Kim Domingo, nagsalita na sa gitna ng kontrobersya

Kim Domingo, nagsalita na sa gitna ng kontrobersya

  • Kim Domingo finally broke her silence on allegations linked to her by Xian Gaza
  • She revealed her three-year relationship with a Thai national kept private for peace
  • Kim addressed criticisms calmly, choosing forgiveness and faith over anger
  • She emphasized happiness is found in peace of mind and genuine love

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matapos ang ilang linggong pananahimik, sa wakas ay nagsalita na si Kim Domingo tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan niya at ni Xian Gaza. Sa isang mahaba at emosyonal na pahayag, pinili ni Kim na hindi direktang kumpirmahin o itanggi ang mga paratang. Ayon sa kanya, anumang sagot ang ibigay niya ay patuloy pa ring huhusgahan ng publiko. “Madaming nagtatanong sakin kung totoo ba or hindi. Isa lang po ang isasagot ko. Kayo na ang bahala.”

Kim Domingo, nagsalita na sa gitna ng kontrobersya
Kim Domingo, nagsalita na sa gitna ng kontrobersya (📷 Xian Gaza, Kim Domingo/Facebook)
Source: Facebook

Ibinahagi ni Kim na sa loob ng tatlong taon ay sinadya nilang itago ang relasyon upang maiwasan ang gulo at maling interpretasyon. Natuto raw siya mula sa mga sakit na dulot ng nakaraan niyang publikong relasyon, kaya mas pinili nilang protektahan ang isa’t isa. Sa kanyang kwento, sinabi niyang naging pangalawang tahanan niya ang Thailand, kung saan nakahanap siya ng kapayapaan at normal na buhay. Kapag hindi siya makabiyahe, ang kanyang partner naman ang tahimik na dumadalaw sa kanya, kahit pa maghintay ng ilang oras sa taping o event. “Ganoon namin iningatan ang relasyon namin dalawa.”

Read also

Dani Barretto, diretsong sagot kay Dennis Padilla sa social media

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa unang pagkakataon, kinumpirma ni Kim na ang kanyang kasalukuyang partner ay isang Thai national at tatlong taon na silang magkasama. Nilinaw niyang napilitan siyang ibunyag ito dahil sa kontrobersya, bilang respeto na rin sa kanyang partner at pamilya nito. Sa kanyang pahayag, binanggit din niya ang pagkikita nila ni Xian Gaza sa isang music festival sa Thailand noong nakaraang Setyembre. Ayon kay Kim, nagpalitan lamang sila ng tingin at hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan ito. “Hindi ko sasabihin na sinungaling ka, hindi ko din sasabihin na nagsasabi ka ng totoo… Bahala na ang mga tao ang humusga sa atin.”

Sa kabila ng matinding batikos, lalo na mula sa kapwa kababaihan, pinili ni Kim ang kapatawaran kaysa galit. “You are all forgiven.” Dagdag pa niya, ang tunay na kaligayahan ay hindi nasusukat sa pera o kasikatan, kundi sa kapayapaan ng isip, pusong marunong magpasalamat, at pagmamahal mula sa pamilya at malalapit na kaibigan. “Wala man kaming 400-500 million, pero masasabi ko na daig pa namin ang mga bilyonaryo sa peace of mind at grateful heart na meron kami.”

Read also

Dennis Padilla, may matinding tugon sa pahayag ni Dani

Si Kim Domingo ay kilala bilang aktres at modelo na lumabas sa iba’t ibang teleserye at pelikula. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, madalas siyang laman ng social media dahil sa kanyang mga personal na pahayag at kontrobersya. Sa kabila ng mga hamon, nananatili siyang isa sa mga pinakakilalang personalidad sa industriya.

Xian Gaza, napa-react matapos makita ang naging sagot ng ChatGPT tungkol sa kanila ni Kim Domingo Sa artikulong ito, makikita ang reaksyon ni Xian Gaza matapos lumabas ang sagot ng ChatGPT tungkol sa kanya at kay Kim Domingo. Nagdulot ito ng dagdag na usapan sa social media, kung saan maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon sa isyu.

Kim Domingo shares sweet photo with rumored boyfriend Ibinahagi ni Kim Domingo ang isang larawan kasama ang kanyang rumored boyfriend na agad nag-viral online. Maraming netizens ang natuwa at nagbigay ng suporta, habang ang ilan naman ay nagbigay ng sariling interpretasyon sa kanilang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate