Claudine Barretto, may bagong post ukol sa hospital confinement ng ina: "Ang sakit sakit na"
- Nag-post si Claudine Barretto ng isang video kung saan makikitang tila naka-confine sa ospital ang kanyang inang si Inday Barretto
- Sa kanyang caption, inamin ng aktres ang kanyang nararamdamang hirap sa pagsabing "ang sakit sakit na"
- Ipinakita sa video ang mga bonding moments ni Claudine kasama ang kanyang ina at ang kapatid na si JJ Barretto sa loob ng hospital room
- Agad na nagpaabot ng suporta at mga dasal ang mga netizens para sa mabilis na paggaling ng "matriarch" ng pamilya Barretto
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muling humihingi ng suporta at panalangin ang aktres na si Claudine Barretto para sa kalusugan ng kanyang mahal na ina na si Inday Barretto. Sa kanyang pinakabagong Instagram post, ibinahagi ni Claudine ang isang madamdaming video montage na nagpapakita ng sitwasyon ng kanyang ina sa loob ng isang ospital.

Source: Instagram
Sa nasabing video, makikita ang ilang clips kung saan nakahiga si Mommy Inday sa hospital bed habang binabantayan nina Claudine at JJ Barretto. Nilapatan ito ng kantang "Ikaw" na lalong nagpaantig sa mga followers ng aktres. Sa video, may mga litrato ring ibinahagi kung saan nakayakap si Claudine kay JJ.
Hindi man idinetalye ni Claudine ang dahilan ng pagkaka-ospital ng kanyang ina, ramdam na ramdam ang kanyang lungkot sa caption ng kanyang post. "Ang sakit sakit na," maikling pahayag ni Claudine sa post.
Dahil dito, bumuhos ang mga mensahe ng pakikiramay at pag-asa mula sa kanyang mga loyal na fans. Marami ang nagpaalala kay Claudine na manatiling matatag para sa kanyang ina na si Mommy Inday.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Bless her heart."
"Get well soon to your mom, Clau, prayers."
"Hoping and praying for a fast and quick recovery."
"Sana gumaling na po kayo and stay strong, Ate Clau."
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Claudine Barretto ay isang kilalang Filipina actress. Nagsimula ang career niya sa murang edad at kalaunan ay naging prominenteng personalidad sa telebisyon sa Pilipinas, kung saan gumanap siya sa mga sikat na sitcom tulad ng Home Along Da Riles at Palibhasa Lalake. Nakilala siya nang husto bilang lead actress sa mga malalaking soap opera gaya ng Saan Ka Man Naroroon — kung saan gumanap siya bilang triplets — at Marina. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nakibahagi sa mga gawaing pangkawanggawa. Sa kanyang personal na buhay, minsan siyang ikinasal kay Raymart Santiago ngunit nagkahiwalay din sila at na-annul ang kanilang kasal.

Read also
Robin Padilla, ibinida ang setup na inihanda at 'pinagpuyatan' ni Mariel Padilla para kay Mommy Eva
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Claudine Barretto ng panayam ni Aga Muhlach mula sa Magandang Buhay. Inilarawan ni Aga ang kanyang dating leading leady bilang "the most misunderstood person." Dahil dito ay nagpasalamat si Claudine kay Aga at tinawag siyang "a true gentleman." Ibinahagi rin ni Claudine na minsan ay naging "her rock" niya ang veteran star, bagay na nagpaantig sa fans nila.
Samantalang noong September ay labis na nagluluksa si Claudine Barretto sa pagpanaw ni Mito Barretto. Sa Instagram, inamin ni Claudine na hindi pa rin daw siya makapaniwala. Aniya ng Optimum Star, talagang broken ang kanyang puso at kaluluwa. Bukod pa rito, binalikan din ni Claudine ang reconciliation nila ni Mito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
