Glydel Mercado, may inaming kakaibang karanasan tungkol sa kanyang kalusugan
- Glydel Mercado nagbahagi ng karanasan tungkol sa paulit-ulit na kaba na nararamdaman niya at tinawag itong bahagi ng kanyang ‘spiritual war’
- Ayon sa aktres, wala siyang nakikitang malaking kasalanan ngunit patuloy siyang tinatanong kung bakit sinusubok ang kanyang pananampalataya
- Ikinuwento rin ni Glydel ang kanyang paglapit sa pari, pagdarasal ng rosaryo, at paggamit ng holy salt bilang bahagi ng kanyang laban sa kaba
- Sa kabila ng normal na resulta ng kanyang mga medical test, naniniwala siyang pananampalataya at panalangin ang nakatulong sa kanya upang gumaan ang pakiramdam
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Maraming netizens at tagahanga ang nabahala sa mga naging pahayag ng aktres na si Glydel Mercado tungkol sa kanyang kasalukuyang kalusugan at personal na pinagdaraanan.

Source: Instagram
Sa isang panayam kamakailan, hayagang ibinahagi ng aktres ang kanyang pakikipaglaban sa tinatawag niyang 'spiritual war' at ang pabalik-balik na nerbyos na kanyang nararamdaman nang walang malinaw na dahilan. Ayon sa ulat ni Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon, nagdala ito ng pag-aalala sa marami dahil sa mga kakaibang detalye ng kanyang kuwento na tila hindi kayang ipaliwanag ng simpleng siyensya o medisina.
Aniya, “Parang sabi ko, bakit nangyayari sa ‘kin kung wala naman akong ginagawang masama sa ibang tao.” Tinawag pa niya itong bahagi ng kanyang ‘spiritual war’.
Katoliko si Glydel mula pa noong bata siya at hindi raw lumipat ng ibang relihiyon. “Takot din daw ako sa Diyos kaya wala akong maisip na malaking kasalanan para subukin ang aking pananampalataya,” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ikinuwento rin ng aktres na marami silang santo sa bahay at madalas siyang humahawak ng mga ito. Maging ang kanyang mister na si Tonton Gutierrez ay madasalin din, bagama’t hindi raw palaging may hawak na santo.
Sa kanyang salaysay, may mga pagkakataon na bigla na lamang siyang ninenerbyos. Dumaan siya sa iba’t ibang doktor, nagpa-lab test, at kahit psychiatrist ay kanyang nilapitan. Ngunit lahat ng resulta ay normal. “Hindi ko alam, hindi ko talaga alam kung bakit sa akin,” aniya.
Dati raw ay pinaghihinalaan nilang kulam ang sanhi ng kanyang nararamdaman. Ngunit kalaunan, isang family friend na dentist ang nagpakilala sa kanya sa isang pari na gumagawa ng exorcism. Doon siya pinag-confess at pinagrosaryo. “Nagro-rosary ako araw-araw, three times a day. Tapos milagro, nawala,” kuwento pa niya.
Ngunit bumabalik-balik pa rin ang kaba. “Well, actually, ang daming nagme-message request sa akin. Ang dami talaga after ng interview. Hindi ko na sila pinapansin kasi wala na eh,” dagdag pa niya.
Sa ngayon, nakikipag-usap siya sa pari tuwing nakakaramdam ng kaba. Binless din ng pari ang kanilang bahay at binigyan siya ng holy salt. Kapag nakakaramdam siya ng nerbyos, inilalagay niya ito sa dila at nagpapatugtog ng Gregorian chant.
“Sabi sa akin ng pari, ‘huwag kang matakot,’ kasi parang may opening na nangyari sa akin. Na parang i-bully ako nang i-bully, kaya kailangan maging strong lang ako, tapos magpi-pray ako lagi,” ani Glydel.
Dagdag pa niya, minsan nakakakita siya ng mga itim at puting anino at nakakarinig ng kung anu-ano. Sa ngayon, painkiller mula sa kanyang cardio ang ginagamit niya kapag may nararamdaman siyang kaba.
Sa huli, naniniwala si Glydel na pananampalataya ang susi. “Naniniwala ako sa ganun. Kasi nararamdaman ko. Sabi ko nga sa dasal ko, kung may gumagawa man nito sa akin, pinapatawad ko na siya. Basta gusto ko lang gumaling,” pagtatapos niya.
Si Glydel Mercado ay kilalang aktres sa pelikula at telebisyon. Isa siya sa mga beteranang artista na patuloy na nakikita sa iba’t ibang proyekto. Bukod sa kanyang karera, kilala rin siya bilang asawa ni Tonton Gutierrez at ina ng kanilang mga anak.
Kamakailan, nag-post si Glydel ng taos-pusong pamamaalam kay Lolit Solis. Sa kanyang mensahe, ipinakita niya ang respeto at pagmamahal sa yumaong showbiz columnist. Basahin ang buong kuwento dito: Glydel Mercado posts heartfelt farewell message for Lolit Solis.
Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Glydel na matagal na niyang nararamdaman ang kaba na hindi niya maipaliwanag. Sa panayam, ikinuwento niya ang kanyang karanasan at kung paano siya humahanap ng lakas sa pananampalataya. Basahin ang kabuuan dito: Glydel Mercado, matagal nang nakararamdam ng kaba na hindi maipaliwanag.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


