Stela Francisco, kinagiliwan sa kanyang nakatutuwang 'fan service'
- Kinagiliwan ng marami ang bunsong anak nina Melai at Jason Francisco
- Ito ay dahil sa nakatutuwang 'fan service' na kanyang nagawa sa isang event na dinaluhan ng kanilang pamilya
- Nagawa ito ni Stela kahit nasa entablado habang ang ina ay abala rin sa pagpapasaya sa kanilang audience
- Dahil dito, hinangaan ang 'fan service' na sa murang edad ay marunong nang makisama sa kanilang mga tagahanaga at tagasuporta
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling kinagiliwan ng netizens ang pamilya nina Melai Cantiveros at Jason Francisco, o mas kilala bilang “Melason,” matapos mag-viral ang isang nakakatuwang eksena ng kanilang bunsong anak na si Baby Stela.

Source: Facebook
Sa isang event na dinaluhan ng buong pamilya, agad na nahuli ang atensyon ng mga manonood ang likas na kakulitan at lambing ni Stela na talaga namang ikinatuwa ng marami.
Habang abala kasi ang ina nitong si Melai sa entablado sa pagpapasaya ng audience sa kanyang walang kapantay na sense of humor, isang hindi inaasahang tagpo ang naganap.
Sa murang edad, ipinakita ni Stela ang kakaibang “fan service” na ikinamangha ng mga naroroon. Sa halip na ang mga fans ang kumuha ng litrato kasama siya, mismong si Stela pa ang humawak ng cellphone ng mga tagahanga at siya mismo ang kumuha ng kanilang larawan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil dito, mas lalong humanga ang publiko sa batang tila natural na sanay makisalamuha at marunong makipagkapwa-tao.
Ang naturang video ay ibinahagi rin ng Melason sa kanilang social media account na may caption na, “Bait naman ng aming Baby Stela.” Ang nasabing kuha, na ayon sa kanila ay mula kay Mark Loyd Defensor, ay mabilis na umani ng libo-libong reaksyon at positibong komento mula sa netizens na tuwang-tuwa sa pagiging sweet at approachable ng bata.
Ang “Melason” ay ang tambalang pangalan nina Melai Cantiveros at Jason Francisco, isa sa mga pinakaminahal at pinakasikat na celebrity couples sa Pilipinas. Unang nakilala ang Melason noong sumali sila sa reality show na Pinoy Big Brother: Double Up, kung saan namukod-tangi ang kanilang natural na pagiging totoo, makulit, at puno ng katatawanan. Mula sa loob ng Bahay ni Kuya, nasubaybayan ng publiko ang pag-usbong ng kanilang relasyon. May tampuhan, lambingan, at walang halong arte. Dahil dito, mabilis silang minahal ng mga manonood. Hanggang sa labas ng bahay, ipinagpatuloy nila ang kanilang tambalan sa telebisyon, pelikula, at iba’t ibang proyekto. Kalaunan, pinagtibay nila ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng sariling pamilya. Sa paglipas ng mga taon, nanatili ang Melason bilang simbolo ng simpleng pagmamahalan, pagiging totoo sa sarili, at pagpapahalaga sa pamilya, dahilan upang patuloy silang suportahan at tangkilikin ng maraming Pilipino.
Sa kasalukuyan, abala ang Melason sa kani-kanilang gawain sa industriya ng showbiz at sa pag-aalaga ng kanilang pamilya. Patuloy na aktibo si Melai sa telebisyon bilang host at komedyante, habang si Jason naman ay nakikibahagi rin sa mga proyekto at event. Bukod dito, mas nakatuon din sila sa paggawa ng content sa social media kung saan madalas nilang ibinabahagi ang masasayang sandali kasama ang kanilang mga anak. Sa pamamagitan ng mga video at posts, ipinapakita nila ang simpleng buhay-pamilya, bonding moments, at pagpapahalaga sa isa’t isa, na lalo pang nagpapalapit sa kanila sa kanilang mga tagahanga.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

