Rabiya Mateo, may mahalagang paliwanag kung bakit 'healing' ang prayoridad ngayon kaysa sa pag-ibig

Rabiya Mateo, may mahalagang paliwanag kung bakit 'healing' ang prayoridad ngayon kaysa sa pag-ibig

  • Inamin ni Rabiya Mateo na mas pinipili niya ang self-healing at personal growth kaysa sa pumasok sa isang bagong relasyon sa ngayon
  • Ibinahagi ng aktres at beauty queen na itinuturing niya ang sarili bilang "work in progress" at kasalukuyang nasa "good seven" pagdating sa kanyang kalagayan
  • Binigyang-diin ni Rabiya ang kahalagahan ng pag-aayos sa sarili upang hindi na maulit ang mga naging problema sa mga nakaraang pakikipag-ugnayan
  • Sa kabila ng pagiging single ay nananatiling positibo ang dalaga at nagtitiwala sa tamang panahon para sa pag-ibig na ibibigay ng Maykapal

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa isang pagkakataon kung saan marami ang nagtatanong sa estado ng kanyang puso, mas pinili ni Rabiya Mateo na maging tapat sa kanyang nararamdaman. Ang dating Miss Universe Philippines ay kasalukuyang yumayakap sa panahon ng pag-aayos sa sarili at personal na paglago sa halip na magmadali sa usaping romanse.

Rabiya Mateo, may mahalagang paliwanag kung bakit 'healing' ang prayoridad ngayon kaysa sa pag-ibig
Rabiya Mateo, may mahalagang paliwanag kung bakit 'healing' ang prayoridad ngayon kaysa sa pag-ibig (đź“·@rabiyamateo/IG)
Source: Instagram

Sa kanyang naging pagbisita sa podcast ni DJ Chacha na From The Heart, naging bukas si Rabiya sa kanyang kasalukuyang mental at emotional state. Nang tanungin kung nasaan na siya sa scale na 1 hanggang 10, ang sagot ng aktres ay, “Probably a good seven.” Bagama't nasa maayos siyang kalagayan, hindi niya ikinuwaity na siya ay isa pa ring “work in progress.” Para sa kanya, ang paglago ay isang mahabang proseso na nangangailangan ng pasensya.

Read also

Hamon sa kalusugan ni Claudine Barretto, ibinahagi sa gitna ng paghahanda para sa pelikula

Hindi rin itinago ni Rabiya na bahagi ng kanyang wellness journey ang patuloy na pag-inom ng gamot at paminsang pagkonsulta sa doktor. Pinatunayan nito kung gaano niya sineseryoso ang kanyang kalusugan. Ayon sa kanya, may malalim na dahilan kung bakit hindi muna niya prayoridad ang makipag-date.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, “Siguro isa din yun kung bakit parang ayoko pa makipag-relasyon agad. Kasi kailangan ayusin ko muna yung sarili ko para hindi na maulit yung mga problema from the past.” Naniniwala si Rabiya na mahalagang malutas muna ang mga personal na isyu upang maging handa sa susunod na kabanata ng kanyang buhay.

Sa halip na tingnan ang pagiging single bilang isang kakulangan, itinuturing itong panahon ng paghahanda ng dalaga. Naniniwala siya na ang pag-ibig ay darating sa tamang oras, lalo na kapag handa na siyang ibigay ang kanyang pinakamabuting bersyon. “Para kung sino man yung ibibigay ni Lord, you know, God’s perfect choice, I can be the best version of Rabiya that he deserves,” pagbabahagi pa niya.

Si Rabiya Mateo ay nakilala nang koronahan bilang Miss Universe Philippines noong 2020 at naging kinatawan ng bansa sa 69th Miss Universe pageant. Matapos ang kanyang laban sa entablado ng kagandahan, pinasok niya ang mundo ng showbiz at naging bahagi ng iba't ibang programa sa GMA Network. Kilala rin siya sa kanyang katapangan sa pagbabahagi ng kanyang pinagmulan bilang isang anak ng single mother at ang kanyang pagsusumikap na maiahon ang pamilya sa hirap.

Read also

Toni Fowler, hindi napigilang maglabas ng galit sa isang post

Bago ang kanyang pag-amin tungkol sa kanyang 'healing' journey, naging viral din ang video ni Rabiya Mateo kung saan makikita siyang umiiyak, na naging daan upang magbahagi siya ng mensahe ng pag-asa. Sa nasabing post, nangako ang aktres sa kanyang sarili at sa mga tagasunod na magiging maayos din ang lahat sa gitna ng mga pagsubok. Marami ang naantig sa kanyang pagiging "vulnerable" at sa matapang na pagharap sa kanyang mga emosyon.

Sa isa pang pagkakataon, muling naging tapat si Rabiya Mateo sa kanyang naging panayam tungkol sa usapin ng relasyon at kung bakit tila mailap muna siya rito. Ipinaliwanag niya na ang kanyang desisyon ay bahagi ng kanyang pagpapahalaga sa sarili at ang kagustuhang maging buo bago muling magbukas ng puso. Ang kanyang mga pahayag ay nagsilbing inspirasyon sa maraming kababaihan na mas pinipiling unahin ang kanilang kapakanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: