Popstar Royalty, pinabulaanan ang isyu ng politika matapos kumalat ang video
- Naglabas ng paglilinaw ang G Productions kaugnay sa kumakalat na video ni Sarah Geronimo kung saan tila pabirong sinabi niyang iboto siya sa susunod na eleksyon
- Ayon sa pamunuan, ang video ay mula sa isang live event kung saan bahagi ng closing spiel ni Sarah ang biro na nagdulot ng espekulasyon
- Nagkaroon ng intriga na baka may kaugnayan ito sa politika at sa interes ni VP Sara Duterte na tumakbo sa 2028 presidential elections
- Nilinaw ng G Productions na wala itong kinalaman sa politika at nais lamang nilang ma-enjoy ng publiko ang magaang sandali sa entablado
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Naglabas ng opisyal na paglilinaw ang G Productions kaugnay ng kumakalat na video ni Popstar Royalty Sarah Geronimo kung saan tila pabirong sinabi niya sa audience na iboto siya sa susunod na eleksyon. Ang naturang video ay kuha mula sa isang live event kung saan bahagi ng kanyang closing spiel ang naturang biro.

Source: Instagram
Ayon sa pamunuan ng G Productions, ang video ay hindi dapat bigyan ng political color. “For context: the video came from a live event where, as part of her closing spiel, Sarah playfully asked the audience to vote for her in the next election. It was a lighthearted moment meant purely for fun and crowd interaction,” saad nila. Nilinaw pa nila na ang Popstar Royalty ay masaya sa kanyang ginagawa sa entablado at wala itong kinalaman sa anumang planong pagpasok sa politika.
Nagkaroon ng espekulasyon mula sa publiko na baka ito ay “subtle way” ng pag-endorso sa katukayo niyang si Vice President Sara Duterte, na nauna nang nagpahayag ng interes na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028. Ngunit ayon sa G Productions, walang kinalaman ang biro ni Sarah sa anumang political agenda. “Sarah is exactly where she wants to be — on stage, doing what she loves, and inspiring people through her talent and artistry,” dagdag pa nila.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kanilang pahayag, hiniling ng G Productions na huwag lagyan ng ibang kahulugan ang biro ni Sarah. “We kindly ask everyone to enjoy the moment for what it was and resist adding any political color to an onstage joke,” ayon pa sa kanila. Ang kanilang paglilinaw ay naglalayong tapusin ang mga haka-haka at ibalik ang pokus sa musika at talento ng Popstar Royalty.
Si Sarah Asher Tua Geronimo-Guidicelli, mas kilala bilang Popstar Royalty, ay ipinanganak noong Hulyo 25, 1988 sa Santa Cruz, Manila. Bata pa lamang ay nahilig na siya sa musika, at ang kanyang ama ang unang nagturo sa kanya ng pagkanta. Lumaki siya sa isang simpleng pamilya, at madalas sumali sa mga singing contests at mall shows bago tuluyang sumikat.
“I’ll choose silence” – Sarah Lahbati, makahulugang post online Sa artikulong ito, nagbahagi si Sarah Lahbati ng isang makahulugang post na nagsasabing pipiliin niya ang katahimikan. Nagdulot ito ng espekulasyon mula sa netizens na may kinalaman ang kanyang post sa mga personal na isyu. Marami ang nagbigay ng suporta at nagpakita ng pag-unawa sa kanyang desisyon na manatiling tahimik.
Ballet backstage video nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, viral Samantala, isang video nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa backstage ng isang ballet show ang naging viral. Ipinakita nito ang kanilang sweet moments at natural na chemistry bilang mag-asawa. Muling nagbigay ng kilig sa kanilang mga fans ang naturang video na mabilis na kumalat online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

