Ellen Adarna, ibinunyag na kasama na si Angelica Panganiban sa "exes group chat"

Ellen Adarna, ibinunyag na kasama na si Angelica Panganiban sa "exes group chat"

  • Ellen Adarna confirmed that Angelica Panganiban is now officially part of their group chat for Derek Ramsay's exes
  • The revelation happened during a Christmas Eve Q&A where Ellen also expressed her excitement to watch Angelica’s film "UnMarry"
  • Ellen shared that she is also on great terms with Isabel Santos, the current girlfriend of her ex-partner John Lloyd Cruz
  • The actress emphasized a culture of support and "chika galore" instead of bitterness toward the women in her life's history

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mukhang "all is well" para sa mga bida ng ating paboritong showbiz headlines. Sa isang nakakaaliw na Instagram Q&A noong December 24, Christmas Eve, hindi nagdamot ng detalye si Ellen Adarna nang tanungin siya ng isang netizen kung may pag-asa pa bang maging magkaibigan sila ni Angelica Panganiban.

Ellen Adarna, ibinunyag na kasama na si Angelica Panganiban sa "exes group chat"
Ellen Adarna, ibinunyag na kasama na si Angelica Panganiban sa "exes group chat" (📷@maria.elena.adarna/IG)
Source: Instagram

Matatandaang naging ex-girlfriend din ni Derek Ramsay si Angelica bago naging asawa ni Derek si Ellen. Ngunit imbes na iwasan ang tanong, diretsahan ang sagot ng celebrity mom.

Read also

Ellen Adarna, labis ang pasasalamat kay John Lloyd Cruz: "Imagine if you're not there"

Actually, super chika na kami, dai. Kasama na siya sa [group chat],” masayang sagot ni Ellen. Ito ay matapos ding magbiro ni Angelica sa isang nakaraang interview na hindi pa siya nai-imbita sa naturang GC. Ngayon, kumpirmadong "in" na ang award-winning actress sa grupo.

Hindi lang basta chat ang namamagitan sa kanila dahil suportado rin ni Ellen ang pagbabalik-pelikula ni Angelica sa 2025 Metro Manila Film Fest (MMFF) entry na "UnMarry." “Manonood nga ako ng ‘UnMarry.‘ So relatable,” dagdag pa ni Ellen. Ang pelikula ay tungkol sa mag-asawang dumadaan sa proseso ng annulment—isang tema na tila malapit sa puso ng aktres matapos kumpirmahin ang hiwalayan nila ni Derek noong Nobyembre.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod kay Angelica, tinanong din si Ellen tungkol sa kanyang relasyon kay Isabel Santos, ang girlfriend ng kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz. Ayon kay Ellen, walang selosang nagaganap dahil botong-boto siya rito.

Ellen Adarna, ibinunyag na kasama na si Angelica Panganiban sa "exes group chat"
Ellen Adarna, ibinunyag na kasama na si Angelica Panganiban sa "exes group chat" (📷@maria.elena.adarna/IG)
Source: Instagram

Chika galore kami, dai. Shes so nice. Elias loves her. Shes cool and so pleasant. Shes fun, grabe ang sense of humor,” paglalarawan niya kay Isabel. Ibinahagi rin ni Ellen na mahal na mahal ng anak niyang si Elias si Isabel, na nakitang kasama rin nila sa piano recital ng bata kamakailan.

Read also

Tatay ni Derek Ramsay, nakiusap kay Ellen Adarna ukol kay Baby Liana: "At first I didn't allow"

Sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok sa pag-ibig—kabilang na ang naging "whirlwind romance" at masakit na hiwalayan kay Derek Ramsay—pinatunayan ni Ellen na mas pinipili niya ang kapayapaan at pakikipagkaibigan sa mga babaeng naging bahagi ng kanyang nakaraan at kasalukuyan.

Bago ang masayang balitang ito, naging bukas din si Ellen sa pasasalamat niya sa tatay ni Elias. Sa gitna ng kanyang pakikipaghiwalay kay Derek, malaki ang naging papel ni John Lloyd Cruz para manatiling maayos ang kalagayan ng kanilang anak.

Sa ulat na ito, emosyonal na nagpasalamat si Ellen kay John Lloyd dahil sa pagiging "present father" nito. Ayon sa aktres, hindi niya maisip kung paano makakayanan ang sitwasyon kung wala ang suporta ni John Lloyd para kay Elias noong mga panahong dumadaan siya sa matinding emosyonal na pagsubok.

Sa kabilang banda, naging viral din ang rebelasyon ni Ellen na balak niyang maging "single and celibate" sa loob ng susunod na limang taon. Sa parehong IG session, sinabi niya na kailangan muna niyang ayusin ang kanyang "nervous system" at iwasan ang pagmamadali sa pag-ibig para hindi na maulit ang mga sakit ng nakaraan.

Read also

Jay Luu of Miss Cosmo responds to Ahtisa Manalo’s pageant experience claims

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate