Kaye Abad, ibinahagi ang suporta ng pamilya sa kaniyang laban sa breast cancer

Kaye Abad, ibinahagi ang suporta ng pamilya sa kaniyang laban sa breast cancer

  • Ibinahagi ni Kaye Abad sa kaniyang birthday vlog ang naging tahimik na laban kontra breast cancer, isang journey na halos isang taon niyang itinago mula sa publiko habang patuloy pa rin siyang nakikita ng fans sa social media
  • Nagsimula ang lahat nang makaranas siya ng matinding pananakit ng tiyan na inakala niyang simpleng acidity lamang, ngunit nauwi ito sa operasyon sa gall bladder at kalaunan ay nagbigay-daan sa mammogram na nagbunyag ng mas seryosong kondisyon
  • Sa mammogram, natuklasan ang malignant tumor na umaabot na sa apat na sentimetro, dahilan upang agad siyang sumailalim sa gamutan sa Singapore kasama ang kaniyang asawa na si Paul Jake Castillo, habang pansamantalang ipinagkatiwala ang kanilang mga anak sa kaanak
  • Masaya niyang inanunsyo na cancer-free na siya matapos ang matinding gamutan, at inamin na malaking tulong ang kaniyang pananampalataya sa Diyos at walang sawang suporta ng pamilya upang matagumpay na malampasan ang pagsubok na ito

Read also

Dalawang bangkay natagpuan sa Pangasinan at Ilocos Sur

Ikinagulat ng fans, followers, at netizens ang rebelasyon ng aktres na si Kaye Abad na matagumpay niyang nalampasan ang kaniyang laban kontra breast cancer. Sa kaniyang birthday vlog na inilabas nitong Linggo, Mayo 17, ikinuwento ni Kaye ang halos isang taong pagdodokumento ng kaniyang journey, mula sa diagnosis hanggang sa gamutan sa Singapore kasama ang kaniyang asawa na si Paul Jake Castillo.

Kaye Abad, ibinahagi ang suporta ng pamilya sa kaniyang laban sa breast cancer
Kaye Abad, ibinahagi ang suporta ng pamilya sa kaniyang laban sa breast cancer (đź“·Kaye & Paul Jake/YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Kaye, nagsimula ang lahat nang makaranas siya ng matinding pananakit ng tiyan na una niyang inakalang simpleng acidity lamang. Tumagal umano ito nang halos anim na oras kaya nagdesisyon siyang magpatingin sa doktor.

Sa isinagawang check-up, natuklasan na mayroon siyang mga bato sa gall bladder dahilan upang sumailalim siya sa operasyon. Kasunod nito, iminungkahi ng doktor na sumailalim siya sa mammogram dahil na rin sa kaniyang edad. Doon na natuklasan ang malignant tumor na umaabot na sa apat na sentimetro.

Ibinahagi rin ni Kaye na pansamantala nilang ipinagkatiwala sa kanilang mga kaanak ang dalawa nilang anak habang nakatuon siya sa gamutan at pagpapagaling. Aminado ang aktres na may kasaysayan ng breast cancer sa kanilang pamilya kaya hindi na rin lubusang nakakagulat ang naging diagnosis.

Read also

Aira Seda DelaCruz, nagsalita at nanawagan para sa kanyang kabuhayan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunman, malaking tulong umano ang kaniyang matibay na pananampalataya sa Diyos at walang sawang suporta ng kaniyang asawa at pamilya upang malampasan ang sakit. Sa huli, masaya niyang inanunsyo na maituturing na niyang cancer-free ang kaniyang sarili.

Si Kaye Abad ay kilala bilang isa sa mga prominenteng aktres ng kaniyang henerasyon. Nagsimula siya sa industriya noong dekada ’90 at nakilala sa mga teleserye at pelikula. Bukod sa kaniyang career, naging inspirasyon din siya sa mga kababaihan dahil sa kaniyang pagiging hands-on na ina at asawa. Ang kaniyang journey ay nagbigay ng bagong pag-asa sa mga taong dumadaan sa parehong laban.

Umani ng suporta, panalangin, at pagbati mula sa mga netizens at kapwa celebrities ang naging rebelasyon ni Kaye. Mapapanood ang kabuuang journey niya sa kaniyang YouTube channel.

Sa Kaye Abad bio, age, height, wedding, business, ibinahagi ang kaniyang personal na buhay, mula sa kasal nila ni Paul Jake Castillo hanggang sa kanilang negosyo. Pinakita rito ang balanseng pamumuhay ni Kaye bilang aktres, asawa, at ina.

Read also

Mag-ama sa Naga Cebu, nasawi matapos pagsasaksakin ng kapitbahay

Samantala, sa Netizens kinilig sa ginawa ni Paul Jake para kay Kaye Abad, naging usap-usapan ang sweet gesture ni Paul Jake para sa kaniyang asawa. Maraming netizens ang natuwa at kinilig sa ipinakitang pagmamahal ng dating “Pinoy Big Brother” housemate kay Kaye.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate