Ivana Alawi, nagdiwang ng 50M followers sa Facebook sa kabila ng intriga
- Umabot na sa 50 million followers sa Facebook ang actress-content creator na si Ivana Alawi, na agad ipinagmalaki ng kanyang bestie na si Zeinab Harake sa Instagram, kalakip ang mensaheng "She deserves it, she really deserves it" na nagpakita ng kanilang matibay na pagkakaibigan
- Nagbigay din ng pagbati ang PPL Entertainment na management ni Ivana, kung saan sinabi ng manager na si Perry Lansigan na "Congratulations, IVANA ALAWI! Nasa puso mo talaga ang pagtulong sa kapwa! 50 MILLION followers on Facebook is a phenomenal milestone that solidifies your reign as the most followed Facebook page in the Philippines."
- Pumalo sa 6.7M comments, 8.1M likes at 3.6M shares ang video announcement ni Ivana kung saan inanunsyo niyang mamimigay siya ng 100 brand new iPhone 17 sa kanyang fans, ngunit binatikos din ng ilang netizens dahil isa sa qualifications ay ang pag-follow sa isang site na kanyang ine-endorse
- Sa kabila ng mga batikos, nananatiling isa si Ivana sa biggest social media influencers sa bansa, na may 21M subscribers sa YouTube, 11.8M followers sa Instagram, at kinilala ng Google bilang “Top YouTube Content Creator” sa Pilipinas sa loob ng dalawang magkasunod na taon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isa na namang malaking milestone ang naabot ng actress-content creator na si Ivana Alawi matapos pumalo sa 50 million ang kanyang followers sa Facebook. Isa sa masayang-masaya sa tagumpay na ito ay ang kanyang bestie na si Zeinab Harake, na agad nag-post sa Instagram ng pagbati para kay Ivana. "When I say she deserves it, she really deserves it. Go Congratulations on 50 MILLION followers, my bestie @ivanaalawi So incredibly proud of you. I’ll always be here supporting you. YAYYYYYY! First Filipina Artist to hit 50 million! Let’s goooo!" ani Zeinab.

Source: Instagram
Nagbigay din ng pagbati ang PPL Entertainment na management ni Ivana. Proud na pahayag ng manager niyang si Perry Lansigan: "Congratulations, IVANA ALAWI! Nasa puso mo talaga ang pagtulong sa kapwa! 50 MILLION followers on Facebook is a phenomenal milestone that solidifies your reign as the most followed Facebook page in the Philippines." Dagdag pa niya, "Your authenticity, generosity, and undeniable charm continue to inspire millions around the world. Truly unmatched! A following higher than any network, institution, or individual!"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Pumalo sa milyon-milyong reactions ang video announcement ni Ivana kung saan inanunsyo niyang mamimigay siya ng 100 brand new iPhone 17 sa kanyang fans. Umabot na sa 6.7M ang comments, 8.1M likes at 3.6M shares ng naturang video. Gayunpaman, binatikos siya ng ilang netizens dahil isa sa qualifications para makasali ay ang pag-follow sa isang site na kanyang ine-endorse. Dedma lang si Ivana sa mga pamba-bash at patuloy na ipinapakita ang kanyang confidence bilang influencer.
Sa kabila ng mga intriga, nananatiling isa si Ivana sa pinakamalaking social media influencers sa bansa. Mayroon siyang 21 million subscribers sa YouTube at 11.8 million followers sa Instagram. Pinarangalan din siya ng Google bilang “Top YouTube Content Creator” in the Philippines sa loob ng dalawang magkasunod na taon. Malinaw na kahit may mga batikos, hindi naapektuhan ang kanyang popularity—50 million followers is 50 million followers, ika nga.
Kamakailan, naging usap-usapan si Ivana Alawi matapos kontrahin ang pahayag ni Ogie Diaz tungkol kay Jameson Blake. Sa kanyang reaksyon, ipinakita ni Ivana ang kanyang pagiging prangka at matatag sa harap ng intriga.

Read also
Herlene Budol, muling nagsalita sa posibleng pagbabalik sa entablado matapos mabash nang matindi
Bukod pa rito, nag-trending din si Ivana matapos magbigay ng tulong pinansyal sa viral jeepney driver. Sa kanyang kabutihang-loob, ipinakita niya na bukod sa pagiging influencer ay may puso rin siya para sa kapwa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

