Angeline Quinto, binalikan ang "unforgettable" moment nila ni Sarah Geronimo
- Si Sarah Geronimo ang itinuturing ni Angeline Quinto na pinakaunang kaibigan niya sa mundo ng showbiz
- Nagkasama kasi ang dalawa sa "Star For A Night" bago pa man tanghalin na champion si Sarah
- Bukod sa pagsali sa naturang kumpetisyon, naging mag-schoolmate din ang dalawa at parehong naging bahagi ng school choir
- Isang hindi malilimutang alaala para kay Angeline ay ang sabay nilang pag-uwi sa taxi
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa kanyang naging guesting sa Chad Kinis Show, naging masaya sa pagbabalik-tanaw ni Angeline Quinto sa kanyang naging simula sa industriya. Nang tanungin ni Chad kung ang kanyang idol na si Regine Velasquez ba ang una niyang naging kaibigan, itinanggi ito ng singer.

Source: Instagram
Ayon kay Angeline, ang 'Popstar Royalty' na si Sarah Geronimo ang una niyang naging kaibigan sa mundo ng showbiz.
"Ang una ko kasing naging kaibigan talaga ay si Sarah [Geronimo], sa Star For A Night, hindi pa siya nananalo nun," kwento ni Angeline.
Inamin niya na malalim ang kanilang pinagsamahan dahil bago pa ang contest, magka-schoolmate na sila at parehong kumakanta sa choir ng kanilang dating school.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ibinahagi rin ni Angeline ang isang napakasimpleng moment na hinding-hindi niya malilimutan kasama si Sarah. Noong nagsisimula pa lamang sila, madalas silang mag-share sa taxi kasama sina Mommy Divine at ang yumaong si Mama Bob.
"Right after ng taping namin, kami nila Mommy Divine, ako, si SG, and si Mama Bob, mag-share kami ng taxi kasi taga-Sta. Cruz sila tas kami taga-Sampaloc," pag-alala ni Angeline.
Dahil mas malapit ang Sampaloc, nauna silang ibinababa nina Angeline.
Dagdag pa niya, "Pagbaba namin, magbibigay si mama ng share kung magkano yun sa metro tas si Mommy Divine na yung magtutuloy."
Ang mga kwentong ito ay patunay na kahit sikat na sikat na ang dalawa ngayon, nananatiling grounded ang kanilang pagkakaibigan na nagsimula sa simpleng pangarap at pagtulong sa isa't isa.
Si Angeline Quinto ay isang sikat na singer, actress, at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Nakilala siya matapos manalo sa talent search na Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar noong 2011, kung saan ipinamalas niya ang kanyang makapangyarihan na boses. Mula noon, naging tanyag siya sa pagbirit ng mga ballad at theme song para sa mga pelikula at teleserye. Bukod sa pagkanta, pumasok din si Angeline sa pag-arte, at gumanap sa iba't ibang pelikula at teleserye. Kilala rin siya sa kanyang pagiging palabiro at masayahin sa mga palabas at panayam, dahilan upang maging paborito siya ng mga tao, lalo na nga ng kanyang mga fans.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay ipinagdiwang ni Angeline Quinto ang Pasko kasama ang asawang si Nonrev Daquina at kanilang mga anak na sina Sylvio at Sylvia. Ibinahagi ng "Power Diva" ang mga larawan ng kanilang pamilya sa harap ng Christmas tree. Tuwang-tuwa rin ang ilang mga netizens nang makita ang mga cute na anak ni Angeline na ine-enjoy ang kanilang mga bagong laruan para sa Pasko.
Samantalang noong taon din na iyon ay ibinahagi ni Angeline Quinto na nakatanggap siya ng “diamonds” matapos ang ASAP show. Hindi man pinangalanan, nahulaan ni Antoinette Jadaone na si Regine Velasquez ang nagbigay. Kinuwento rin ni Angeline na hindi ito ang unang beses na niregaluhan siya ng jewelry ng Asia’s Songbird. Matagal nang fan ni Regine si Angeline at malaki ang impluwensiya nito sa kanyang career.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

