Alvin Aragon, nagsalita sa pagpayag ni Alex Castro na mag-concert si Sunshine Garcia
- Pinuna ng dating aktor na si Alvin Aragon ang pagpayag ni Bulacan Vice Governor Alex Castro na magtanghal ang asawang si Sunshine Garcia sa SexBomb reunion concert
- Ayon kay Alvin, tungkulin ng isang asawa na protektahan ang kanyang maybahay mula sa pagnanasa ng ibang kalalakihan lalo na sa pananamit nito sa entablado
- Ibinahagi rin ng StarStruck alum ang kanyang mahigpit na paninindigan sa pananampalataya at paggalang sa kanyang asawa na si Izzy Trazona simula pa noong sila ay mag-fiancé
- Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na pahayag sina Sunshine Garcia at Alex Castro bilang sagot sa mga naging komento ni Alvin sa isang panayam
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Muling uminit ang usapin sa social media matapos maglabas ng matapang na pahayag ang StarStruck alum na si Alvin Aragon laban sa naging desisyon ni Bulacan Vice Governor Alex Castro. Sa gitna ng matagumpay na reunion concerts ng grupong SexBomb, hindi nakaligtas sa puna ni Alvin ang pagpayag ni Alex na sumabak muli sa entablado ang asawa nitong si Sunshine Garcia.

Source: Facebook
Kilala ang SexBomb Girls, na nagmula sa noontime show na Eat Bulaga, sa kanilang mapang-akit na sayaw at pananamit noong unang bahagi ng 2000s. Sa pagbabalik ng grupo para sa kanilang reunion shows, maraming fans ang natuwa, ngunit kapansin-pansin ang hindi pagsali ni Izzy Trazona, ang asawa ni Alvin.
Sa isang panayam sa Abante’s Jigo Live, hindi nagustuhan ni Alvin ang paghahambing ng mga netizen sa kanya at kay Alex Castro. “Sinasabi nila, ‘Buti pa ‘yung asawa ni Sunshine, Vice Governor, pinayagan sila mag-concert.’ Dapat nga hindi eh. Dapat nga, ‘yung asawa mo, ingatan mo. Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalaki,”giit ni Alvin.
Ipinaliwanag ni Alvin na bilang asawa, nais lamang niyang protektahan si Izzy mula sa anumang sitwasyon na maaaring magdulot ng hindi magandang usapan o kaisipan para sa ibang lalaki. Binigyang-diin niya ang kanyang pagpapahalaga sa asawa mula pa noong nililigawan niya ito noong 2011.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Niligawan ko nga asawa ko simula 2011 hanggang bago kami ikasal, naging fiance kami. Sabi ko, ‘Hindi ko siya hahalikan, eh, hanggang sa sabihin ng pastor, you may kiss your bride.’ Tapos papayagan ko siya mag-concert para mag-towel lang, na makikita ng gaano karaming lalaki sa buong Pilipinas?” dagdag pa niya.
Aniya, hindi niya hahayaang magsuot ng mga daring na damit at magpakita ng balat sa harap ng publiko ang kanyang asawa. “I want to protect my wife. Ako lang titingin, kasi ako ang husband,” matigas na pahayag ng dating aktor. Sa ngayon, nananatiling tahimik sina Sunshine Garcia at Alex Castro hinggil sa isyung ito.
Sa mga nakaraang ulat, naging usap-unapan din ang paglilinaw ni Alvin Aragon tungkol sa tunay na dahilan kung bakit tuluyang lumayo sa limelight si Izzy Trazona. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, iginiit ni Alvin na ang Panginoon at ang kanilang pananampalataya ang nag-udyok kay Izzy na iwan ang SexBomb, at hindi dahil sa siya ay isang "controlling" na asawa gaya ng iniisip ng iba..

Read also
Kylie Padilla binahagi ang pananaw sa pagpapatawad at pagpapatuloy ng buhay matapos ang hiwalayan
Bukod dito, naglabas din ng saloobin si Alvin tungkol sa kanyang relasyon sa anak ni Izzy na si Sofia Trazona, na kamakailan ay naging paksa ng diskusyon sa online community. Sa ulat ng Kami.com.ph, tinalakay ang paninindigan ni Alvin bilang ama at ang mga hamon na kinakaharap ng kanilang pamilya pagdating sa usapin ng pagtanggap at gabay sa kanilang mga anak base sa kanilang paniniwala..
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

