Sandara Park, binasag ang katahimikan sa mabibigat na akusasyon ni Park Bom
- Mariing itinatanggi ni Sandara Park ang mga akusasyon ni Park Bom na siya ay gumamit ng ilegal na droga at ginamit lamang na panakip-butas ang dating kagrupo
- Nag-ugat ang gulo sa isang handwritten letter na ipinost ni Park Bom sa Instagram kung saan binalikan niya ang kanyang 2014 drug controversy at idinawit ang pangalan ni Dara
- Ayon sa isang malapit na source ni Bom ay isinulat ang naturang liham habang ang singer ay nasa isang unstable na kondisyon dahil sa kanyang kalusugan
- Napansin ng mga fans na tila lumalim ang lamat sa pagitan ng dalawa matapos i-unfollow ni Dara si Bom sa Instagram ngayong araw
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muling naging sentro ng mainit na usap-usapan sa social media ang dating miyembro ng 2NE1 na si Sandara Park, o mas kilala bilang Dara, matapos niyang sagutin ang mga seryosong akusasyon mula sa kanyang dating kagrupo na si Park Bom. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story ngayong Miyerkules, March 4, diretsahang pinabulaanan ng Pambansang Krungkrung ang mga pahayag na siya ay sangkot sa paggamit ng pinagbabawal na gamot.

Source: Instagram
Sa kanyang maikling post na nakasulat sa Korean at English, sinabi ni Dara, âI have never used drĂșgs. I wish her well.â Ang pahayag na ito ay tugon sa mga pasabog ni Bom noong Martes, March 3, kung saan nagbahagi ito ng isang handwritten letter. Sa naturang liham na binura rin kinalunan, iginiit ni Bom na ginamit lamang siya noon upang pagtakpan ang diumanoây maling gawain ni Dara.
Matatandaang naging malaking kontrobersya ang pagkaka-detain sa mga gamot ni Bom noong 2014 na Adderall, ngunit na-dismiss ang kaso nang mapatunayang legal itong inireseta para sa kanyang sakit. Subalit sa kanyang bagong post, iginiit ni Bom na hindi siya ang dapat na nasa gitna ng iskandalo. Ayon sa liham, âIt is not a drug. I am an ADD patient, something called Attention Deficit Disorder. Sandara Park was caught for drug abuse, and to cover that up, they turned the medication into something labeled as a drug scandal involving me.â

Read also
Kampo ni Sandara Park naglabas ng opisyal na pahayag hinggil sa mga alegasyon ng dating kagrupo
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi rin pinaligtas ni Bom ang kanilang dating management at ang iba pang kasama sa industriya. âTo the citizens online, I sincerely ask that you please investigate the facts as they are. And lastly, what I truly want to say is this: YG Entertainment, Yang Hyun Suk, Teddy Park, and Lee Chaerin (CL), please do not report to the authorities that Park Bom used more than the prescribed amount of a drug that you yourselves have not used even once in 30 years,â dagdag pa niya sa kanyang post.
Sa kabila ng ingay na nilikha ng post, isang malapit na kaibigan ni Bom ang nagpahayag sa media outlet na OSEN na hindi maganda ang lagay ng kalusugan ng singer nang isulat niya ito. Ayon sa source, âWe became aware of the content shortly before this. As you know, this incident occurred due to Park Bomâs unstable health condition. We ask for your understanding.â Matagal nang naka-hiatus si Bom simula noong Agosto ng nakaraang taon upang magpokus sa kanyang pagpapagaling.
Si Sandara Park ay sumikat sa Pilipinas bago naging global superstar sa South Korea bilang bahagi ng 2NE1 sa ilalim ng YG Entertainment. Kilala ang grupo sa kanilang mga hit songs at malapit na samahan, kaya naman laking gulat ng mga fans nang mapansing i-unfollow ni Dara si Bom sa Instagram ngayong araw. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na pahayag ang CL at YG Entertainment hinggil sa gulo.
Para sa mga nagnanais malaman ang iba pang detalye tungkol sa isyung ito, narito ang ilang mga ulat na naunang nailathala tungkol sa naging aksyon ng bawat kampo.
Sa ulat na, tinalakay ang mas malalim na paliwanag ng management ni Dara upang protektahan ang kanyang reputasyon. Binigyang-diin sa artikulong ito ang mga hakbang na gagawin ng kanyang legal team laban sa mga maling impormasyon. Layunin ng nasabing pahayag na linisin ang pangalan ng aktres sa harap ng publiko.
Samantala, matapos pumutok ang balita, lumabas din ang balitang. Isinaad sa ulat na ito ang opisyal na paglisan ni Dara sa kanyang huling agency kasunod ng mga kontrobersya. Marami ang nagtatanong kung may kinalaman ba ang isyu sa naging desisyon ng kumpanya at ng artista.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo âĄïž hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

