Ai-Ai Delas Alas, ibinahagi ang 'hardest lesson' na natutunan niya sa buhay
- Nakapanayam kamakailan ni Dina Bonnevie ang 'Comedy Queen' na si Ai-Ai Delas Alas
- Dito ay natanong si Ai-Ai tungkol sa kanyang buhay at pati na rin ang mga naka-relasyon niya
- Sa isang punto sa video, naitanong ni Dina kung ano ang "hardest lesson" na natutunan ni Ai-Ai
- Agad namang nagpakatotoo ang komedyante tungkol dito na labis na hinangaan ng ilang online
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa isang tapat at malalim na usapan sa YouTube talk show ni Dina Bonnevie na 'House of D', nagbahagi ang Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas tungkol sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay at pag-ibig. Sa loob ng 35-minute episode, ipinakita ni Ai-Ai ang kanyang tapag at pagiging matatag.

Source: Instagram
Nang tanungin siya ni Dina kung meron ba siyang mga "regrets" o taong hindi mapatawad, mabilis ang naging sagot ng aktres.
"Wala, at peace ako ngayon eh, parang okay na ako sa lahat, na ganyan, nangyari ito, ganun talaga ang buhay. Moving forward and just thanking the Lord for everything na hanggang ngayon eh I'm still alive na kahit gaano kasakit yung nangyari sakin, matatag pa rin ako," ani Ai-Ai.

Read also
Catriona Gray, nagpakatotoo nang matanong sa hiwalayan nila ni Sam Milby: "I was so broken"
Dagdag pa niya, tinanggap niya na bahagi talaga ng buhay ang mga nangyari sa kanya at nagpapasalamat na lamang siya na nananatili siyang matatag sa kabila ng lahat.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naging emosyonal din ang usapan nang mabanggit ang kanyang mga anak at kung paano nila hinarap ang paghihiwalay nila ng dating asawang si Gerald Sibayan. Ayon kay Ai-Ai, hinayaan muna siya ng kanyang mga anak na mapag-isa at naramdaman din niyang dumaan ang mga ito sa sarili nilang "grieving process" para sa kanilang pamilya.
Sa huli, ibinahagi ni Ai-Ai ang pinakamahalagang aral na baon niya ngayon sa kanyang buhay-pag-ibig.
"Yung to love myself na hindi ko kailangan ng lalaki para maging masaya ako sa buhay ko," pagtatapos ng aktres, na nagpapatunay na nahanap na niya ang tunay na kaligayahan sa loob ng kanyang sarili.
Si Ai‑Ai delas Alas ay isang aktres, komedyante, mang-aawit, at personalidad sa telebisyon na tinaguriang 'Queen of Comedy.' Nakilala siya lalo na sa iconic niyang papel bilang Ina Montecillo sa pelikulang Ang Tanging Ina, na naging isa sa pinaka-iconic na comedy franchises sa Pilipinas. Sa telebisyon, hindi rin nagpahuli si Ai-Ai sa kanyang talento bilang host at aktres. Nakilala rin siya sa mga drama-series tulad ng Raising Mamay at blockbuster films gaya ng Volta, Ang Cute Ng Ina Mo, at Pasukob. Sa personal niyang buhay, ikinasal siya kay Gerald Sibayan noong 2017. Ngunit, noong November 2024, kinumpirma na ng 'Queen of Comedy' ang kanilang hiwalayan.

Read also
Izzy Trazona, inilabas ang text convo nila ng kanyang trans child: "Ayoko na sana i-public ito"
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-repost si Ai-Ai Delas Alas ng isang video ni Heart Evangelista na nagpapakita ng kaniyang mga ganap sa fashion week. Sa caption, pabirong binati ni Ai-Ai si Heart dahil sa wakas ay natupad na ang pangarap nito na magkaroon ng sariling "debut." Ginamit ni Heart sa kaniyang video ang iconic na linyang "naiinggit ka lang!" mula sa Ang Tanging Ina, kung saan gumanap siya bilang isa sa mga anak ni Ai-Ai. Maraming netizens naman ang natuwa sa suporta ni Ai-Ai.
Samantalang noong 2025 ay nag-repost si Ai-Ai Delas Alas ng viral video ng mga grooms na umiiyak habang naglalakad sa aisle ang kanilang bride. Ibinahagi niya na natawa siya dahil hindi raw ganun ang naging reaksyon sa kanya ng ex niya noong sila ay ikinasal. Aniya pa nga ng Comedy Queen sa nasabing post, "Dapat pala ganito." Gayunpaman, ang post ay nagpakita ng kanyang katatagan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh