Jopay, emosyonal na humingi ng tawad sa publiko: "On behalf of Alvin and Izzy"

Jopay, emosyonal na humingi ng tawad sa publiko: "On behalf of Alvin and Izzy"

  • HIndi napigilang maluha ni Jopay Paguia Zamora nang magbigay pahayag ukol sa kontrobersyal na komento sa kanila ni Alvin Aragon
  • Matatandaang isa sa mga naging pahayag ni Alvin ay ang hindi umano pagpayag sa kanyang asawang si Izzy Trazona na sumama sa SexBomb reunion concert
  • Gayunpaman, sa isa sa limang gabi ng pagtatanghal ay nagpaunlak si Izzy na makapanhik sa entrablado upang bumati sa kanilang mga tagahanga
  • Nabanggit din ni Jopay na hiling nilang mag-asawa na makausap sina Izzy at Alvin kung mabibigyan ng pagkakataon

Nagbigay ng pahayag si Jopay Paguia Zamora kaugnay sa kontrobersyal na pahayag ni Alvin Aragon tungkol sa grupong SexBomb Girls sa isang panayam kay Julius Babao.

Jopay, emosyonal na humingi ng tawad sa publiko: "On behalf of Alvin and Izzy
Jopay, emosyonal na humingi ng tawad sa publiko: "On behalf of Alvin and Izzy (Julius Babao Unplugged/ Izzy Trazona Aragon)
Source: Facebook

Sa naturang panayam, hindi napigilang maluha ni Jopay nang siya na mismo ang humingi ng paumanhin sa publiko at binigyang linaw ang totoo umanong pakay ni Alvin sa kanyang mga nasabi.

Ayon kay Jopay, nais niyang ipaabot ang paghingi ng tawad sa ngalan ni Alvin Aragon. Aniya, “On behalf of Alvin and Izzy, or Alvin nalang, Ako na yung humihingi ng pasensya sa mga tao. Kasi ang gusto lang naman nila, is ‘yung mapalapit tayo kay Lord. Mali man ‘yung bitawa paano,pero isa lang naman ang goal, is yung mapalapit tayo kay Lord lahat. Ano man yung pinagdadaanan natin… So patawad. Patawarin talaga. Tigilan na. Kasi may dalawang anak na babae ‘yun. Kasi nararamdaman ko si Izzy, sobra. Kasi kung sa akin po mangyari ‘yun, baka hindi ko kayanin,"

Read also

Benjie at Andre Paras, nagsalita na tungkol sa pagkakasangkot ni Kobe sa kumakalat na video

Ipinaliwanag ni Jopay na bagama’t maaaring nagkamali sa paraan ng pagkakalahad ng pahayag, ang intensiyon umano ni Alvin ay hikayatin ang mga tao na mapalapit sa Diyos. Dahil dito, nakiusap siya sa publiko na unawain ang sitwasyon at itigil na ang pagbatikos.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga personalidad na maaaring naapektuhan ng naturang pahayag. Dagdag pa niya, “So kung nasaktan man kayo ni Alvin, Kina Ate K, kay Ian, kay Gloc-9, sorry po.”

Bukod dito, binigyang-diin din ni Jopay ang paniniwala niya na ang mga sinabi ni Alvin na may kinalaman sa Bibliya ay batay umano sa nilalaman nito. Ayon sa kanya, “Tama po lahat ng sinabi niya about sa Bible, Kung pag-uusapan po natin ang bibliya, lahat naman po ng sinabi niya ay tama.”

Sa kabuuan ng panayam, ipinahayag ni Jopay ang pag-asa na matapos na ang isyu at magkaroon ng pang-unawa sa magkabilang panig. Para sa kanya, mas mahalaga ang kapatawaran at ang layuning mapalapit ang bawat isa sa pananampalataya sa kabila ng mga hindi pagkakaunawaan. Kung mabibigyan din ng pagkakataon, nais umano nilang makausap ng kanyang mister at kapwa dancer na si Joshua Zamora ang mag-asawang sina Izzy at Alvin hindi para magkomprontahan subalit sa pagkakataong maari sila umanong matuto sa isa't isa.

Read also

Rufa Mae Quinto, binalikan ang selos at biruang naging mitsa ng hiwalayan nila ni Erik Santos

Narito ang kabuuan ng panayam kay Jopay mula sa Julius Babao Unplugged YouTube:

Si Jopay Paguia-Zamora ay isang Pilipinang dancer, performer, at dating television personality na sumikat bilang isa sa mga pangunahing miyembro ng sikat na all-female dance group na SexBomb Girls noong unang bahagi ng 2000s. Naging tanyag ang grupo sa kanilang mga pagtatanghal sa noontime show na Eat Bulaga at sa teleseryeng Daisy Siete. Bukod sa kanyang pagsasayaw, nakilala rin si Jopay bilang inspirasyon ng hit OPM song na “Jopay” ng bandang Mayonnaise. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal sa dancer na si Joshua Zamora, na dating miyembro ng dance group na Maneuvers. Sa paglipas ng panahon, pansamantala siyang lumayo sa showbiz upang magpokus sa pamilya, negosyo, at sa kanyang pananampalataya. Sa kasalukuyan, muli siyang nakikilahok sa ilang entertainment projects, kabilang ang mga reunion performances ng SexBomb Girls. Patuloy din siyang lumalabas sa mga panayam at programa kung saan ibinabahagi niya ang kanyang karanasan sa industriya, pati na rin ang kanyang pananampalataya at personal na buhay.

Read also

Miss Glenda, ibinahagi ang kanyang pinagdaanan sa gitna ng malubhang karamdaman

Naging kontrobersyal ang pahayag ni Alvin Aragon matapos niyang kuwestiyunin ang mga mister ng ilang miyembro ng SexBomb Girls na pumayag umanong mag-perform ang kanilang mga asawa sa reunion concert ng grupo. Ayon kay Aragon, mababaw umanong gawing sukatan ng pagiging mabuting asawa ang simpleng pagpayag sa kanilang misis na mag-concert at magtanghal sa entablado. Dagdag pa niya, bilang asawa ay tungkulin umano ng lalaki na protektahan ang kanyang kabiyak at hindi hayaan itong magsuot ng mga damit na maaaring pagnasaan ng ibang lalaki.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica