Sofia Trazona, ibinida ang pagpapabeauty: "Para maganda tayong haharap kay Lord"

Sofia Trazona, ibinida ang pagpapabeauty: "Para maganda tayong haharap kay Lord"

  • Ibinida ni Sofia Trazona sa kanyang social media account ang pagbisita sa isang beauty salon para sa kanyang hair treatment
  • Naging agaw-pansin ang kanyang caption na nagsasabing magpapaganda siya para maging "pretty" sa pagharap sa Panginoon
  • Ang naturang post ay naging usap-usapan matapos ang isang panayam kung saan binanggit ang kwento ng Sodom at Gomorrah kaugnay ng kanyang pagkatao
  • Sa kabila ng mga batikos ay patuloy ang pagpapakita ni Sofia ng kanyang transition habang nananatiling mailap sa personal na pagkikita sa kanyang ina

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang tila naging sagot ni Sofia Trazona sa mga naging pahayag ng kanyang amain na si Alvin Aragon. Sa isang TikTok video habang nasa beauty salon, sumasailalim si Sofia sa hair treatment at nilagyan ito ng caption na, “basta papaganda nalang tayo para pretty haharap kay Lord 🤍.” Marami ang naniniwala na ito ay tugon sa naging interview ni Alvin sa DZAR radio noong February 13.

Read also

Kim Chiu, pumalag sa paghahambing nina Paulo Avelino at Jericho Rosales

Sofia Trazona, ibinida ang pagpapabeauty: "Para maganda tayong haharap kay Lord"
Sofia Trazona, ibinida ang pagpapabeauty: "Para maganda tayong haharap kay Lord" (📷@andreitrazona_/IG)
Source: Instagram

Sa naturang panayam, matapang na ipinagtanggol ni Alvin ang asawang si Izzy Trazona mula sa mga bashers. Ayon sa dating StarStruck alum, sinusunod lamang ni Izzy ang nakasulat sa Bibliya tungkol sa hindi pagtanggap sa pagiging transwoman ni Sofia. Ani Alvin, “Ang daming bash [kay] Izzy, doon pa lang sa anak niya na pinili ang direksyon maging bading, ang dami nang bash eh. Hindi raw tinanggap kasi bading. Eh, totoo naman, eh. Ano bang sabi sa Bible? God judged the homosexuality.” Binanggit din niya ang kwento ng Sodom at Gomorrah bilang basehan ng kanyang pananaw.

Hindi rin nagmamatipid sa mga babala si Alvin para kay Sofia at sa publiko. “Ngayon, ang mabuting magulang, sasabihin mo sa anak mo kung ano ‘yung huwag mong gawin, diba? Kasi mapapahamak ka diyan pag ginawa mo. God will throw you to hell if you continue to do homosexuality,” saad pa ng aktor. Nilinaw din niya na hindi siya "controlling husband" kundi sinusunod lamang ang kaayusan sa pamilya kung saan ang lalaki ang lider.

Read also

Sarina Hilario, ibinahagi ang paghahanda ng unang ASAP performance with Daddy Jhong

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Sofia ay anak ni Izzy sa dating partner na si Michael Navarro. Bagama’t naging maayos ang paglabas ng screenshots ng usapan nina Izzy at Sofia kamakailan sa text, nananatiling mailap ang dalawa sa personal na pagkikita. Ayon kay Sofia, bagama’t masaya siya para sa kanyang ina, natatakot pa rin siya sa magiging pagtanggap nito sa kanyang pisikal na anyo ngayong siya ay ganap nang transwoman.

Sa gitna ng tensyong ito, patuloy ang pagpapakita ni Sofia ng kanyang sarili sa social media, habang nananatiling matibay si Alvin at Izzy sa kanilang paninindigan sa pananampalataya.

Sa gitna ng isyu sa kanyang ina, ibinahagi ni Sofia Trazona ang kabaligtarang karanasan sa kanyang biological father na si Michael Navarro. Ayon kay Sofia, "sobrang supportive" ng kanyang ama at tinatawag na rin siyang Sofia sa halip na ang dati niyang pangalang Andrei. Ipinagmalaki rin niya ang pagbili nito ng kanyang makeup at suporta sa kanyang transition sa kabila ng magkakaibang pananaw ng kanyang mga magulang.

Read also

Izzy Trazona, naglabas ng makabuluhang mensahe sa gitna ng pambabatikos sa kanyang asawa

Kinuwestiyon ni Alvin Aragon ang ibang mga asawa ng SexBomb Girls, gaya ni Vice Governor Alex Castro, sa pagpayag na magsuot ng mga daring na damit ang kanilang mga misis sa reunion concert. Para kay Alvin, tungkulin ng asawang lalaki na "ingatan" at protektahan ang asawa sa pagnanasa ng iba. Binigyang-diin niya na ayaw niyang makitang naka-towel o see-through ang kanyang asawang si Izzy sa harap ng publiko bilang bahagi ng kanyang pamumuno sa pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate