Lian Paz, naging emosyonal sa pagbati niya sa ika-10 na kaarawan ng anak na si Niña

Lian Paz, naging emosyonal sa pagbati niya sa ika-10 na kaarawan ng anak na si Niña

  • Ipinagdiwang ni Lian Paz ang ika-10 na kaarawan ng kanyang "sweet girl" na si Niña
  • Sa kanyang Instagram post, hindi makapaniwala ang dating dancer kung gaano kabilis lumaki ang kanyang bunsong anak
  • Inilarawan ni Lian si Niña bilang isang bata na mapagmahal, caring, at madasalin
  • Ibinahagi rin niya ang katuwaan dahil grabe rin ang pananalig ng kanyang anak sa Diyos

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Punong-puno ng pagmamahal at pasasalamat ang naging pagbati ni Lian Paz para sa ika-sampung kaarawan ng kanyang anak na si Niña Angela. Sa isang madamdaming post sa Instagram, ipinahayag ni Lian ang kanyang mga hiling at panalangin para sa bata habang unti-unti itong nagdadalaga.

Lian Paz, naging emosyonal sa pagbati niya sa ika-10 na kaarawan ng anak na si Niña
Lian Paz, naging emosyonal sa pagbati niya sa ika-10 na kaarawan ng anak na si Niña (@liankatrina)
Source: Instagram
"My incredibly talented sweet girl Niña, you're 10!" ang masayang bungad ni Lian sa kanyang caption.

Aminado ang aktres na tila isang 'time warp' ang pakiramdam dahil hindi niya akalain na nasa "double digits" na ang edad ng kanyang bunso.

"As a Mom, kapag ang mga anak mo ay umabot na sa double digits, mare-realize mo kung gaano kabilis ang panahon," dagdag pa niya.

Read also

Ice Seguerra, nagbahagi ng emosyonal na mensahe para sa ika-13 "meetsary" nila ni Liza Diño

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Lian, si Niña ay isang bata na "walang bukambibig kundi mama, mommy, ma."

Pinuri rin niya ang pagiging mapagmahal, maalaga, at mabait ng anak hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng tao sa paligid nito. Ngunit ang pinaka-proud na sandali para kay Lian ay nang tanggapin ni Niña si Jesus bilang kanyang "Lord and Savior" noong ito ay siyam na taong gulang pa lamang.

"Ang hiling ko ay sana patuloy mo pa ring gustuhing nasa tabi mo si mama kahit 13, 16, 18 ka na o higit pa," ang naging matamis na pakiusap ni Lian.

Sa huli, hinikayat niya ang anak na patuloy na mahalin ang Panginoon nang buong lakas at puso.

"I love you Niña Angela! Enjoy your special day," pagtatapos ng dating dancer sa kanyang post.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Si Lian Paz ay isang dating Filipina aktres at mananayaw na sumikat bilang miyembro ng sikat na dance group na EB Babes, na kilala sa kanilang mga performances at paglabas sa pelikula, telebisyon, at music videos. Bukod sa pagiging dancer, sumubok din siya sa pag-arte at lumabas sa ilang proyekto sa TV at pelikula, kadalasan bilang supporting actress. Dahil sa kanyang galing at charm, naging pamilyar ang kanyang mukha sa showbiz, ngunit kalaunan ay iniwan niya ang industriya upang mag-focus sa kanyang personal na buhay. Bukod pa rito ay nakilala rin si Lian bilang dating asawa ng komedyanteng si Paolo Contis, kung saan mayroon silang dalawang anak na sina Xonia at Xalene. Pagkatapos ng kanilang hiwalayan, natagpuan ni Lian ang bagong pag-ibig sa kanyang asawang si John Cabahug.

Read also

Judy Ann Santos, ipinagdiwang ang 10th birthday ng bunsong anak niya na si Luna

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Lian Paz ang mga 'never-before-seen' na larawan mula sa kanyang kasal kay John Cabahug noong September 2025. Inilarawan ng dating dancer ang nakaraang taon bilang panahon ng pagtitiwala sa plano ng Diyos at paghihintay. Makikita sa mga larawan ang matatamis na photos nila ni John mula sa naturang ceremony.

Samantalang noong 2025 ay nag-post si Lian Paz ng sulat at handmade na regalo mula sa kanyang bunsong anak na si Niña. Ang mga regalo ay mga singsing at pulseras na gawa sa papel, inspirasyon ng brand na Pandora. Lubos na naantig si Lian sa ganda ng sulat ni Niña na nagpapahayag ng pagmamahal nito sa kanya. Aniya Lian, napakasarap daw talaga maging isang ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco