Andrea del Rosario, naglabas ng saloobin sa pagsamba ng Pinoy sa politiko
- Nagbigay ng matapang na pahayag si Andrea del Rosario sa Facebook tungkol sa ugali ng mga Pilipino na patuloy na sumasamba sa mga politiko kahit na may mga kaso ng pang-aabuso at pagnanakaw sa kaban ng bayan
- Sinabi ng aktres na “Pilipino lang ang ninanakawan na nga ng politiko, sinasamba pa,” bagay na umani ng suporta mula sa netizens na nagkomento tungkol sa maling pagtrato ng ilan sa mga opisyal ng gobyerno
- Maraming netizens ang sumang-ayon sa kanyang post at nagbigay ng sariling pananaw, kabilang ang mga puna sa relief at ayuda na tila nagiging sapat na dahilan para palampasin ang maling gawain ng mga politiko
- Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng matapang na komento si Andrea, dahil dati na rin niyang sinita ang mga politiko na nagpapagamot sa ibang bansa at nanawagan na dapat sa pampublikong ospital lamang sila magpagamot
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Matapang na nagbigay ng pahayag ang aktres na si Andrea del Rosario hinggil sa ugali ng mga Pilipino pagdating sa mga politiko. Sa kanyang Facebook post nitong Sabado, April 25, sinita niya ang tila maling pagtrato ng ilan sa mga opisyal ng gobyerno na sa kabila ng tahasang pangloloko at pagnanakaw sa kaban ng bayan ay patuloy pa ring sinasamba ng taumbayan.

Source: Facebook
“Pilipino lang ang ninanakawan na nga ng politiko, sinasamba pa,” ani Andrea. Bagama’t maikli lamang ang kanyang pahayag, marami ang sumang-ayon at nagbigay ng suporta sa kanyang komento.
Isa sa mga netizen ang nagsabi: “Konting ayuda, konting relief ayos na ang buto-buto.” Chika naman ng isa: “Tunay po at yan ang totoo grabe na nangyayare personalan na kung sinu gumagawa ng tama sya yung binabatikos.” May isa pang nagkomento: “Correct. Dapat kpag npatunayan na ngnakaw ikinukulong na yn. Pra hndi na mkpgnakaw pa. Kwawa na taong byan. Tulad ng flood control na yn? Wla na.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng matapang na pahayag si Andrea tungkol sa mga isyu sa bansa. Sa isa niyang post, binanggit niya ang tungkol sa mga politikong bigla na lang nagkakasakit. “Bawal magpa gamot sa ibang bansa Ang politico, only in our public hospitals!!!” ani Andrea.
Ang kanyang mga pahayag ay nagdulot ng diskusyon online, kung saan marami ang sumang-ayon na dapat mas maging mapanuri ang mga Pilipino sa mga pinuno ng bansa.
Si Andrea del Rosario ay kilala bilang aktres na lumabas sa iba’t ibang pelikula at teleserye. Bukod sa kanyang career sa showbiz, naging aktibo rin siya sa politika at nagsilbi bilang public servant sa kanyang bayan. Kilala siya sa kanyang pagiging prangka at matapang sa pagbabahagi ng saloobin, lalo na sa mga isyu na may kinalaman sa pamahalaan at lipunan.
Bukod sa kanyang matapang na pahayag, kamakailan ay naging tampok din si Andrea sa ilang balita.
Sa isang artikulo ng Kami.com.ph, isiniwalat ni Andrea ang katotohanan tungkol kay Vin Diesel sa isang sikretong Beverly Hills party. Ikinuwento niya ang kanyang karanasan at nagbigay ng inside story na ikinagulat ng marami.
Samantala, sa isa pang ulat ng Kami.com.ph, kinailangan operahan si Andrea sa mata. Sa kabila nito, pinuri siya ng netizens dahil sa kanyang hindi humuhupas na ganda at lakas ng loob.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

