Dating child star sa 'Lion King,' pinatay ng sariling nobyo

Dating child star sa 'Lion King,' pinatay ng sariling nobyo

  • Pumanaw ang dating child star sa Broadway na si Imani Dia Smith sa edad na 25
  • Sinampahan ng kasong pagpatay ang kaniyang nobyo matapos ang insidente sa New Jersey
  • Nagtamo si Smith ng mga saksak sa loob ng kaniyang bahay sa Edison
  • Nagtayo ng GoFundMe ang pamilya para sa gastusin at tulong sa paghilom ng trauma

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

GoFundMe/Kira Helper
GoFundMe/Kira Helper
Source: Original

Pumanaw si Imani Dia Smith, isang dating child star sa Broadway na gumanap bilang batang Nala sa The Lion King.

Siya ay 25 taong gulang.

Ayon sa ulat ng PEOPLE, nagtamo siya ng mga saksak sa loob ng kaniyang tirahan sa Edison, New Jersey noong Linggo, Disyembre 21.

Agad siyang isinugod sa Robert Wood Johnson University Hospital matapos ang insidente.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng agarang tulong medikal, idineklara rin siyang patay ng mga doktor.

Rumesponde ang mga awtoridad sa isang emergency call at inaresto ang kaniyang nobyo na si Jordan D. Jackson-Small, 35 taong gulang.

Read also

Iñigo Jose ng PBB celebrity collab 2.0, naluha nang pag-usapan ang ina

Siya ay nahaharap ngayon sa mga kasong pagpatay, ilegal na pagmamay-ari ng armas, at paglalagay sa panganib ng kapakanan ng isang bata.

Samantala, nagtayo ng GoFundMe page upang makatulong sa gastusin sa libing, mga legal at administratibong bayarin, at trauma therapy para sa pamilya ni Smith.

Ayon sa paglalarawan sa fundraiser, marami pang pangarap at plano sa buhay si Imani at kilala siya bilang masigla, mapagmahal, at may pambihirang talento.

Nagkaroon ng mahalagang bahagi si Smith sa Broadway mula 2011 hanggang 2012 nang gumanap siya bilang batang Nala sa Disney musical na The Lion King.

Ayon sa GoFundMe page, ang karanasang ito ay sumasalamin sa saya, likha, at liwanag na ibinahagi niya sa mundo.

Iniwan ni Smith ang kaniyang anak, mga magulang, at dalawa niyang nakababatang kapatid.

Basahin ang artikulo na inilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Gerald Anderson shares how he handles social media negativity

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)