Alvin Aragon, kinuwestiyon ang pagsuporta nina Gloc-9 at K Brosas sa kanilang mga anak

Alvin Aragon, kinuwestiyon ang pagsuporta nina Gloc-9 at K Brosas sa kanilang mga anak

  • Binanggit ni Alvin Aragon ang mga pangalan nina Gloc-9, K Brosas, at Ian Veneracion dahil sa kanilang pagsuporta sa kasarian ng kanilang mga anak
  • Naniniwala ang aktor na ang pagtanggap at pagdiriwang sa pagiging miyembro ng LGBTQ+ ay taliwas sa kaniyang mga pinaniniwalaang aral ng Bibliya
  • Kinuwestiyon ni Alvin kung bakit sila ng asawang si Izzy Trazona ang nagmumulang masama sa mata ng publiko habang pinapalakpakan naman ang iba
  • Ipinahayag ni Alvin na hindi niya kailanman matatanggap ang pag-encourage sa kung ano ang kaniyang itinuturing na mali sa paningin ng Maykapal

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi pa rin humuhupa ang mga pahayag ng StarStruck alumnus na si Alvin Aragon tungkol sa usapin ng kasarian at pamilya. Sa kaniyang pinakabagong panayam, diretsahan niyang kinuwestiyon ang paraan ng pagtanggap ng ilang sikat na celebrity parents sa kanilang mga anak na miyembro ng LGBTQ+ community. Para kay Alvin, hindi dapat ipinagdiriwang ang mga bagay na sa tingin niya ay hindi ayon sa utos ng Diyos.

Read also

Alvin Aragon, kinuwestiyon ang pagtanggap sa kasarian ng kaniyang stepchild

Alvin Aragon, kinuwestiyon ang pagsuporta nina Gloc-9 at K Brosas sa kanilang mga anak
Alvin Aragon, kinuwestiyon ang pagsuporta nina Gloc-9 at K Brosas sa kanilang mga anak (đź“·Cris Rafael/YouTube)
Source: Youtube

Partikular na tinukoy ni Alvin ang rapper na si Gloc-9 na gumawa pa ng kantang "Sirena" para sa kaniyang gay na anak na si Daniel. Gayundin ang komedyanteng si K Brosas at ang aktor na si Ian Veneracion na parehong bukas na sumusuporta sa kanilang mga anak na lesbian. “Si Gloc 9, tuwang-tuwa ginawan pa ng kanta yung anak niya. Ayun ba ikinalulugod ng Diyos? [Na parang] palakpakan mo yung lalaki mong anak na ginawa Niya na nagpakabakla, whooo,” ani Alvin.

Dismayado rin ang aktor sa tingin ng publiko sa kanila ng asawang si Izzy Trazona. Para sa kaniya, sila ang gumagawa ng tama ngunit sila pa ang nakakatanggap ng batikos. “Si K Brosas, tuwang-tuwa. Si Ian Veneracion, tuwang-tuwa. Tapos sino yung tumatayo sa kung anong tama sa mata ng Diyos na huwag kang magpakabakla? Kami ni Izzy, [tapos] kami pa masama? Kumusta, world? Pinapalakpakan natin yung mali. Ine-encourage niyo pa. Sasabihin niyo love yon, i-accept?” dagdag pa niya.

Read also

CJ Ramos, binalikan ang mga aral na natutunan mula kay Coco Martin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Iginiit ni Alvin na ang kaniyang paninindigan ay nakabase sa kaniyang malalim na pananampalataya. Sa kabila ng listahan ng mga celebrity parents na kilala sa pagiging "supportive" gaya nina Sharon Cuneta, Lea Salonga, at Dennis Padilla, nananatiling matigas ang paninindigan ni Alvin na hindi dapat kinukunsinti ang ganitong mga hakbang.

Si Alvin Aragon ay nakilala sa showbiz bilang isang aktor bago siya naging tapat sa kaniyang adbokasiya sa relihiyon. Sa kasalukuyan, patuloy ang banggaan ng kaniyang mga konserbatibong paniniwala laban sa mas liberal na pananaw ng kaniyang mga kasamahan sa industriya pagdating sa pagtanggap sa LGBTQ+ community.

Ang mga pahayag na ito ni Alvin ay nag-ugat sa kaniyang sariling karanasan sa kaniyang stepchild. Sa naunang ulat, kinuwestiyon ni Alvin ang pagtanggap ng biological father ni Sofia Trazona sa kaniyang pagiging trans woman. Dito nagsimulang uminit ang diskusyon hanggang sa madamay na ang ibang mga artista na may katulad na sitwasyon sa kanilang mga pamilya.

Read also

AJ Raval, rumesbak sa basher na idinamay ang kaniyang anak sa galit online

Dahil sa mga banat na ito, hindi napigilan ng stepchild na ilabas ang kaniyang saloobin.Naglabas ng emosyonal na mensahe si Sofia Trazona kung saan sinagot niya ang mga akusasyon at paraan ng disiplina ng kaniyang stepfather. Ang palitan ng pahayag ng dalawang panig ay patuloy na sinusubaybayan ng mga netizens na may kani-kaniyang opinyon sa usaping ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate