Sue Ramirez, humihingi ng tulong para sa operasyon ng ina: "Kumakatok po ako sa inyong mga puso"
- Nanawagan si Sue Ramirez sa social media para sa blood donation para sa kanyang ina na si Chit Dodd
- Nakatakdang sumailalim sa isang "open heart surgery" ang ina ng aktres ngayong darating na Wednesday
- Ayon kay Sue, kailangan nila ng mga blood types na B+, B-, O+, at O- para sa operasyon
- Nakiusap din ang aktres para sa mga panalangin para sa paggaling at kalakasan ng kanyang mahal na ina
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang madamdamin at urgent na panawagan ang ibinahagi ng aktres na si Sue Ramirez sa kanyang Instagram stories ngayong Monday, January 5. Humihingi kasi si Sue ng tulong mula sa publiko para sa nakatakdang operasyon ng kanyang ina na si Chit Dodd.

Source: Instagram
"Kumakatok po ako sa inyong mga puso," panimula ni Sue sa kanyang post. Inamin ng aktres na maaaring "too much to ask" ang kanyang hiling, ngunit malaking tulong daw ito para maisalba ang buhay ng kanyang ina.
Nakatakda kasing dumaan sa isang "open heart surgery" si Mommy Chit sa darating na Wednesday, January 7. Ayon sa detalye ng kanyang post, nangangailangan sila ng mga blood types na B+, B-, O+, at O-.
"She will have open heart surgery on Wednesday and we are in need of blood. Blood types B+, B-, O+, O- are eligible to donate with no alcohol intake for at least 48 hours. Please please message me if you are willing and able. Maraming maraming salamat," aniya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Para naman sa mga hindi makakapag-donate ng dugo, nakiusap si Sue na isama na lang ang kanyang ina sa mga panalangin.
"Prayers for her healing and strength would be deeply appreciated. Thank you so much," aniya sa isang black-and-white na larawan kung saan makikitang nakangiti siya habang katabi ang kanyang ina sa ospital.

Source: Instagram

Source: Instagram
Si Sue Ramirez ay isang kilalang Filipina actress at singer. Pumasok siya sa showbiz noong 2010 nang masali siya sa Star Magic, at agad naman na nagtamo ng mga supporting roles sa palabas gaya ng Mula sa Puso, Angelito: Batang Ama, Annaliza, at Dolce Amore. Sa paglipas ng panahon, naging lead actress si Sue at umangat sa local show business. Naging pangunahing kontrabida pa nga si Sue sa The Broken Marriage Vow kung saan nakatanggap siya ng labis na papuri mula sa mga viewers dahil sa kanyang nakakabilib at mahusay na pagganap bilang si Lexy Lucero.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong August 2025 ay labis na nagpakilig si Sue Ramirez dahil sa kanyang panibagong post. Muli kasing nag-travel si Sue kasama ang kanyang nobyo na si Dominic Roque. Sa Instagram page niya, ipinasilip ni Sue ang sweetness at pagiging cozy nila ni Dominic. Ngunit ang nagpa-viral sa picture ay ang palitan nila tungkol sa pagiging "swerte."
Samantalang noong July 2025 ay nag-viral si Sue Ramirez dahil sa kanyang posts. Sa Threads, ibinunyag ni Sue ang mga "habits" na kanya nang binitawan na for good. Aniya pa nga ng aktres, akala niya noon ay mahihirapan siyang tanggalin ang mga ito. Gayunpaman, nagawa niya ito, at marami ang talagang bumilib sa kanyang determinasyon kung kaya't siya ay labis na pinuri.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

