Sofia Trazona, emosyonal na ikinuwento ang suporta ng ama: "Siya bumibili ng makeup ko"
- Masayang naikwento ni Sofia Trazona kung gaano ka-supportive sa kanya ang kanyang biological father
- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit nito na madalas din niyang makausap ang ama
- Aniya, suportado siya nito maging sa pagbili ng mga bagay na kailangan niya tulad ng mga makeup
- Nabanggit din ni Sofia ang reaksyon ng ama sa kontrobersyal na umano'y pahayag ng stepfather ni Sofia sa patungkol sa kanyang kasarian
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinahagi ni Sofia Trazona ang mga personal na karanasan niya tungkol sa walang sawang suporta ng kanyang pamilya sa kanyang desisyong maging isang drag performer sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Source: Youtube
Sa naturang interview, tinanong ni Ogie si Sofia kung gaano ka-suportado ang kanyang ama sa kabila ng kanyang piniling landas. Ayon kay Sofia, bukas at puno ng malasakit ang kanilang komunikasyon, lalo na bago pa man siya tuluyang pumasok sa mundo ng drag performance. Aniya, "Lagi kaming nagkikwentuhan nun, actually before ako makarating dito, nagkwentuhan kami sabi ko, okay lang naman ako, 'wag mo akong intindihin. Kasi nagwo-worry din po siya baka kung ano na raw mangyari sa akin".
Dagdag pa niya, ramdam na ramdam niya ang pagmamahal at pag-aaruga ng kanyang ama sa pang-araw-araw na buhay. "Sobrang grabe rin po yung care niya, Lagi rin po siyang present ngayon sa life ko. Lahat ng suporta, minsan siya na bumibili ng hormones ko, pati makeup."
Hindi rin aniya ikinahihiya ng kanyang ama ang kanyang identidad. Sa halip, buong pagmamalaki pa niya itong ipinapakilala sa ibang tao. "Kahit po sa family reunions or magkikita lang sila ng kaibigan niya, lagi niyang sasabihin, oy ito yung anak ko, ganda na no? Dalaga na... Talagang pinangangalandakan niyang may dalaga na siya", pahayag ni Sofia.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bukod dito, nausisa rin si Sofia tungkol sa reaksyon ng biological father ni Izzy sa mga naging komento ng kanyang ina at stepdad hinggil sa kanyang kasarian. Ayon sa kanya, nananatiling kalmado at puno ng payo ang kanyang ama, na mas inuuna ang kanyang kalusugan, kabutihang-asal, at personal na relasyon sa Diyos.
Aniya, "Ang sinasabi lang po niya sa akin is alam ko naman na may personal kang relasyon sa Diyos e. huwag mong hayaang diktahan yun ng ibang tao... Lagi lang po niyang sinasabi sa akin na mahalaga ang kalusugan mo, maganda yung pamumuhay mo, wala kang tinatapakang tao, mabait kang bata, laging ganun lang, 'wag mong babaguhin yun sa sarili mo. Magpakumbaba ka lang lagi. Lagi pong ganun si Papa sa akin".

Read also
Kylie Padilla binahagi ang pananaw sa pagpapatawad at pagpapatuloy ng buhay matapos ang hiwalayan
Si Sofia Trazona ay isang Filipino drag performer at transgender woman na kilala bilang anak ng dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona. Bago niya opisyal na ginamit ang pangalang Sofia, ang kanyang pangalan ay Andrei (o Sebastian Andrei Dewey Trazona), at unang sumikat sa drag community matapos sumali sa drag competition Bunganga Battle Royale gamit ang drag persona niyang Sofia.
Matagal nang mayroon siyang publikong relasyon sa mundo ng drag performance at social media bilang isang performer at personalidad. Bukod sa pagiging drag artist, si Sofia ay lumalaban din sa mas malalim na pakikibaka sa kanyang personal na buhay, lalo na sa kanyang pagharap sa kanyang gender identity at kung paanong tinatanggap siya ng kaniyang pamilya.
Ang kontrobersiya na kinasangkutan niya kamakailan ay nakakabit sa kanyang relasyon sa kanyang ina at ang pagtanggap ng pamilya sa kanyang pagiging transgender at drag performer. Lalo na nang magbigay ng komento ang kanyang stepfather si Alvin Aragon patungkol dito. Sa isang pagkakataon, inamin niya na nagsinungaling siya noong sinabi niyang suportado siya ng kanyang ina para maprotektahan ito mula sa backlash, na nagpalala ng mga komentaryo at debate online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
