K Brosas, rumesbak sa naging banat ni Alvin Aragon tungkol sa pagpapalaki ng anak

K Brosas, rumesbak sa naging banat ni Alvin Aragon tungkol sa pagpapalaki ng anak

  • Naglabas ng kaniyang saloobin ang comedienne-singer na si K Brosas matapos siyang direktang banggitin ni Alvin Aragon sa isang kontrobersyal na panayam
  • Binigyang-diin ni K na wala dapat pakialamanan sa paraan ng pagpapalaki ng anak lalo na't hindi naman umano nag-ambag ang aktor sa kaniyang pamilya
  • Ipinahayag ni K ang kaniyang paniniwala na ang Diyos ay mapagmahal sa lahat at hindi lamang nakatingin sa panlabas na anyo o kasarian ng isang tao
  • Nagpaabot din ng mensahe ng suporta si K para kay Sofia Trazona na siyang sentro ng kasalukuyang gulo sa pagitan ng kaniyang stepfather na si Alvin

Hindi pinalampas ni K Brosas ang naging pahayag ng StarStruck alumnus na si Alvin Aragon kung saan kinuwestiyon nito ang pagpapalaki ni K sa kaniyang anak na si Crystal. Sa isang video na ini-upload sa Facebook, diretsahan at may halong biro na sinagot ni K ang mga paratang na "kinukunsinti" umano niya ang pagiging miyembro ng LGBTQ+ ng kaniyang supling.

Read also

Alvin Aragon, kinuwestiyon ang pagsuporta nina Gloc-9 at K Brosas sa kanilang mga anak

K Brosas, rumesbak sa naging banat ni Alvin Aragon tungkol sa pagpapalaki ng anak
K Brosas, rumesbak sa naging banat ni Alvin Aragon tungkol sa pagpapalaki ng anak (📷@kbrosas/IG)
Source: Instagram

Ayon kay K, napilitan siyang magsalita dahil sa ginawang pag-name-drop ni Alvin sa kaniya kasama sina Gloc-9 at Ian Veneracion. Ayoko sana magsalita kaso binanggit mo pangalan ko, Kuya, e. Binanggit mo kami. Parang kinondena mo kami dahil tanggap namin yung mga anak namin, dahil member sila ng LGBTQ. Ano namang pakialam mo? May ambag ka ba kahit noong preschool, nagbigay ka ba ng baon?” matapang na bwelta ni K.

Read also

Alvin Aragon, kinuwestiyon ang pagtanggap sa kasarian ng kaniyang stepchild

Napansin din ni K ang tindi ng galit na ipinapakita ni Alvin sa kaniyang mga interbyu, hindi lang sa usapin ng kasarian kundi pati sa pananamit ng mga babae. Nairita ako, sa totoo lang. Yun lang talaga. Dinadaan ko lang sa joke. Kasi yung galit mo sa buong member ng LGBTQ, hindi lang sa LGBTQ, [pati] yung galit mo sa mga pananamit, yung mga songs and everything... ang dami. So, ilan na lang kayo pupunta sa langit? Pito?” hirit pa ng komedyante.

Para kay K, ang kaniyang relasyon sa Panginoon ay personal at hindi dapat hinuhusgahan ng ibang tao base sa kaniyang mga desisyon bilang ina. Naniniwala siyang mas mahalaga ang nilalaman ng puso kaysa sa mga literal na interpretasyon ng Bibliya na ginagamit ni Alvin sa kaniyang mga banat. Nakalagay nga sa Bible, ‘Love thy neighbor.’ Walang nakalagay doon na, ‘Love thy neighbor, puwera sa mga bading at mga tomboy.’ Ang sasabihin ko lang, hanggat wala kang inaapakang tao, naniniwala ako na may sarili akong relationship kay Lord, wala tayong pakialamanan,” paliwanag niya.

Read also

CJ Ramos, binalikan ang mga aral na natutunan mula kay Coco Martin

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bilang pagtatapos, pinayuhan ni K si Alvin na "kumalma" at huwag magpadala sa galit habang nagpapahayag ng opinyon. Nag-iwan din siya ng mensahe para sa stepchild ni Alvin na si Sofia Trazona upang palakasin ang loob nito sa gitna ng isyu. Si K Brosas ay kilala sa industriya bilang isang matapang at mapagmahal na ina na laging handang ipagtanggol ang kaniyang anak sa anumang hamon ng buhay.

Ang sagot na ito ni K ay kasunod ng naging matitinding banat ni Alvin laban sa mga magulang na sumusuporta sa kanilang mga anak.Sa kaniyang naunang pahayag, kinuwestiyon muna ni Alvin ang biological father ni Sofia na si Michael Navarro bago nito idinamay ang ibang mga kilalang personalidad. Ipinakita rito ang kaniyang matigas na paninindigan na ang pagtanggap sa kasarian ay hindi ayon sa kaniyang mga pinaniniwalaang aral.

Hindi rin tumigil si Alvin sa kaniyang sariling pamilya at idinamay pa ang mga kapwa artista sa kaniyang krusada.Sa isa pang ulat, idinetalye kung paano direktang pinangalanan ni Alvin sina Gloc-9 at Ian Veneracion habang sinasabing "pinapalakpakan ang mali" sa mata ng lipunan. Ang sunod-sunod na pahayag na ito ang naging mitsa upang tuluyan nang sumagot si K Brosas upang protektahan ang kaniyang dangal at ang kaniyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: