“Ma, mali ang kuwento mo” – Ivana Alawi kay Ogie Diaz tungkol kay Jameson Blake
- Nagbigay ng paglilinaw si Ogie Diaz sa tsika tungkol sa umano’y gusot nina Ivana Alawi at Jameson Blake
- Sinabi ni Ivana kay Ogie na mali at hindi buo ang naunang kuwento tungkol sa kanilang kissing scene
- Ayon kay Ogie, ang tunay na isyu ay ang eksena kung saan nabalibag si Ivana sa kama na nagdulot ng sakit sa likod
- Wala pang inilalabas na pahayag si Jameson Blake hinggil sa isyu
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbigay ng paglilinaw si showbiz insider Ogie Diaz sa naunang tsika niya hinggil sa umano’y gusot sa pagitan nina Ivana Alawi at Jameson Blake, mga bida sa seryeng Love Is Never Gone.

Source: Instagram
Matatandaang sa isang episode ng Showbiz Updates, ibinahagi ni Ogie ang nasagap niyang impormasyon na tila na-take advantage umano si Ivana sa kissing scene nila ni Jameson. Ayon sa kanya, isinumbong pa raw ni Ivana si Jameson sa management.
Ngunit sa latest episode noong Linggo, Mayo 10, sinabi ni Ogie na nagkita sila ni Ivana at nagkausap. “Sinabi niya [ni Ivana] sa akin na, ‘Ma, mali at hindi buo ‘yong kuwento mo,’” ani Ogie. Dagdag pa niya, totoo raw na hindi nagkikibuan sina Ivana at Jameson, gaya ng nangyari sa media con kung saan hindi pinansin ni Ivana si Jameson.
Nilinaw din ni Ogie na hindi isyu ang kissing scene. “’Yong kissing na nilabas ni Jameson Blake ‘yong dila niya, ‘Ma, hindi ‘yan ang issue. Wala ‘yan. Dahil ‘pag may mga gano’ng lalaki talaga sinasabihan ko na huwag ilalabas ang dila. Tingnan mo naman sa amin ni Joshua [Garcia], hindi naman kami nagkaroon ng problema,” dagdag niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Ogie, ang totoong isyu ay ang eksena kung saan ilang beses na ibinato ni Jameson si Ivana sa kama. “Ilang beses tinake ‘yong paghagis sa kaniya sa kama. Na hindi ma-perfect-perfect daw ni Jameson. Kaya ang ending, tumama na ‘yong spine niya do’n sa kanto o sa edge ng kama na nagdulot ito ng sakit sa likod niya,” kwento ni Ogie.
Dahil dito, naospital si Ivana at tatlong buwan umanong sumailalim sa therapy. Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Jameson Blake tungkol sa isyu.
Si Ogie Diaz ay kilalang showbiz insider, talent manager, at vlogger. Matagal na siyang bahagi ng industriya at nakilala sa pagbabahagi ng blind items at showbiz updates. Samantala, si Ivana Alawi ay isa sa pinakasikat na aktres at vlogger ngayon, kilala sa kanyang mga teleserye, YouTube content, at pagiging bukas sa kanyang personal na buhay. Si Jameson Blake naman ay isang aktor at miyembro ng boy group na Hashtags, na lumabas sa iba’t ibang pelikula at teleserye.
Kaugnay ng balitang ito, kamakailan ay nag-trending din ang kabutihang-loob ni Ivana sa mga jeepney driver. Sa ulat ng KAMI, personal siyang namili ng grocery para sa kanila at nagbigay ng ₱10,000 cash assistance. Bukod pa rito, binisita niya ang isang senior jeepney driver na dati nang nag-viral, at nagbigay ng groceries, ₱30,000 cash assistance, isang e-bike, at nagpa-check-up pa sa mata nito.
Samantala, ibinahagi rin ni Zeinab Harake ang natanggap niyang regalo mula kay Ivana Alawi. Sa ulat ng KAMI, ipinakita ni Zeinab ang branded item na bigay ni Ivana, na nagpakita ng kanilang pagiging magkaibigan at suporta sa isa’t isa bilang kapwa content creators.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

