Sam Milby, nasurpresa sa rebelasyon ni Catriona Gray tungkol sa kanilang hiwalayan
- Nahingan ng pahayag ng ABS-CBN si Sam Milby ukol sa naging pahayag ng dati niyang kasintahang si catriona Gray
- Matatandaang kamakailan, sa panayam ni Karen Davila, tila naging rebelasyon ni Catriona ang umano'y dahilan ng pagtatapos nila ng engagement ni Sam Milby
- Naging kontrobersyal ang naturang pahayag matapos ang halos isang taon na pananahimik ng dating magkasintahan
- Samantala, nabanggit din ni Sam na nananatiling single siya sa ngayon at sinabing "full tito mode lamang siya ngayon.
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Aminado si Sam Milby na nagulat siya sa rebelasyon ng dating kasintahan na si Catriona Gray tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Source: Instagram
“Was I surprised, yes,” ani Sam sa isang eksklusibong panayam ng ABS-CBN News bago ang media conference ng kanyang paparating na libreng teleserye na “The Alibi.”
Sa panayam ni Karen Davila kay Catriona, ibinahagi ng beauty queen na hindi pa raw handa si Sam na magpakasal, kahit pa sila ay engaged na noon.
Ayon sa dating Miss Universe, “I really tried to make it work so I was willing to adjust ‘cause siguro when you love someone you are willing to understand them.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nang hingan ng reaksyon si Sam sa sinabi ng kanyang dating nobya, pinili ng aktor na huwag na itong palalimin. “My reaction is just I just wanna keep yung sa amin ni Cat, private. I just dont want to comment. That’s it.”
Halos dalawang taon na ang nakalipas mula nang tuluyan nilang tapusin ang kanilang relasyon.
Sa mga naunang panayam ng ABS-CBN News kay Catriona, nahirapan itong magbahagi ng detalye at maging magkuwento tungkol sa kanilang hiwalayan.
Sinabi rin ni Sam na likas na pribadong tao si Catriona, kaya’t ikinagulat niya ang bigla nitong pagbubukas ng kanyang damdamin sa publiko.
Nang tanungin kung may dine-date na siya sa kasalukuyan, sagot niya, “Nope, I’m not. Not seeing anybody.”
Tinanong kung ito ba ay dahil sa kakulangan ng oras o kawalan ng interes sa bagong relasyon, sinabi niya, “Hindi sa walang oras, I do. I haven’t met anybody. I don’t go out that much.”
Dagdag pa niya, nasa full “tito” mode daw siya ngayon at mas gusto muna ang tahimik na buhay sa bahay. Noong Araw ng mga Puso, ginugol niya ang buong araw sa pag-aalaga sa mga anak ng kanyang kapatid.
Si Sam Milby ay isang Filipino-American actor, singer, at television personality na sumikat sa Pilipinas matapos sumali sa Pinoy Big Brother noong 2005. Kilala siya sa kanyang mga teleserye at pelikula tulad ng Forevermore, The Legal Wife, Halik, at iba pang matagumpay na proyekto sa ABS-CBN. Bukod sa pag-arte, aktibo rin siya sa music industry bilang mang-aawit na may mga album at singles sa ilalim ng Star Music. Nakilala rin siya sa kanyang personal na buhay bilang dating fiancé ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray. Kilala si Sam bilang isang pribadong tao pagdating sa relasyon at personal na isyu. Sa kasalukuyan, mas nakatuon siya sa kanyang career, kalusugan, at tahimik na lifestyle bilang isang “homebody.”
Kamakailan, matapos ang halos apat na taong pananahimik, nagsalita na sa publiko si Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa umano’y kinahinatnan ng relasyon nila ng aktor na si Sam Milby. Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naging bukas si Catriona sa mga detalye ng kanilang hiwalayan at sa mga pinagdaanan niya sa nasabing relasyon.Ayon sa kanya, napagtanto umano ni Sam na hindi pa ito handang pumasok sa mas malalim na antas ng commitment, sa kabila ng nauna na nitong pag-propose.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Proofreading by Marisse Gulferica, copy editor at KAMI.com.gh.
Source: KAMI.com.gh

