Sen. Imee Marcos at McCoy De Leon, namigay ng pagkain sa mga deboto ng Sto. Niño sa Tondo
- Na-ispatan si Sen. Imee Marcos at McCoy De Leon sa Pista ng Santo Niño sa Tondo, Maynila ngayong Linggo, January 18
- Sa bidyo na ibinahagi ni Sen. Imee, makikita siya kasama ang aktor na namimigay ng pagkain sa mga tao
- Hindi lang iyon, dahil bukod sa pamimigay ng mga pagkain ay nakihalubilo din ang senadora at si McCoy sa mga tao
- Matatandaang ang Pista ng Santo Niño sa Tondo ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap sa Tondo, Maynila bilang parangal sa Santo Niño, o ang Batang Hesus
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Youtube
Na-ispatan sina Sen. Imee Marcos at aktor na si McCoy De Leon sa Pista ng Santo Niño sa Tondo, Maynila nitong Linggo, January 18. Sa bidyong ibinahagi ng senadora, makikita silang magkasamang namimigay ng pagkain sa mga dumalo sa pagdiriwang.
Bukod sa pamimigay ng pagkain, kapwa rin sila nakihalubilo at nakipag-usap sa mga residente at deboto sa lugar.

Read also
Vlogger, inaresto matapos umanong mang-harass ng mga Pinoy; dineklarang 'persona non grata'
Ang Pista ng Santo Niño sa Tondo ay isang taunang selebrasyon na ginaganap sa Maynila bilang parangal sa Santo Niño, na kilala rin bilang ang Batang Hesus.
Matatandaan na nuong nakaraan, nagpahayag ng tanong si Sen. Imee Marcos sa kapatid niyang si Pangulong Bongbong Marcos kaugnay ng pagtalaga kay DOJ Secretary Boying Remulla bilang Ombudsman.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Tinawag ng senadora na palpak ang mga naunang plano at inilarawan ang naturang appointment bilang Plan C.
Ibinahagi rin ni Imee ang kanyang pag-aalala sa kaligtasan ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa kanya, ang kailangan ng bansa ay isang People’s Ombudsman na may kredibilidad at may tiwala ng publiko.
Samantala, ang Pista ng Santo Niño sa Tondo ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing Enero bilang parangal sa Santo Niño o Batang Hesus. Tampok dito ang prusisyon, misa, panalangin, sayawan, at iba pang aktibidad na nagpapakita ng pananampalataya at kultura ng komunidad.
Mahalaga ang pista sa mga taga-Tondo dahil naniniwala silang nagbibigay ang Santo Niño ng gabay, proteksyon, at pag-asa sa mga pamilya.
Isa rin itong pagkakataon para magkaisa ang mga residente at ipakita ang bayanihan at pagkakabuklod ng komunidad.
Panuorin ang bidyo ng senadora at ni McCoy dito:
Sumikat si McCoy De Leon matapos sumali sa Pinoy Big Brother. Siya ang partner ng aktres, commercial model, at endorser na si Elisse Joson. Naging mas kilala si Elisse matapos lumabas sa isang McDonald’s commercial noong 2016. Mayroon silang isang anak na babae na si Felize McKenzie. Ipinanganak si Felize sa United States noong April 10, 2021.
Kamakailan lang ay nagdiwang ng ika-apat na kaarawan si Felize. Naging masaya at makulay ang birthday celebration ng bata. Ibinahagi ni Elisse ang ilang cute na larawan mula sa selebrasyon sa social media. Sa caption, nagsulat siya ng sweet na mensahe para sa anak at nagpasalamat sa mga taong tumulong para maging matagumpay ang handaan.
Nauna nang iniulat ng KAMI na ikinatuwa ng mga netizen ang isang post ni Elisse. Sa Instagram, ikinuwento niya ang tungkol sa partner na si McCoy. Ibinahagi rin niya ang isang bagay na ginawa ni McCoy na talagang tumatak sa puso niya. Ayon kay Elisse, ipinakita ito ng aktor sa pamamagitan ng acts of service, na siyang love language ni McCoy.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
