Alvin Aragon, kinuwestiyon ang pagtanggap sa kasarian ng kaniyang stepchild

Alvin Aragon, kinuwestiyon ang pagtanggap sa kasarian ng kaniyang stepchild

  • Naniniwala si Alvin Aragon na malaki ang naging epekto ng paglaki ni Sofia Trazona sa piling ng kaniyang lola at tiyahin sa kaniyang gender identity ngayon
  • Inihalintulad ng aktor ang mga bata sa isang "sponge" na sumisipsip at nanggagaya sa mga kilos at pananalita ng mga taong palagi nilang nakakasama
  • Kinuwestiyon ni Alvin ang naging presensya ng mga biological parents ni Sofia noong ito ay bata pa, partikular na ang kaniyang amang si Michael Navarro
  • Inamin din ni Alvin na naging mahigpit siya sa pagdidisplina kay Sofia dahil sa kagustuhan niyang ituwid ang nakikita niyang mali sa kaniyang stepchild

Sa kaniyang pinakabagong panayam sa YouTube vlog ni Cris Rafael nitong February 19, 2026, hindi nagpaawat si Alvin Aragon sa pagdedetalye ng kaniyang mga paniniwala. Ayon sa StarStruck alumnus, ang naging kapaligiran ni Sofia Trazona noong bata pa ito ang naging mitsa ng kaniyang pagiging "malambot" at kalaunan ay pagiging isang trans woman.

Read also

CJ Ramos, binalikan ang mga aral na natutunan mula kay Coco Martin

Alvin Aragon, kinuwestiyon ang pagtanggap sa kasarian ng kaniyang stepchild
Alvin Aragon, kinuwestiyon ang pagtanggap sa kasarian ng kaniyang stepchild (đź“·Cris Rafael/YouTube)
Source: Youtube

Ipinunto ni Alvin na dahil abala ang asawang si Izzy Trazona sa SexBomb at wala rin ang biological father na si Michael Navarro, lumaki si Sofia sa pangangalaga ng mga kababaihan. “Ang mga bata, parang sponge yan ng panlinis ng pinggan. Sipsip lang nang sipsip ng tubig at saka ng sabon. Ngayon, si Andrei, anong nasipsip, yung pagiging malambot ni Lola,” pahayag ni Alvin. Para sa kaniya, dahil walang lalaking pigura na gumagabay sa bata araw-araw, ang mga kilos ng lola at tita ang kaniyang na-absorb.

Hindi rin itinanggi ni Alvin ang rebelasyon ni Sofia na minsan siyang napagbuhatan ng kamay. Paliwanag ni Alvin, naging "level up" ang kaniyang disiplina dahil sa tigas ng ulo ng kaniyang stepchild. “Minsan napitserahan ko yon... E, kasi ang tigas ng ulo. Kapag matigas ang ulo mo, medyo nagle-level up ang disiplina. Mayroon talaga akong anger,” pag-amin niya. Naniniwala siya na ang kaniyang ginawa ay bahagi ng pagmamahal nila ni Izzy upang "i-correct" ang mga maling gawi ni Sofia.

Read also

Sofia Trazona, emosyonal na ikinuwento ang suporta ng ama: "Siya bumibili ng makeup ko"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binatikos din ni Alvin ang biological father ni Sofia na si Michael Navarro. Para kay Alvin, ang pagtanggap ni Michael sa pagiging trans woman ni Sofia ay hindi tanda ng pagiging mabuting ama. “Sasabihin mo ang mabuting tatay yung in-accept yung lalaki mong anak na nagpakabakla. Ayun ba ang mabuting tatay? O ang mabuting tatay, yung nagagalit na, 'Bakit ka bakla, e, lalaki ka na ginawa ng Diyos?'” matapang na tanong ng aktor.

Ang kwento ni Alvin Aragon ay nagsimula sa mundo ng StarStruck bago siya naging tapat sa kaniyang pananampalataya. Sa ngayon, ang kaniyang mga pahayag ay patuloy na nag-aani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens at mga kasamahan sa industriya na sumusuporta sa karapatan ng LGBTQIA+ community.

Read also

Kim Chiu, naging emosyonal sa rebelasyon ni Sam Milby tungkol sa kaniyang lihim na pagtulong

Ang mga naging pahayag ni Alvin ay nagdulot ng malaking ingay lalo na sa mga dating kasamahan ni Izzy sa trabaho.Sa ulat na ito, binalikan ang mga naging karanasan ng SexBomb Girls kung saan naging malaking usapin din ang kanilang imahe at pananamit. Marami ang nagpahayag na ang pagiging bahagi ng grupo ay isang propesyunal na trabaho at walang kinalaman sa personal na pagpapalaki ng anak o sa magiging kasarian nito sa hinaharap.

Samantala, hindi rin nanatiling tahimik ang kabilang panig sa gitna ng mga batikos ni Alvin. Naglabas ng emosyonal na mensahe si Sofia Trazona kung saan ibinahagi niya ang kaniyang panig tungkol sa hirap na dinanas sa ilalim ng disiplina ng kaniyang stepfather. Binigyang-diin ni Sofia na ang kaniyang pagkatao ay hindi bunga ng pagkukulang ng kaniyang mga magulang kundi ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan na masaya niyang tinatanggap ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate