Kuya Kim Atienza, certified na bilang mental wellness facilitator

Kuya Kim Atienza, certified na bilang mental wellness facilitator

  • Kuya Kim Atienza certified na bilang mental wellness facilitator matapos makumpleto ang training workshop sa Quezon City
  • Ibinahagi niya sa Instagram ang certificate mula sa DMR Psychological Services bilang patunay ng kanyang pagsasanay
  • Mas naging personal ang adbokasiya ni Kim matapos ang pagpanaw ng anak na si Emman noong nakaraang taon
  • Sinimulan niya ang “The Emman Effect” bilang social media movement para sa kindness at mental health awareness

May bagong titulo si TV host at aktor na si Kim Atienza—hindi lang sa larangan ng pagbabalita at pagho-host, kundi sa usaping mental health. Certified na siyang mental wellness facilitator matapos makumpleto ang isang mental health training program.

Kuya Kim Atienza, certified na bilang mental wellness facilitator
Kuya Kim Atienza, certified na bilang mental wellness facilitator (📷@kuyakim_atienza/IG)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram Stories, proud na ibinahagi ni Kuya Kim ang ilang litrato mula sa Mental Health First Aid Workshop na isinagawa ng DMR Psychological Services. Makikita sa mga larawan ang kanyang ngiti habang hawak ang certificate na patunay na pasado siya sa eight-hour workshop na ginanap sa Quezon City.

Read also

Edu Manzano, masaya sa bagong yugto ng buhay at career

Ayon sa certificate, sinanay na si Kim para magbigay ng mental health support at tumulong sa mga indibidwal na nakararanas ng psychological distress. Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nagpakita siya ng malasakit sa kapwa. Nauna na siyang tumulong sa isang distressed netizen at maging sa pagbabayad ng psychiatrist consultation fee ng isa pang nangangailangan online.

Mas naging personal ang adbokasiya ni Kuya Kim matapos ang pagpanaw ng kanyang youngest daughter na si Emman noong Oktubre 2025, habang lumalaban sa anxiety at depression. Mula noon, sinimulan niya ang “The Emman Effect,” isang social media movement na nakatuon sa pagbabahagi ng kindness at pagtulong sa kapwa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Anim na buwan matapos ang trahedya, mas lumalim pa raw ang kanyang layunin sa buhay. Ayon sa kanya, ito na ang kanyang misyon—ang makatulong sa kabataan na dumaraan sa mabibigat na pinagdadaanan. “I guess they see me as a safe space. It is an honor, but also a big responsibility,” ani Kuya Kim sa isang press event.

Si Kim Atienza, kilala bilang “Kuya Kim,” ay isa sa pinakapopular na TV hosts sa Pilipinas. Bukod sa kanyang pagiging weather anchor at program host, kilala rin siya sa kanyang adbokasiya sa kalusugan at edukasyon. Sa mga nakaraang taon, mas pinili niyang ituon ang kanyang oras sa mga makabuluhang proyekto, kabilang ang pagtulong sa mga kabataan at pagbibigay ng inspirasyon sa social media.

Read also

Popstar Royalty, pinabulaanan ang isyu ng politika matapos kumalat ang video

Sa artikulong Kuya Kim Atienza inilahad kung anong nangyari sa kwarto at mga gamit ni Emman, emosyonal na ibinahagi ni Kuya Kim ang kanyang karanasan sa pagpasok sa kwarto ng anak matapos ang trahedya. Maraming netizens ang naantig sa kanyang kuwento at nagbigay ng suporta sa pamilya.

Sa isa pang ulat, Kim Atienza emosyonal sa mga bagong sulat handog na natagpuan sa himlayan ni Emman, muling naging emosyonal si Kuya Kim nang makatanggap ng mga sulat mula sa mga nagmamahal kay Emman. Ang mga mensahe ay nagsilbing paalala ng pagmamahal at suporta ng komunidad sa kanilang pamilya.

Makikita na mas lalong lumalim ang adbokasiya ni Kuya Kim sa mental health, na hindi lamang nakabatay sa kanyang personal na karanasan kundi sa kanyang hangaring makatulong sa iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate