ng kaniyang ama, naging emosyonal pa rin siya sa mismong selebrasyon.
Samantala, nagbiro naman ang Mommy Sowl ni Erin tungkol sa tagal ng paghihintay bago dumating ang ipinangakong regalo.
“Naiinis kaya kami sa iyo, kasi 25 years na akong nanganak sa kanya. At saka wala pa rin ‘yung sabi mo (Ogie) ‘check your account.”
Nilinaw naman ni Ogie na hindi niya layunin na ipagyabang ang malaking halagang ibinigay niya sa kaniyang panganay.
Bukod sa pagiging 25 ni Erin, may partikular ding dahilan kung bakit umabot sa ₱1 milyon ang halaga ng kaniyang regalo.
Ayon kay Ogie, plano ng kaniyang anak na gamitin ang pera bilang puhunan para sa isang coffee shop.
“Magne-negosyo kasi siya at ‘yan ang gagamitin niya magtatayo siya ng coffee shop alam niya na pera niya ‘yan at kailangan niyang alagaan at palaguin,” sambit ng ama ni Erin.
Nagpasalamat naman si Erin sa kaniyang ama at humingi ng suporta para sa kaniyang magiging negosyo.
“Support niyo po ako,” sey naman ng may kaarawan.
Hindi lamang si Erin ang nakatakdang makatanggap ng ganitong halaga mula kay Ogie. Ayon sa showbiz personality, bibigyan din niya ng tig-₱1 milyon ang iba pa niyang mga anak na babae kapag umabot ang mga ito sa itinakdang edad at kondisyon.
Sila rin (sabay turo sa apat na anak na dalaga ay bibigyan din ng isang milyon), sabi ni Ogie.
Nagkaroon din ng biruan sa selebrasyon tungkol sa birthday wish ni Erin na may kaugnayan sa kaniyang boyfriend na ilang taon na rin niyang karelasyon.
Nang maibahagi ang tungkol dito, nagbiro si Ogie:
“Kung ‘yun ang birthday wish niya, kukunin (kinuha) ko na ito (tseke).”
Agad naman itong tinanggihan ni Erin.
“Ay wag na, saka na tayo mag-kiss (sabi sa boyfriend niya).”
Nagkatawanan ang mga dumalo sa selebrasyon, kabilang ang mga magulang ng dalaga.
Samantala, patuloy pa ring tinitingnan ng pamilya ang magiging lokasyon ng coffee shop na plano ni Erin. Ayon kay Ogie, kailangan ding isaalang-alang ang mga magiging kasosyo nito na may sapat na kaalaman sa pagpapatakbo at pamamahala ng negosyo.
“Looking pa kami. Kasi me mga kasosyo din siya na dapat may alam naman sa operations and management,” sagot ni Ogie.
Si Ogie Diaz ay isang komedyante, aktor, talent manager at beteranong personalidad sa mundo ng showbiz. Bukod sa kaniyang mga naging proyekto sa telebisyon at pelikula, nakilala rin siya bilang entertainment reporter at host ng sariling online showbiz content. Sa mga nakaraang taon, naging aktibo rin siya sa pagtalakay ng mga usaping may kinalaman sa mga artista at personalidad sa industriya.
Bukod sa kaniyang pamilya at personal na buhay, naging usap-usapan din kamakailan si Ogie dahil sa kaniyang mga naging pahayag tungkol sa isang pelikulang napanood niya. Sa isang ulat ng KAMI, ibinahagi niya na may isang pelikulang Filipino na binigyan niya ng 1/5 rating matapos niya itong mapanood hanggang matapos. Ipinaliwanag din niya kung bakit pinili niyang hindi pangalanan ang naturang pelikula.
Samantala, naging kapansin-pansin din ang isang post ni Ogie Diaz tungkol sa lumang video ng isang rally ni dating Vice President Leni Robredo. Sa kaniyang caption, naglagay siya ng paalala para sa mga makakakita ng kaniyang ibinahaging video at gumamit ng mapagbiro ngunit diretsahang pananalita. Ang naturang post ay isa rin sa mga naging paksa sa mga ulat tungkol kay Ogie nitong mga nakaraang araw.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh



