Matteo, may nilinaw sa driver ng SUV na bumangga sa restaurant niya: "She's a very innocent lady"
- Isang SUV ang biglang sumalpok sa al fresco area ng restaurant ni Matteo Guidicelli na Da Gianni sa Westgate Molito
- Sa kabila ng pinsala sa kanyang negosyo, agad na nilinaw ni Matteo ang ilang katanungan ng mga tao sa driver
- Pinupuri ng mga netizens ang pagiging kalmado at marespeto ng aktor habang ipinapakita ang nangyari sa restaurant
- Mananatiling bukas ang interior dining ng Da Gianni habang hinihintay ang insurance para sa pagaayos ng lugar
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muling nagbigay ng update ang aktor na si Matteo Guidicelli tungkol sa nakakagulat na aksidenteng naganap sa kanyang restaurant, ang Da Gianni Cucina Italiana, sa Alabang. Sa isang video tour, ipinakita ni Matteo ang loob ng restaurant kung saan nakapasok ang puting SUV na bumangga sa kanilang pizza oven area.

Source: Instagram
Sa gitna ng pangyayari, isang mahalagang bagay ang nais linawin ni Matteo tungkol sa babaeng nagmamaneho ng sasakyan.
"People would ask me online if she was drunk, if she was high or whatever, no," mariing pahayag ng aktor. Aniya Matteo, "She's a very innocent, beautiful lady that just... just panicked, blacked out, and pressed on the gas instead of the brakes."

Read also
Rochelle Pangilinan, nag-post ukol sa akisdente sa 'SexBomb' Concert: "Babangon at babangon kami!"
Dagdag pa ni Matteo, ang ganitong aksidente ay maaaring mangyari kahit kanino, bata man o matanda, kaya naman ginamit niya itong pagkakataon para magpaalala sa lahat na maging alerto sa paligid.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"So I think the lesson here is always be aware. Watch your surroundings and be careful all the time because this can happen anywhere," ang sinabi ni Matteo sa video.
Ibinahagi rin ni Matteo na kahit nag-panic ang driver, nagawa pa rin nitong ilagay sa "park" ang gearbox ng sasakyan matapos ang bangga. Sa ngayon, hinihintay na lamang nila ang insurance para maayos ang lugar.
Sa kabila ng nangyari, positibo pa rin ang aktor at sinabing target nilang malinis ang lahat bago ang Valentine's Day.
"Da Gianni is still open in the inside so we have another entrance in the back. Come over, and we'll clean this out before Valentine's!" aniya Matteo sa kanyang mga customers.
Si Matteo Guidicelli ay isang Pilipinong aktor, singer, at atleta na unang nakilala bilang kart racer. Nanalo siya ng maraming parangal sa karting noong kabataan niya bago siya pumasok sa showbiz. Nagsimula siya sa Star Magic ng ABS-CBN at lumabas sa mga serye tulad ng Agua Bendita, Galema, at Dolce Amore. Sa kanyang personal na buhay, asawa ni Matteo ang sikat na singer na si Sarah Geronimo. Nagpakasal sila sa isang pribadong seremonya noong February 2020, na naging malaking balita sa bansa noon.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025, sinabi ni Matteo na ang kanyang "second greatest mission" sa buhay ay ang pagiging asawa kay Sarah. Kinumpirma niya na excited na silang magkaroon ng anak at maging mga magulang. Sinabi rin ng aktor na sinusuportahan nila ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagtatayo ng sarili nilang production company at music label. Ginawa nila ito para masiguro na kay Sarah ang pagmamay-ari ng lahat ng kanyang kanta.
Samantalangng noong taon ding iyon, nag-post si Matteo Guidicelli sa Instagram para purihin ang tapang at pagmamalasakit ng mga taga-Cebu matapos ang lindol doon. Humanga siya sa kanilang katatagan at sinabing muli niyang nakita ang pagtutulungan ng mga Cebuano sa gitna ng krisis. Bilang isang Cebuano, sinabi ni Matteo na hanga siya sa kakayahan ng komunidad na bumangon sa hirap gamit ang pagtutulungan at pananampalataya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
