Claudine Barretto, humingi ng tulong sa NBI sa mga pekeng account

Claudine Barretto, humingi ng tulong sa NBI sa mga pekeng account

  • Humingi na umano ng tulong sa National Bureau of Investigation o NBI ang kampo ni Claudine Barretto upang matukoy ang mga social media account na gumagamit ng pangalan at mga litrato ng aktres at umano’y maaaring makalito sa publiko
  • Muling nagpaalala si Claudine sa kaniyang mga tagasuporta matapos niyang i-repost ang isang warning tungkol sa fan page na gumagamit ng pangalang “Carmela Barretto,” na hango sa karakter niyang si Carmela Ocampo sa pelikulang “Dahil Mahal Na Mahal Kita”
  • Iginiit sa naturang babala na hindi tutol si Claudine sa pagkakaroon ng fan pages, ngunit nais niyang malinaw na nakalagay ang “Fan Page” bago ang kaniyang pangalan upang hindi mapagkamalan ng publiko na opisyal na account niya ang mga ito
  • Nagbabala rin ang kampo ng aktres tungkol sa isang account na umano’y ginagamit ang pangalan ni Claudine para sa isang pekeng giveaway, habang sinabi naman ng aktres na chine-check na ng NBI ang mga IP address na posibleng may kaugnayan dito

Read also

Viral vendor Neneng B, nagulat ang netizens sa “baby bump” post

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Humingi na umano ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kampo ni Claudine Barretto kaugnay ng ilang social media account at fan pages na gumagamit ng pangalan at mga litrato ng aktres.

Claudine Barretto, humingi ng tulong sa NBI sa mga pekeng account
Claudine Barretto, humingi ng tulong sa NBI sa mga pekeng account (📷@claubarretto/IG)
Source: Instagram

Sa kaniyang Facebook page, ibinahagi ni Claudine ang isang warning mula sa isa sa kaniyang fan pages na gumagamit ng pangalang “Carmela Barretto.” Ang pangalan ay hango sa karakter niyang si Carmela Ocampo sa pelikulang Dahil Mahal Na Mahal Kita, na ipinalabas noong 1998.

Sa naturang babala, ipinaalala na hindi naman ipinagbabawal ni Claudine ang pagkakaroon ng fan pages para sa kaniya. Gayunman, nais umano ng aktres na malinaw na nakalagay ang “Fan Page” bago ang kaniyang pangalan upang maiwasan ang kalituhan kung alin ang tunay niyang account.

Mababasa sa warning:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“On behalf of Claudine Barretto, please stop using her name with such unreliable sources.”

Ipinaliwanag din sa post na maaaring gamitin ang pangalan ng aktres sa fan pages ngunit mas mainam umanong malinaw sa pangalan ng account na fan page lamang ito.

Read also

Vice Ganda, nagpahayag ng pananaw tungkol sa kalidad ng edukasyon

“It’s completely okay to use her name with fan pages on it. But what she asks though is to put ‘Fan Page’ first before the name.”

Ayon pa sa naturang post, mahalaga umano ang ganitong pagkakakilanlan dahil maaaring gamitin ng ibang tao ang pangalan ng isang public personality sa mga gawaing walang kaugnayan sa kanila.

“However, since virtual media has been with our generation these days, It’s very possible for most people to use her name under illegal businesses thinking it might be her but it’s not.”

Sa caption naman ni Claudine sa kaniyang repost, sinabi niya:

“This is my last warning. Naka-report na po kayo. My Claudinians thank u to all of u. Mahal ma mahal ko kayo.”

Bukod dito, nagbahagi rin ang aktres ng isa pang warning tungkol sa isang account na hindi umano gumagamit ng pangalan ni Claudine ngunit sinasabing nagpapakilalang may kaugnayan sa aktres.

Partikular na binanggit sa warning ang isang umano’y giveaway kung saan sinasabing namimigay si Claudine ng iPhone. Nilinaw naman sa post na hindi umano ito tunay na giveaway ng aktres at hinikayat ang publiko na i-report ang account.

Read also

Derek Ramsay, nagsalita sa gitna ng isyu sa umano’y pekeng plaka

Muli ring hiniling sa mga gumagawa ng fan accounts na gawing malinaw sa pangalan ng page na fan account lamang ito.

“Btw: Kung gagawa or may fan acc or page man po kayo para kay claudine Please po. Paki change po ang name, wag na po gamitin ang claudine barretto, na name dahil madami nalilito at nag aakala na si claudine mga iyon!, Fanpage of claudine barretto, na lang po ang gamitin niyo na name, maraming salamat po muli.”

Sa dulo ng kaniyang caption tungkol sa naturang account, sinabi ni Claudine:

“pls Report. Chine check na po ng NBI mga ip address nyo.”

Si Claudine Barretto ay isang aktres na naging bahagi ng maraming pelikula at teleserye sa loob ng ilang dekada. Nakilala siya sa mga matagumpay na proyekto sa pelikula at telebisyon at naging isa sa mga kilalang artista ng kaniyang henerasyon.

Aktibo rin si Claudine sa social media, kung saan nagbabahagi siya ng mga personal na update, mensahe para sa kaniyang mga tagasuporta at mga reaksiyon sa iba't ibang usaping may kaugnayan sa kaniyang buhay at showbiz.

Read also

Rita Gaviola, nagpahayag ng sama ng loob sa mga pahayag sa isang podcast

Sa mga nakaraang ulat, naging tampok din ang kaniyang mga social media post tungkol sa mga taong malapit sa kaniya at ilang personalidad sa industriya.

Kamakailan, nagbahagi rin si Claudine ng isang emosyonal na appreciation post para kay Santino. Sa ulat ng KAMI, naging sentro ng kaniyang mensahe ang kaniyang pagpapahalaga at pasasalamat, na muling nagpakita sa pagiging aktibo niya sa social media pagdating sa mga taong mahalaga sa kaniyang buhay.

Samantala, naging bahagi rin si Claudine ng usapin tungkol sa pagdepensa ni Mariel Rodriguez kay Sen. Robin Padilla. Iniulat ng KAMI ang pagsang-ayon ni Claudine sa panig ni Mariel kaugnay sa naging usapin tungkol sa kaniyang asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate