Katrina Halili, nagdiwang sa pagtatapos ng stem cell therapy ng anak na si Katie

Katrina Halili, nagdiwang sa pagtatapos ng stem cell therapy ng anak na si Katie

  • Ibinahagi ni Katrina Halili na natapos na ng kanyang anak na si Katie ang stem cell therapy at mga treatment nito
  • Nagpasalamat ang aktres sa Villa Medica para sa suporta at pangangalaga sa kanilang naging journey
  • Ayon kay Katrina, ang bagong kabanatang ito ay puno ng pag-asa at paggaling para sa anak
  • Kasabay nito, pinasalamatan din niya ang sorpresa at cake para sa kanyang kaarawan mula sa medical team

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang masayang balita ang ibinahagi ng aktres na si Katrina Halili sa kanyang mga followers tungkol sa kalusugan ng kanyang anak na si Katie. Sa Instagram, ipinahayag ni Katrina ang pasasalamat dahil matagumpay na nakumpleto ni Katie ang mahabang proseso ng stem cell therapy at iba pang mga gamutan.

Katrina Halili, nagdiwang sa pagtatapos ng stem cell therapy ng anak na si Katie
Katrina Halili, nagdiwang sa pagtatapos ng stem cell therapy ng anak na si Katie (@katrina_halili)
Source: Instagram
"Celebrating a new chapter. Katie has completed her stem cell therapy and treatments!" masayang anunsyo ni Katrina.

Kalakip ng post ang isang larawan kung saan makikitang nakangiti ang aktres habang hawak ang kamay ni Katie na kasalukuyang nagpapahinga sa kama.

Read also

Lian Paz, naging emosyonal sa pagbabalik-tanaw niya sa taong 2025: "It was a year of surrender"

Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat si Katrina sa mga doktor at staff ng Villa Medica na naging katuwang nila sa laban na ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Grateful to Villa Medica for their support and care throughout this journey. Here's to hope, healing, and brighter days ahead!" dagdag pa niya.

Bukod sa magandang balita para kay Katie, naging double celebration din ito dahil sa sorpresang inihanda ng medical team para sa kaarawan ni Katrina.

"Thank you also sa birthday surprise and cake... We love you, Villa medica," ani Katrina.

Maraming netizens at kapwa celebrities ang nagpadala ng kanilang pagbati at panalangin para sa tuloy-tuloy na paglakas ni Katie sa bagong kabanata ng kanilang buhay.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Si Katrina Halili ay isang kilalang Filipina actress at commercial model. Nagsimula ang kanyang career sa show business matapos siyang matuklasan sa StarStruck noong 2003. Sumikat siya bilang kontrabida sa mga sikat na GMA fantaserye tulad ng Darna at Marimar. Si Katrina rin ang kauna-unahang Filipina na dalawang beses hinirang na 'S*xiest Woman' ng FHM Philippines noong 2006 at 2007. Sa mundo ng showbiz, nakatatanggap si Katrina ng malalaking papuri mula sa mga tao dahil sa kanyang malawak na acting range, lalo na sa mga antagonistic roles niya.

Read also

Sue Ramirez, nagpasalamat sa mga nag-donate ng dugo para sa kanyang ina

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong August 2025 ay naging usap-usapan online si Katrina Halili matapos niyang ibahagi ang kanyang saloobin. Kamakailan ay nagsulat si Katrina ng mahabang mensahe tungkol kay Katie sa Facebook. Dito ay nakiusap si Katrina sa publiko tungkol sa pangungunsinti umano sa kanyang anak. Aniya Katrina, ito na raw ang "last chance" na ibinibigay niya sa publiko patungkol kay Katie.

Samantalang noong July 2025 ay nag-open up kamakailan lang si Katrina Halili tungkol sa vlog ni Ivana Alawi. Nito lamang ay nag-post kasi si Katrina ng isang Q&A vlog sa kanyang channel. Dito ay natanong ang aktres tungkol sa kanyang anak na si Katie Lawrence. Dahil dito ay ibinahagi ni Katrina kung paano niya hinanda si Katie bago ang vlog nila ni Ivana.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco