Sachzna Laparan, ayaw na makita ang ex kaya hindi na magsasampa ng kaso
- Binasag ng sikat na content creator na si Sachzna Laparan ang kanyang katahimikan upang kumpirmahin ang opisyal na pagtatapos ng kanyang relasyon kay Mark Pascual dahil sa labis na kapaguran mula sa nararanasang pagtataksil at emosyonal na trauma
- Nilinaw ng vlogger na bagama't walang ibang taong kasangkot sa kanilang hiwalayan ay itinuturing niyang isang uri ng panloloko ang palihim na paghingi at pangungutang ng pera ng kanyang dating kasintahan sa kanyang mga kaibigan
- Ibinahagi rin ni Sachzna na umabot sa kabuuang limampung milyong piso ang hiniram na salapi ni Mark sa kanya at sa kanyang pamilya ngunit pinili na lamang niyang patawarin ito nang tuluyan para sa kanyang kapayapaan ng isip
- Samantala ay naglabas naman ng opisyal na tugon at paumanhin si Mark Pascual sa pamamagitan ng kanyang social media account kung saan inako niya ang buong responsibilidad sa kanyang mga pagkakamali at ipinaliwanag ang kanyang pagkalugi sa crypto trading
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbukas ng damdamin si Sachzna Laparan tungkol sa breakup nila ng dating partner na si Mark Pascual. Sa panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda”, inilahad ng content creator ang mga dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Source: Instagram
Ayon kay Sachzna, wala umanong third party na sangkot sa kanilang breakup. Ngunit para sa kanya, ang paulit-ulit na pangungutang ni Mark sa kanyang mga kaibigan nang palihim ay isang uri ng cheating. “Ang dami kong hindi nalalaman sa kanya na nalalaman ko na lang sa ibang tao. So for me, cheating ‘yun,” ani Sachzna.
Dagdag pa niya, hindi lang isang beses nangyari ang ganitong sitwasyon kundi paulit-ulit. Sa kabila nito, patuloy niyang binigyan ng pagkakataon si Mark dahil naniniwala siyang kaya pa nitong magbago.
Inamin din ni Sachzna na umabot sa P50 milyon ang inutang ni Mark sa kanya at sa kanyang pamilya. Gayunpaman, sinabi niyang hindi ito ang naging breaking point. “Ang hindi ko po kaya ‘yung na-da-drag na ‘yung name ko kasi pangalan ko na lang ‘yung meron ako,” paliwanag niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa huli, pinili ni Sachzna na huwag nang singilin si Mark. “’Yung P50M na utang mo sa ‘kin at sa pamilya ko, huwag mo nang bayaran. Tulong ko na ‘yon sa’yo para magkaroon ka ng chance na makapagsimula ulit,” aniya.
Samantala, naglabas din ng pahayag si Mark Pascual sa Facebook kung saan inamin niyang nagkamali siya at humingi ng paumanhin kay Sachzna. “I made mistakes, and I take full responsibility for them. No excuses,” ani Mark. Dagdag pa niya, sisikapin niyang harapin ang mga consequences at magbayad sa lahat ng kanyang pagkakautang.
Si Sachzna, na kilala bilang “Miss Flawless,” ay isang content creator at entrepreneur. Bukod sa kanyang online presence, lumabas na rin siya sa ilang TV shows at pelikula.
Sa isang ulat ng Kami.com.ph, naglabas ng emosyonal na pahayag si Mark Pascual kaugnay sa breakup nila ni Sachzna. Inamin niyang nagkamali siya at nangakong babangon muli upang ayusin ang kanyang buhay.
Samantala, sa isa pang ulat ng Kami.com.ph, nanawagan ang ina ni Sachzna kay Mark Pascual tungkol sa utang. Ang panawagan ay nagbigay-diin sa bigat ng sitwasyon at sa pangangailangan ng pananagutan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


