Jerry Yan emosyonal na inalala si Barbie Hsu sa FForever concert sa Bulacan

Jerry Yan emosyonal na inalala si Barbie Hsu sa FForever concert sa Bulacan

  • Emosyunal na inalala ni Jerry Yan ang pumanaw na si Barbie Hsu sa FForever 1st World Tour concert sa Philippine Arena noong Hunyo 27, 2026, kung saan suot niya ang Meteor necklace na simbolo ng kanilang iconic na tambalan sa Meteor Garden
  • Kasama ni Jerry sa concert sina Vic Chou at Vaness Wu ng F4, pati na rin ang Taiwanese singer na si Ashin, at sa kanyang mensahe ay binanggit niya ang “biggest regret in life” na hindi ang pagkawala ng isang tao kundi ang pagdating ng panahon na ang dating nagpapakaba sa puso mo ay alaala na lamang
  • Nagbigay ng paalala si Jerry sa mga manonood na huwag agad kalimutan ang mga taong naiisip nila, kundi hayaan silang manatili sa kanilang puso hanggang matapos ang kanta, bago niya inawit ang kanyang original song na “I Really, Really Love You”
  • Naniniwala ang mga fans na ang mensahe ni Jerry ay para kay Barbie Hsu, na pumanaw dahil sa pneumonia noong Pebrero 2, 2025 sa edad na 48, habang nagbabakasyon sa Japan, at muling nagbalik ang alaala ng Meteor Garden fever na nagpasikat sa F4 sa buong Asya

Read also

Carlos Yulo, pinasalamatan si Chloe sa Australia trip kasama ang mga kapatid

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa FForever 1st World Tour concert na ginanap sa Philippine Arena nitong Hunyo 27, 2026, nagbigay ng emosyonal na alaala si Jerry Yan para sa yumaong aktres na si Barbie Hsu. Kasama niyang nag-perform sina Vic Chou at Vaness Wu, dalawa sa kanyang mga co-members sa F4, at ang Taiwanese singer na si Ashin.

Jerry Yan emosyonal na inalala si Barbie Hsu sa FForever concert sa Bulacan
Jerry Yan emosyonal na inalala si Barbie Hsu sa FForever concert sa Bulacan (📷@jerry_yan_official/IG)
Source: Instagram

Suot ni Jerry ang Meteor necklace, isang simbolo mula sa kanilang sikat na serye na Meteor Garden, kung saan ginampanan niya ang karakter na si Dao Ming Si at si Barbie naman ang iconic na si Shan Cai.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Jerry: “That journey was so short. So short that looking back now, it feels like it was just a single afternoon. But it was also so long. Long enough that even after 10 years, 20 years, you can still remember their voice.”

Dagdag pa niya: “I think the biggest regret, the biggest regret in life isn't actually losing someone. It's when you suddenly realize, one day, the person who used to make your heart race a beat has slowly just become a memory.”

Read also

Tacloban school shooting suspek nagsuot ng band shirt kahawig ng Columbine teen

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagbigay rin siya ng paalala sa mga manonood: “If you happen to think of someone tonight, don't rush to forget them. Just let them stay here with you until this song ends.”

Matapos ang kanyang mensahe, inawit ni Jerry ang kanyang original song na “I Really, Really Love You”. Hindi man niya binanggit kung para kanino ang mensahe, naniniwala ang mga fans na ito ay para kay Barbie Hsu.

Si Barbie ay matatandaang pumanaw noong Pebrero 2, 2025 sa edad na 48 dahil sa pneumonia habang nagbabakasyon sa Japan kasama ang kanyang asawa at pamilya. Ang kanyang pagkawala ay nagdulot ng matinding lungkot sa mga tagahanga ng Meteor Garden at F4.

Bagama’t magkapareha sina Jerry at Barbie sa serye, hindi sila naging magkasintahan sa totoong buhay. Sa halip, naging magkarelasyon si Barbie at Vic Chou ng ilang taon. Pinakasalan ni Barbie ang businessman na si Wang Xiaofei noong 2011 ngunit nag-divorce sila noong 2021. Noong 2022, pinakasalan niya ang Korean singer-songwriter na si DJ Koo.

Read also

14-anyos na suspek sa Tacloban school shooting, mula sa pamilyang may alitan ayon sa pulisya

Todo fangirl si Michele Gumabao kina Jerry Yan, Vic Chou, at Vanness Wu ng F4 sa kanilang concert sa Manila. Maging ang kanyang asawa ay nag-react sa kanyang excitement.

Samantala, nagkaroon ng heartwarming moment si Ellen Adarna sa F4 Manila concert nang makasama si Jerry Yan. Ang kanyang karanasan ay tinawag niyang isang dream come true.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate