Cesar Montano, ibinida ang healthy lifestyle sa edad na 64

Cesar Montano, ibinida ang healthy lifestyle sa edad na 64

  • Veteran actor Cesar Montano ibinida na sa edad na 64 ay wala siyang iniinom na maintenance medicine at nananatiling malusog sa kabila ng pagiging senior citizen
  • Ibinahagi niya na simpleng body weight exercises, regular na paggalaw, at maingat na lifestyle choices ang sikreto sa kanyang kalusugan at youthful energy
  • Target niya ang isang meal a day, kadalasan ay isda at gulay, at iwas sa processed food, junk food, at matatamis na pagkain upang mapanatili ang tamang kondisyon ng katawan
  • Aniya, masama ang tatlong beses na pagkain sa isang araw kaya mas pinipili niya ang simple at natural na diet, kasabay ng pananaw na ang healthy living ay nakasalalay sa disiplina at consistency

Ibinahagi ng veteran actor na si Cesar Montano ang kanyang sikreto sa kalusugan sa kabila ng pagiging senior citizen na. Sa edad na 64, proud niyang sinabi na wala siyang iniinom na maintenance medicine. “Wala akong maintenance,” ani Cesar sa isang panayam, kasabay ng pagbabahagi ng kanyang simpleng fitness routine.

Read also

“This will be my final response” – Cianne Dominguez sa cat hunting issue

Cesar Montano, ibinida ang healthy lifestyle sa edad na 64
Cesar Montano, ibinida ang healthy lifestyle sa edad na 64 (📷Cesar D. Montano/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa aktor, hindi kailangan ng komplikadong workout para manatiling malusog. Para sa kanya, sapat na ang patuloy na paggalaw at simpleng body weight exercises upang mapanatili ang functionality ng katawan. Hindi siya mahilig sa mabibigat na gym routines, bagkus ay mas pinipili ang natural na paraan ng pag-eehersisyo.

Bukod sa exercise, maingat din si Cesar sa kanyang pagkain. Ibinahagi niya na target niya ang one meal a day dahil naniniwala siyang ito ang mas healthy para sa kanya. Karaniwan, kumakain siya bandang tanghali o kaunti pagkatapos ng lunch. Ang kanyang pagkain ay simple lamang—madalas ay isda at gulay, gaya ng pakbet, ngunit walang karne.

Dagdag pa niya, hindi siya kumakain ng processed foods, junk food, at sugary foods. “Hindi ako nagmi-meat. Kung meron, isda at gulay. Minsan pakbet lang, pero walang meat,” ani Cesar.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ipinaliwanag din ng aktor ang kanyang pananaw sa pagkain. Ayon sa kanya, noon pa man ay isang beses lang kumakain ang tao. “Kasi before, historically, sa totoo lang, you can research this, isang beses lang kumakain ang tao, kung minsan nagmi-miss pa…Noong 1800, nauso lang ang restaurant, kaya pinakain tayo, tinuruan tayong kumain ng three times a day, which is harmful sa atin,” paliwanag niya.

Read also

Ama, nasawi matapos tagain ng sariling anak sa Cavite

Sa kabila ng kanyang edad, nananatili pa rin ang youthful vibe ni Cesar. Kilala siya sa kanyang makulay na showbiz career, kung saan nagawa niyang magtagumpay sa iba’t ibang genre ng pelikula—mula action, drama, hanggang romantic comedy. Ang kanyang versatility bilang aktor ay patuloy na hinahangaan ng publiko.

Cesar Montano supports wife Sunshine Cruz’s relationship with Atong Ang Sa artikulong ito, ipinakita ni Cesar ang kanyang suporta sa dating asawa na si Sunshine Cruz sa relasyon nito kay Atong Ang. Ang kanyang pahayag ay nagpakita ng respeto at pagiging bukas sa bagong yugto ng buhay ni Sunshine.

Sunshine Cruz celebrates Chesca’s birthday with Cesar Montano’s kids Sa ulat na ito, tampok ang masayang selebrasyon ng kaarawan ni Chesca kasama ang mga anak ni Sunshine at Cesar. Ang kaganapan ay nagpakita ng magandang relasyon ng pamilya sa kabila ng kanilang mga pagbabago sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate