“Sorry for the hurt I caused you”: Janno Gibbs kay Manilyn Reynes

“Sorry for the hurt I caused you”: Janno Gibbs kay Manilyn Reynes

  • Humingi ng tawad si Janno Gibbs kay Manilyn Reynes sa heartbreak na idinulot niya noon
  • Nagsimula ang kanilang tambalan sa That’s Entertainment at sumikat noong dekada ’80
  • Pumasok si Bing Loyzaga sa eksena na nagdulot ng komplikasyon sa kanilang sitwasyon
  • Nilinaw ni Manilyn na hindi siya nagkaroon ng galit kay Bing sa kabila ng nakaraan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapos ang ilang dekada, muling nahalungkat ang nakaraan nina Janno Gibbs at Manilyn Reynes nang maging guest si Manilyn sa YouTube channel nina Janno at Bing Loyzaga. Sa kanilang pag-uusap, inamin ni Janno na hindi pa niya nasasabi nang harapan ang paghingi ng tawad kay Manilyn sa heartbreak na idinulot niya noon. “I think I’ve never said this publicly or even to you na, I’m sorry if I hurt you. Sorry for the hurt I caused you,” ani Janno.

“Sorry for the hurt I caused you”: Janno Gibbs kay Manilyn Reynes
“Sorry for the hurt I caused you”: Janno Gibbs kay Manilyn Reynes (📷Janno & Bing/YouTube)
Source: Youtube

Nagsimula ang tambalan nina Janno at Manilyn sa youth-oriented show na That’s Entertainment. Noon ay child star na si Manilyn, habang si Janno ay nagsisimula pa lamang sa industriya. Pag-amin ni Janno, nahila siya pataas ng kasikatan dahil sa kanilang love team. Naging matagumpay ang kanilang tambalan sa pelikula at musika, ngunit dumating ang panahon na naging komplikado ang kanilang sitwasyon nang pumasok si Bing Loyzaga sa eksena.

Read also

Kim Domingo, nagsalita na sa gitna ng kontrobersya

Sa kasagsagan ng kanilang team-up, naipareha si Janno kay Bing sa mga duets. Dito nagsimula ang mga tsismis na may namamagitan sa kanila. Pag-amin ni Manilyn, nakaramdam siya ng “konting kurot” dahil invested siya sa kanilang tambalan. Kalaunan, nag-break sina Janno at Bing, at niligawan ni Janno si Manilyn. Subalit ilang buwan lamang ang itinagal ng kanilang relasyon.

Naging mas masakit pa ang sitwasyon nang lumabas ang breakup song ni Manilyn na “Sayang na Sayang” noong 1988, kasabay ng kanilang paghihiwalay. Habang umaani ng awards si Manilyn, inaani naman ni Janno ang galit ng fans. “Pag dumaan ako sa tindahan, biglang papatugtugin yung 'Sayang na Sayang,' tapos dinuduro ako ng mga tao nun,” kwento ni Janno.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanilang muling pagkikita, nilinaw ni Manilyn na hindi siya nagkaroon ng galit kay Bing. “Hindi ako galit sa yo. Hindi ako galit sa yo. Totoo,” ani Manilyn kay Bing. Nagpasalamat si Bing sa kanya at inamin na matagal na niyang gustong itanong kung nasaktan ba niya si Manilyn.

Sa hiwalay na panayam kay Snooky Serna, ibinahagi ni Manilyn na kahit naging sila ni Janno, mas pinili nitong bumalik kay Bing dahil buntis ito noon. “Sabi ko, mas kinailangan ni Bing at magiging baby nila ni Janno, more than kailangan ko siya nung time na yon,” ani Manilyn.

Read also

“Victim-blaming pa rin” – Gil Cuerva, palaban sa TRGGRD!

Ngayon, matapos ang mahabang panahon, tila tuluyan nang naisara ang lumang sugat sa pagitan nina Janno, Manilyn, at Bing. Sa kanilang pag-uusap, pinili nilang magpatawad at magpatuloy bilang magkaibigan.

Si Janno Gibbs ay kilalang singer-actor na naging bahagi ng That’s Entertainment at nakilala sa kanyang mga kanta at pelikula. Si Manilyn Reynes naman ay nagsimula bilang child star at naging isa sa mga pinakasikat na aktres at singer noong dekada ’80. Si Bing Loyzaga ay aktres at asawa ni Janno, na naging bahagi rin ng kanilang makulay na kwento.

Manilyn Reynes explains why she doesn’t do 50/50 setup in marriage finances Sa artikulong ito, ipinaliwanag ni Manilyn kung bakit hindi siya naniniwala sa 50/50 setup sa kanilang marriage finances. Ibinahagi niya ang kanyang pananaw bilang asawa at ina, na mas nakatuon sa pagbibigay ng suporta at balanse sa pamilya.

Why Manilyn Reynes chose to raise kids without a household helper Ibinahagi ni Manilyn ang kanyang desisyon na palakihin ang kanyang mga anak nang walang household helper. Ayon sa kanya, mas gusto niyang personal na magampanan ang responsibilidad bilang ina, na naging inspirasyon para sa maraming netizens.

Read also

Rosmar Tan, sinagot ang umano'y “ew” comment ng aktres

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate