Angelica Panganiban, may nakakatawang hirit tungkol kay Bean pag sila lang ang nasa bahay
- Nagbahagi si Angelica Panganiban ng isang nakakaaliw na Instagram story tungkol sa kanyang pagiging "bida-bida" sa bahay
- Pabiro ring sinabi ng aktres na mabilis sumunod sa kanya ang anak na si Amila Sabine
- Bukod pa rito ay ipinasilip ni Angelica ang kanyang kusina habang siya ay naglilinis at nag-aayos
- Maraming netizens ang naka-relate sa makuwelang kwento ni Angelica bilang isang hands-on na ina
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Kilala ang aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang wit at humor pagdating sa mga kwento ng kanyang buhay, lalo na sa pagiging ina. Sa kanyang pinakabagong Instagram story, muling pinatawa ni Angelica ang kanyang mga followers nang ikwento niya ang kanyang karanasan sa paglilinis ng bahay at pagdidisiplina sa anak na si Amila Sabine, o mas kilala bilang si Baby Bean.

Source: Instagram
"Damang dama ko ang self ko kapag ako naglilinis at bida bida sa bahay," bungad ni Angelica sa kanyang post. Ipinakita niya ang isang litrato ng kanyang malinis na lababo at kusina, na patunay ng kanyang pagiging hands-on na wife at mommy.
Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ng netizens ay ang kanyang hirit tungkol sa kung bakit mabilis sumunod sa kanya ang kanyang anak. Ayon kay Angelica, madali niyang napapasunod si Bean kapag sila lamang dalawa ang nasa bahay.
"Kahit anak ko mabilis sumunod sakin kasi dalawa lang kami sa bahay. Yung para bang wala siyang kakampi kaya listen siya kagad," biro ng aktres.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang mga ganitong "relatable" na kwento ni Angelica ay patuloy na kinagigiliwan ng kanyang mga fans, dahil ipinapakita nito ang simpleng saya at hamon ng pagiging isang magulang. Simula nang maging ganap na ina, mas naging aktibo si Angelica sa pagbabahagi ng mga milestones at kwelang sandali kasama si Bean.

Source: Instagram
Si Angelica Panganiban ay isang Filipina actress, komedyante, at television host na kilala sa kanyang husay sa parehong drama at komedya. Nagsimula siya bilang child actress at sumikat sa kanyang mga papel sa iba't ibang teleserye at pelikula. Ipinamalas niya ang kanyang galing sa drama sa mga teleseryeng tulad ng Pangako Sa 'Yo at The Legal Wife, kung saan hinangaan ang kanyang intense na mga roles. Kilala rin siya sa kanyang talento sa komedya, lalo na sa programang Banana Split. Noong 2022, isinilang niya ang kanyang unang anak kasama ang partner niyang si Gregg Homan, bilang bahagi ng kanyang bagong yugto bilang isang ina.

Read also
Sherra De Juan, isinalaysay ang ilang pangyayari bago siya natagpuan ng taong tumulong sa kanya
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-guest kamakailan si Angelica Panganiban sa 'Fast Talk with Boy Abunda.' Dito ay inilarawan ni Angelica si Gregg bilang "ma-serbisyo" at handyman sa bahay. Ibinahagi niya na best friend niya si Gregg dahil napag-uusapan nila ang lahat. Nakakatawang ikinuwento rin ni Angelica ang kanilang unang meet-up noon at kung ano ang napansin niya.
Samantalang ay inilarawan ni Angelica Panganiban ang pagiging ina kay Amila Sabine. Aniya, ang maging isang "mama" ang tanging pangarap niya mula nang matuto siyang magmahal. Napaiyak pa nga siya habang pinag-uusapan ang kaligayahan dahil natupad ang kanyang pangarap. Labis din siyang nagpasalamat dahil hindi lahat ay nabibigyan ng chance na maging isang mama.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
