Kris Lawrence at Katrina Halili, pinakilig ang netizens sa kanilang latest photo

Kris Lawrence at Katrina Halili, pinakilig ang netizens sa kanilang latest photo

  • Nag-post ang RnB singer na si Kris Lawrence ng isang larawan kung saan kitang-kita ang kaniyang malagkit na titig kay Katrina Halili
  • Nagpakita ng suporta at kilig ang mga followers ng dalawa dahil sa makahulugang caption ng singer tungkol sa kaniyang inspirasyon
  • Sa kabila ng kanilang paghihiwalay noong 2014 ay nananatiling maayos ang co-parenting relationship ng dalawa para sa kanilang anak na si Katie
  • Kamakailan lamang ay inamin ng dating magkasintahan na hindi nila isinasara ang pinto sa posibilidad na muling magkabalikan

Muling nabuhay ang pag-asa ng mga fans para sa isang "second chance" matapos magbahagi ang RnB singer na si Kris Lawrence ng isang larawan na punong-puno ng "kilig." Nitong Linggo, March 15, naging usap-usapan sa social media ang post ng singer kung saan kasama niya ang kaniyang dating karelasyon na si Katrina Halili.

Kris Lawrence at Katrina Halili, pinakilig ang netizens sa kanilang latest photo
Kris Lawrence at Katrina Halili, pinakilig ang netizens sa kanilang latest photo (đź“·Kris Lawrence/Facebook)
Source: Facebook

Sa nasabing larawan, mapapansin na kahit medyo malabo ang imahe ni Katrina, litaw na litaw naman ang ekspresyon ng mukha ni Kris habang nakatitig nang matindi sa aktres. Habang abala si Katrina sa kaniyang cellphone, tila ba hindi maalis ni Kris ang kaniyang ngiti habang pinagmamasdan ang ina ng kaniyang anak.

Read also

Alvin Aragon, muling bumanat sa mga mister ng SexBomb Girls

Lalo pang nagdagdag ng kulay ang caption ni Kris na tila nagpapahiwatig ng kaniyang nararamdaman: “Trying to mind my business… but life keeps giving me songs to write,” aniya. Dahil dito, maraming netizens ang naghinala kung ang mga linyang ito ba ay para sa isang bagong kanta o para sa mismong aktres na kaniyang kasama.

Matatandaang tumagal ng limang taon ang relasyon ng dalawa bago sila naghiwalay noong 2014. Sa kabila nito, naging prayoridad nila ang kanilang anak na si Katie, na ngayon ay 13 anyos na. Ayon kay Katrina sa mga nakaraang panayam, naging immature lamang sila noon kaya kinailangang maghiwalay para mag-grow, ngunit hindi kailanman nagpabaya si Kris bilang ama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maging ang digital creator na si Floricel Tunguia Ayad ay hindi nakapagpigil na magkomento sa nasabing post. “Writers often create the most beautiful songs when they are inspired, in love & happy. That kind of stare says a thousand words. Love is in the air,” saad nito na sinegundahan naman ng maraming tagahanga na nagnanais na muling magkabuklod ang pamilya nina Kris at Katrina.

Sa gitna ng mga nakakakilig na tagpong ito, patuloy naman ang pagiging matatag ni Katrina bilang isang ina, lalo na sa pagharap sa mga hamon para sa kalusugan ng kanilang anak. Narito ang ilang mga ulat tungkol sa kaniyang buhay bilang isang dedikadong magulang:

Read also

Alex Castro, nagsalita na kung bakit hindi agad sinagot ang mga patutsada ni Alvin Aragon

Inamin ni Katrina Halili na isa sa mga dahilan kung bakit siya https://kami.com.ph/184370-katrina-halili-aminadong-nagba-vlog-para-matustusan-ang-therapy-ni-katie.html Sa kaniyang pagbabahagi, ipinakita ng aktres ang kaniyang determinasyon na gawin ang lahat para sa ikabubuti ng bata sa kabila ng kaniyang busy na schedule.

Bukod dito, nagpahayag din ng pasasalamat ang aktres sa social media dahil nagsisilbi itong paraan para sila ay mag-bonding ni Katie habang kumikita rin para sa mga pangangailangan nito. Ipinapakita ni Katrina ang positibong aspeto ng pagiging isang "hands-on mom" at kung paano niya pinagsasabay ang pagiging magulang at ang kaniyang career.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate