Julia Montes, nagbahagi ng matamis na pagbati para sa kaarawan ni Sharon Cuneta

Julia Montes, nagbahagi ng matamis na pagbati para sa kaarawan ni Sharon Cuneta

  • Nag-post si Julia Montes sa Instagram para batiin ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang kaarawan
  • Inilarawan ni Julia si Sharon bilang isang tao na pinupuno ang bawat kwarto ng biyaya, tawa, at pagmamahal
  • Ibinahagi rin ng aktres ang ilang larawan mula sa naganap na "Sunday Celebration" para sa Megastar
  • Binigyang-diin ni Julia na si Sharon ay mananatiling "Megastar" ng taumbayan at malapit sa kanilang mga puso

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi pinalampas ng aktres na si Julia Montes ang espesyal na araw ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta. Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Julia ng isang madamdaming tribute para sa beteranong aktres na itinuturing na niyang isang mahalagang bahagi ng kanyang buhay at career.

Julia Montes, nagbahagi ng matamis na pagbati para sa kaarawan ni Sharon Cuneta
Julia Montes, nagbahagi ng matamis na pagbati para sa kaarawan ni Sharon Cuneta (@montesjulia08)
Source: Instagram
"Sunday Celebration for Mommy Sharon," ang naging bungad ni Julia sa kanyang post kung saan kasama rin niya ang iba pang mga stars sa industriya para ipagdiwang ang kaarawan ng Megastar. Ayon kay Julia, si Sharon ay "the one who fills every room with grace, laughter, and love."

Read also

Katrina Halili, nagdiwang sa pagtatapos ng stem cell therapy ng anak na si Katie

Sa mga larawang ibinahagi ni Julia, makikita ang kanyang masayang ngiti habang nasa entablado kasama si Sharon at iba pang mga kilalang celebrities.

"Happy birthday, Mommy! Forever our Megastar, forever our heart," dagdag pa ng aktres na halatang puno ng respeto at paghanga para kay Sharon sa kaarawan nito noong January 6.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad namang umani ng libo-libong likes ang post na ito ni Julia, kabilang na ang mula sa kapwa aktres na si Jodi Sta. Maria. Maraming fans ang natuwa sa ipinakitang "mother-daughter" bond ng dalawa, at muli ring bumuhos ang mga pagbati para kay Sharon Cuneta sa comment section.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Si Julia Montes ay isang tanyag na Filipina actress na unang nakilala sa teleseryeng Mara Clara noong 2010, kung saan gumanap siya bilang Clara del Valle. Mula noon, mas lalo siyang nakilala bilang isa sa pinaka-versatile dramatic actresses ng kanyang henerasyon. Kilala siya sa kanyang husay sa pag-arte sa mga matagumpay na serye tulad ng Walang Hanggan, Muling Buksan ang Puso, at Ikaw Lamang. Hindi lamang sa telebisyon, kundi pati sa pelikula ay nagpamalas siya ng galing, gaya sa A Moment in Time at The Day After Valentine's. Sa kabila ng kanyang kasikatan sa show business ay kilala siya bilang pribadong tao pagdating sa kanyang personal na buhay.

Read also

Lian Paz, naging emosyonal sa pagbabalik-tanaw niya sa taong 2025: "It was a year of surrender"

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong December 2025 ay isang sorpresa ang ginawa ni Julia Montes nang umakyat siya sa entablado ng "Moving ForwARd" concert ni Alden Richards. Halata ang gulat at tuwa ni Alden nang makita ang kanyang good friend na si Julia. Nagbigay ng heartfelt na pagbati si Julia para sa ika-15 anibersaryo ni Alden sa showbiz.

Samantalang noong October 2025 ay nagpakatotoo naman si Julia Montes sa panayam sa kanya ni DJ Chacha. Kamakailan ay ipinost kasi ni DJ Chacha ang pag-uusap nila sa Instagram. Sa video clip, naitanong ni DJ Chacha ang aktres tungkol sa mga nepo babies. Biro tuloy ng sikat na aktres sa kilalang radio host, "Hashtag sana all" daw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco