Janine Gutierrez, nagkuwento sa kanyang “adulting phase”

Janine Gutierrez, nagkuwento sa kanyang “adulting phase”

  • Kapamilya actress Janine Gutierrez ay nagbahagi ng kanyang mga natutunan sa tinatawag niyang “adulting phase,” kung saan mas nakilala niya ang sarili at natutong maging independent
  • Sa isang panayam sa Oh My Gan podcast, ikinuwento ng aktres ang kanyang karanasan sa pamumuhay mag-isa, kabilang ang mga hamon at kasiyahan na dala ng pagiging independent
  • Ayon kay Janine, natutunan niyang maging mas responsable sa mga simpleng bagay gaya ng pagluluto, paglalaba, at pag-aasikaso ng mga bayarin, na dati ay hindi niya gaanong pinapansin
  • Dagdag pa niya, ang pagiging masaya sa sarili ay nakatulong upang mas maging maingat siya sa pagbibigay ng oras sa ibang tao, at mas na-enjoy niya ang pagbuo ng sariling tahanan na puno ng mga bagay na mahalaga sa kanya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kapamilya actress Janine Gutierrez ay nagbahagi kamakailan ng kanyang mga natutunan sa tinatawag niyang “adulting phase.” Sa edad na 36, mas malinaw na sa kanya ang kahulugan ng pagiging independent at ang mga aral na dala ng pamumuhay mag-isa.

Read also

Ina, sugatan matapos barilin umano ng sariling anak sa Ilocos Sur

Janine Gutierrez, nagkuwento sa kanyang “adulting phase”
Janine Gutierrez, nagkuwento sa kanyang “adulting phase” (📷@janinegutierrez/IG)
Source: Instagram

Si Janine ay mula sa isang malaking showbiz clan, ngunit bago siya tuluyang pumasok sa industriya, pinrioridad muna niya ang kanyang pag-aaral. Nang magsimula na siya sa showbiz, agad niyang napatunayan na kaya niyang magtagumpay sa sariling pangalan.

Sa isang panayam sa Oh My Gan podcast, ikinuwento ng aktres ang kanyang karanasan sa pamumuhay mag-isa. Matagal na siyang lumipat mula sa kanilang pamilya, ngunit ang paglipat niya sa bagong condo noong nakaraang taon ay tila nagsilbing bagong yugto ng kanyang buhay.

Isa sa mga bagay na pinakanagustuhan niya ay ang pagbubuo ng sariling tahanan na may personal na “signature.” Sabi kasi nila that it’s better to slowly build your home with your travels, sa mga bagay na makahulugan para sa’yo, para it grows with you, ani ni Janine.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod dito, natutunan din niyang maging mas responsable sa mga simpleng bagay na dati ay hindi niya gaanong pinapansin. Natutunan niyang magluto, maglaba, at mag-asikaso ng mga bayarin nang siya lang mag-isa. Kapag happy ka sa ikaw lang, parang mas nagiging conscious ka din sa kung sino ang bibigyan mo ng oras mo, dagdag pa niya.

Read also

Arestado sa Antipolo: 24-anyos na lalaki, nasangkot sa pagnanakaw ng cellphone

Si Janine Gutierrez ay patuloy na namamayagpag sa kanyang career. Kamakailan lamang ay pumirma siya ng kontrata sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN. Dahil dito, inaasahan na mas marami pang exciting projects ang gagawin niya sa hinaharap. Sa kabila ng kanyang busy schedule, pinapahalagahan pa rin niya ang personal na buhay at ang mga aral na natutunan mula sa pagiging independent.

Ivana Alawi, Janine Gutierrez at iba pang celebs, nag-react sa post ni Marian Rivera Nagbigay ng reaksyon sina Ivana Alawi at Janine Gutierrez sa isang post ni Marian Rivera na agad naging viral. Ang kanilang mga komento ay nagpakita ng suporta at paghanga sa Kapuso actress, na muling nagpatunay ng kanyang impluwensya sa showbiz.

Janine Gutierrez, ibinahagi ang kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Jericho Rosales Ibinahagi ni Janine Gutierrez ang kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Jericho Rosales. Sa panayam, naging bukas siya sa mga hamon at kasiyahan ng kanilang relasyon, na nagbigay ng mas malinaw na larawan sa kanyang personal na buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate