Sofia Trazona, sa minsang pagdisiplina ni Alvin Aragon: "One time lang naman"

Sofia Trazona, sa minsang pagdisiplina ni Alvin Aragon: "One time lang naman"

  • Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Sofia Trazona ang minsang pagdisiplina sa kanya ng stepfather na si Alvin Aragon
  • Aniya, na-shock siya sa pangyayaring ito na hindi naman na raw naulit muli
  • Paglilinaw din ni Sofia, nauunawaan din niya kung bakit ito nagawa ng kanyang stepfather
  • Matatandaang naging kontrobersyal ang naging pahayag ni Alvin patungkol sa kasarian na ngayon ni Sofia

Naibahagi ni Sofia Trazona ang tungkol sa minsang pagdidisiplina sa kanya ng kanyang stepfather na si Alvin Aragon, na ayon sa kanya ay isang karanasan na hindi niya kailanman inaasahan at hindi na rin umano naulit pa.

Sofia Trazona, sa minsang pagdisiplina ni Alvin Aragon: "One time lang naman"
Sofia Trazona, sa minsang pagdisiplina ni Alvin Aragon: "One time lang naman" (@andreitrazona_)
Source: Instagram

Sa kanyang salaysay, inamin ni Sofia na labis siyang nabigla sa nangyaring insidente dahil hindi siya lumaki sa isang tahanang may pisikal na pagdidisiplina. Ayon sa kanya, “One time lang naman, pero dun po ako na-shock kasi never po akong na-hit ng parents ko” at iginiit na, “Isang beses lang naman po ‘yun nangyari at hindi na rin naman po naulit.” Nilinaw din niya na siya ay nasa murang edad pa noon, “Grade 7 po ako nun so probably mga 12 years old po siguro.”

Read also

Sofia Trazona, emosyonal na ikinuwento ang suporta ng ama: "Siya bumibili ng makeup ko"

Isinalaysay din ni Sofia ang sitwasyon ng kanilang pamilya noong panahong iyon. Kwento ni Sofia, napalayas umano sila sa tinitirhan sa Mandaluyong kaya naman kinailangan niyang magbuyahe mula sa Cavite kung saan sila nakalipat patungo sa Mandaluyong kung saan siya nag-aaral. Dahil dito, mas naging mahirap ang kanyang araw-araw na pagpasok sa eskuwela, lalo na sa panahon ng kapaskuhan.

Ayon pa sa kanya, ang insidente ay naganap sa gitna ng Christmas rush. “Kaya po ako napagalitan ni Alvin that time dahil Christmas rush po ‘nun as in vacation na namin kinabukasan tapos bumili lang ako ng pang-exchange gift, dahil malalayo nga yung mall sa Cavite.” Dagdag pa niya, “Na-late lang po ako ng uwi kasi sobrang haba ng pila sa terminal. Ta’s ‘yun nagalit siya sakin kinabukasan.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagama’t masakit ang karanasan, ipinaliwanag ni Sofia na nauunawaan niya ang pinanggagalingan ng kanyang stepfather. “Naiintindihan ko naman kasi nagki-care sila sa akin, nag-aalala din. Pero wala naman po akong kasalanan.” Inilahad din niya na humingi naman ng paumanhin si Alvin matapos ang insidente. “Nanghingi rin naman po siya ng sorry and kasi din wala rin po kasi akong cellphone that time.”

Narito ang kabuuan ng kanyang paglalahad mula sa Ogie Diaz YouTube:

Si Sofia Trazona ay isang Filipino drag performer at transgender woman na kilala bilang anak ng dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona. Bago niya opisyal na ginamit ang pangalang Sofia, ang kanyang pangalan ay Andrei (o Sebastian Andrei Dewey Trazona), at unang sumikat sa drag community matapos sumali sa drag competition Bunganga Battle Royale gamit ang drag persona niyang Sofia.

Read also

Sofia Trazona, inaming hindi pa sila nagkikita muli ng inang si Izzy: "Three years na"

Sa naturang interview din sa kanya ni Ogie Diaz, emosyonal na naikwento ni Sofia ang suporta at pagtanggap sa kanya ng kanyang biological father sa kabila ng kanyang desisyon. Aniya, ito pa raw minsan ang gumagastos sa homones nito at maging sa kanyang mga makeup.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica