Rufa Mae Quinto, inaming nagkaroon siya ng trauma: "Sa lahat ng pinagdaanan ko"
- Ibinahagi ni Rufa Mae Quinto na nakaranas siya ng "trauma" na naging dahilan ng kanyang takot na lumabas noon
- In-open ito ng aktres nang muli siyang nakalabas at nakipag-party kasama ang iba pang artista
- Labis ang saya ni Rufa Mae dahil muli niyang nakita ang kanyang mga "big bosses" at mga kaibigan sa showbiz
- Sa kabila ng pinagdaanan niya, positibo ang naging mensahe ng aktres sa kanyang post
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang hindi inaasahang pag-amin ang ibinahagi ni Rufa Mae Quinto sa kanyang Valentine's Day post ngayong taong 2026. Sa gitna ng kanyang masayang pagdalo sa isang prestihiyosong event sa Malacañang, binanggit ng aktres ang tungkol sa kanyang naging "trauma" noon.

Source: Instagram
"Sobrang saya ko kasi first time po ako nakalabas, naka-mingle, naka-celebrate, naka-gimmick, naka-party, naka-chika," simula ni Rufa Mae sa kanyang caption.
Dito niya ipinaliwanag ang dahilan kung bakit tila naging mailap siya sa mga pampublikong kaganapan.
"Na-trauma po kasi ako lumabas sa madaming tao sa lahat ng pinagdaanan ko," tapat na pag-amin ng komedyante.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kabila ng takot na ito, naging matagumpay ang kanyang gabi sa 'Evening With The Stars' Malacañang Gala kung saan nakasama niya ang ilang mga artista. Ayon sa kanya, naging "todo na 'to!" ang gabi dahil sa pagkakataong makasama ang mga matagal na niyang nakakasama sa industriya ng showbiz.
Naniniwala si Rufa Mae na ito na ang simula ng kanyang tuloy-tuloy na pag-galing mula sa kanyang pinagdaanan.
"Magiging ok din ang lahat. Keep shining, keep smiling," pagtatapos niya sa kanyang post, na nagpapatunay na handa na siyang muling mag-glow sa harap ng maraming tao.
Sa comment section, marami ang natuwa para kay Rufa Mae, at marami rin ang pumuri sa kanyang katatagan at lakas matapos ang kanyang mga pinagdaanan.
Si Rufa Mae Quinto ay isang kilalang Filipina aktres at komedyante. Kilala siya sa kanyang campy na humor at natatanging istilo sa pagpapatawa, na naging dahilan upang maging mahalagang personalidad siya sa kulturang pop ng Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz noong 1996 sa variety show na That's Entertainment. Sa takbo ng kanyang karera, naging bahagi siya ng maraming matagumpay na pelikula. Sa kanyang personal na buhay, ikinasal siya kay Trevor Magallanes noong 2016 at biniyayaan sila ng anak na babae na si Athena noong 2017.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Rufa Mae Quinto ang kanyang pagkatuwa matapos makasama sa pagkanta ang singer na si Moira dela Torre. Sa post, pabirong napansin at nabanggit ng komedyante na magkasing-height lang sila ni Moira. Nag-post din sila ng isang nakakatawang video sa Instagram kung saan kumasa sila sa isang trend.
Samantalang noong 2025 ay diretsahang sinagot ni Rufa Mae Quinto ang ilang mga akusasyon sa kanya. Sa isang 21-minute vlog, in-address ni Rufa Mae ang pagpanaw ng mister niya. Aniya Rufa, may mga ilan daw na nag-iisip na kumupit o kumubra siya ng pera. Say ng aktres, "Marami pong nag-isip na masaya ako dahil kinubra ko yung pera niya."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

