Abyss Company kinumpirma ang pagtatapos ng kontrata ni Sandara Park
- Kinumpirma ng Abyss Company na opisyal nang nagtapos ang exclusive contract ni Sandara Park sa kanilang kumpanya
- Kasunod nito ay napansin ng mga fans na hindi na makikita ang profile ng singer sa official website ng nasabing agency
- Lumabas ang anunsyong ito matapos mag-post si Park Bom ng mga seryosong pahayag na nag-uugnay kay Sandara sa usapin ng droga
- Sa kabila ng ingay sa social media ay nananatiling aktibo ang personal na account ni Sandara habang wala pa siyang direktang sagot sa mga alegasyon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa gitna ng mainit na usaping kinasasangkutan ng dalawang miyembro ng iconic K-pop group na 2NE1, naglabas ng mahalagang anunsyo ang Abyss Company tungkol sa kanilang ugnayan kay Sandara Park. Ayon sa ulat ng OSEN at The Chosun Daily, kinumpirma ng agency na tapos na ang kanilang pagsasama. "The exclusive contract has now expired," ang maikling pahayag ng kumpanya tungkol sa kontrata ng idolo.

Read also
Kampo ni Sandara Park naglabas ng opisyal na pahayag hinggil sa mga alegasyon ng dating kagrupo

Source: Instagram
Maraming fans ang nakapansin na nawala na rin ang profile ni Sandara sa official website ng Abyss Company, habang ang ibang mga artists ay nananatili pa rin doon. Bagama't wala na sa website, makikita pa rin naman ang kaniyang mga larawan at video sa Instagram account ng agency. Ang balitang ito ay sumabog kasabay ng mga mabibigat na akusasyon mula sa kaniyang dating kagrupo na si Park Bom.
Noong March 3, niyanig ni Park Bom ang social media matapos mag-post ng isang sulat-kamay na mensahe. Dito ay binuhay niya ang kontrobersya noong 2014 tungkol sa pagdadala niya ng gamot na Adderall sa South Korea noong 2010. Ayon kay Bom, mayroon siyang “something sensitive and frightening” na gustong ibunyag. Giit niya, ang nasabing gamot ay para sa kaniyang Attention Deficit Disorder (ADD) at hindi para sa masamang bisyo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kaniyang post, idiniin ni Bom na ginamit lamang siya para pagtakpan ang umano’y pagkakasangkot ni Sandara sa droga. Aniya, “It is not a drug. I am an ADD patient, something called Attention Deficit Disorder. Sandara Park was caught for drug abuse, and to cover that up, they turned the medication into something labeled as a drug scandal involving me.”

Read also
Carla Abellana at Dr. Reginald Santos, handa sa alternatibong paraan para magkaroon ng baby
Sa kabila ng mga seryosong paratang na ito, hindi nagbigay ng detalye ang Abyss Company kung may kinalaman ba ang isyu sa pagtatapos ng kanilang kontrata. Nanatili rin silang tahimik kung totoo o hindi ang mga sinabi ni Bom. Si Sandara naman ay hindi pa naglalabas ng kaniyang personal na pahayag, bagama't bumubuhos ang suporta ng kaniyang mga tapat na tagahanga sa kaniyang social media accounts. Matatandaang lumipat si Sandara sa Abyss Company noong September 2021 matapos ang 17 taon niya sa ilalim ng YG Entertainment.
Bago ang kumpirmasyong ito mula sa Abyss Company, naging usap-usapan muna ang matapang na pahayag ni Park Bom sa Instagram. Dito niya unang inilahad ang kaniyang saloobin tungkol sa pagkaka-frame umano sa kaniya upang mapangalagaan ang imahe ng ibang tao sa gitna ng kaniyang pinagdaanang iskandalo sa droga noong mga nakaraang taon.
Sa kabilang banda, mabilis ding tumugon ang panig ni Sandara Park sa mga unang bugso ng akusasyon. Itinanggi nila ang mga paratang at sinabing walang anumang katotohanan ang mga sinasabi ni Bom tungkol sa kaniya, kasabay ng pagpapahayag ng pag-aalala para sa kalusugan ng kaniyang dating kasamahan sa grupo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh