Park Bom, muling nagbahagi ng mensahe para kay Lee Min-ho sa Instagram

Park Bom, muling nagbahagi ng mensahe para kay Lee Min-ho sa Instagram

  • Muling nag-post si Park Bom ng mensahe para kay Lee Min-ho sa Instagram na pinamagatang “A letter to Lee Min-ho” bago niya ito burahin at palitan ng hashtags
  • Sa sulat, sinabi ni Bom na miss na miss niya ang aktor at nais niyang “act close” sa kanya, bagay na agad na nagdulot ng intriga at screenshots mula sa fans
  • Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbahagi si Bom ng damdamin para kay Min-ho, dahil noong 2024 at 2025 ay tinawag pa niya itong “my husband” sa kanyang mga posts
  • Patuloy na nag-aalala ang fans sa kalagayan ni Bom, lalo na matapos ang kanyang hiatus sa 2NE1 dahil sa health concerns at mga kontrobersyal na sulat na ibinahagi niya online

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling naging sentro ng usapan ang South Korean singer at 2NE1 member na si Park Bom matapos mag-post ng panibagong mensahe para sa aktor na si Lee Min-ho.

Park Bom, muling nagbahagi ng mensahe para kay Lee Min-ho sa Instagram
Park Bom, muling nagbahagi ng mensahe para kay Lee Min-ho sa Instagram (📷@newharoobompark/IG)
Source: Instagram

Noong Abril 24, nagbahagi si Bom ng selfie sa Instagram na may caption na “A letter to Lee Min-ho.” Sa mensahe, sinabi niya: “Hi? I'm Bom. Are you doing well? I'm writing this letter in this way. I want to act close to you. I miss you so much. Life isn't too hard, is it? I'm living while drawing strength from seeing Min-ho. Minho Mido, fighting.”

Read also

Gov. Daniel Fernando, nagsalita sa isyu kay Kim Rodriguez

Ngunit ilang oras matapos ang post, agad na binura ni Bom ang sulat at pinalitan ng hashtags na nagdadala ng kanyang pangalan. Nanatili ang larawan sa kanyang account, ngunit ang orihinal na mensahe ay nawala. Gayunpaman, nakapag-screenshot na ang ilang fans at ibinahagi ito online.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naghayag si Bom ng damdamin para kay Min-ho. Noong Setyembre 2024, nag-post siya ng mga larawan ng aktor at tinawag itong “my husband.” Noong Pebrero 2025, muli niyang inulit ang pahayag na “He really is my husband.” Bagaman binura rin ang mga posts, nanindigan si Bom na totoo ang kanyang sinabi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, nilinaw ng kampo ni Lee Min-ho na wala silang personal na koneksyon kay Bom at tinawag na “groundless” ang mga kumakalat na tsismis. Sa kabila nito, patuloy pa ring nababanggit ni Bom ang pangalan ng aktor sa kanyang mga posts.

Bukod sa mga ganitong kontrobersya, nagkaroon din ng hiatus si Bom mula sa 2NE1 dahil sa health concerns. Ayon sa kanyang agency, “After receiving medical advice that she needed enough rest and stability, we reached this decision after extensive discussion.”

Sa kabila ng pahinga, patuloy pa rin siyang nagpo-post ng mga sulat sa Instagram. Noong Marso, nagbahagi siya ng handwritten letter kung saan sinabi niyang na-frame siya upang itago ang umano’y drug use ni Sandara Park. Mariin naman itong itinanggi ni Sandara at nagbigay na lamang ng well wishes para kay Bom.

Read also

Edu Manzano, masaya sa bagong yugto ng buhay at career

Noong Abril 17, naglabas muli si Bom ng sulat kung saan ikinuwento niya ang kanyang personal na journey, ang bond nila bilang 2NE1, at ang kontrobersya. “Actually, I am writing because I want that drug-related story to be treated as if it never happened… It would be such a waste because it was a miracle that the four of us met given the big age differences and how absurd it is… I am writing this letter.. You raised us tenderly and I am very grateful,” ayon sa salin ng Maeil Business.

Dahil sa sunod-sunod na posts, maraming fans ang nag-aalala sa kalagayan ni Bom at nananawagan na sana ay makakuha siya ng sapat na suporta mula sa mga medical professionals. Hanggang ngayon, wala pang komento mula kay Lee Min-ho at sa iba pang miyembro ng 2NE1 tungkol sa pinakabagong post ni Bom.

Sa artikulong Sandara Park binasag ang katahimikan sa mabibigat na akusasyon ni Park Bom, diretsahang itinanggi ni Sandara ang umano’y drug use na binanggit ni Bom sa kanyang sulat. Sa halip, nagbigay siya ng mensahe ng suporta at well wishes para sa dating ka-grupo. Naging mainit ang usapan sa social media, kung saan hati ang opinyon ng fans sa mga pahayag ni Bom.

Sa isa pang ulat, Park Bom nagsulat ng liham para sa 2NE1 at kay Sandara, ibinahagi ni Bom ang kanyang damdamin tungkol sa bond ng grupo at ang kanyang pasasalamat sa mga ka-grupo. Sa sulat, sinabi niyang milagro ang pagkikita nilang apat at umaasa siyang matatabunan na ang mga kontrobersya. Maraming fans ang natuwa sa kanyang pagbabahagi, ngunit nanatili pa rin ang pangamba sa kanyang kalagayan.

Read also

Joey Albert, cancer survivor na muling nagbabalik sa entablado

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate