Ellen Adarna, labis ang pasasalamat kay John Lloyd Cruz: "Imagine if you're not there"

Ellen Adarna, labis ang pasasalamat kay John Lloyd Cruz: "Imagine if you're not there"

  • Pinuri ni Ellen Adarna si John Lloyd Cruz dahil sa pagiging "present" na father figure nito sa buhay ni Elias
  • Inamin ng aktres na "very in love" at sobrang lapit ng relasyon ni Elias sa kanyang "dada"
  • Ibinahagi ni Ellen na umiiyak pa ang anak dahil sa sobrang pangungulila tuwing kailangan na nitong umuwi
  • Labis talaga ang pasasalamat ni Ellen kay John Lloyd sa Q&A session niya sa Instagram

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa isang tapat na pagbabahagi sa Instagram, muling pinatunayan ni Ellen Adarna na maayos ang ugnayan nila ng dating partner na si John Lloyd Cruz para sa kanilang anak na si Elias. Ayon kay Ellen, si John Lloyd ang nananatiling matibay na "father figure" sa buhay ng bata mula noon hanggang ngayon.

Ellen Adarna, labis ang pasasalamat kay John Lloyd Cruz: "Imagine if you're not there"
Photos: @maria.elena.adarna, @johnlloydcruz83 on Instagram
Source: Instagram
"John Lloyd has, was, is always Elias' father figure because he is present," panimula ni Ellen sa kanyang viral na Q&A session sa Instagram.

Ikinuwento niya na talagang mahal na mahal ng bata ang kanyang ama, at matatag ang relasyon ng dalawa.

Read also

Tatay ni Derek Ramsay, nakiusap kay Ellen Adarna ukol kay Baby Liana: "At first I didn't allow"

"Elias is very in love with John Lloyd, they have a very close relationship. Elias is very in love with his father," dagdag pa niya sa video.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil sa hiwalayan nina Ellen at Derek Ramsay kamakailan, naging malaking tulong umano ang presensya ni John Lloyd.

"So when the break up happened, sus, I thank John Lloyd. Thank you kay John Lloyd dahil imagine if you're not there, imagine if you're not present," pasasalamat ng aktres.

Ibinahagi pa ni Ellen na sa sobrang ganda ng bonding ng mag-ama, nahihirapan pa si Elias na magpaalam sa aktor tuwing kailangan na niyang umuwi.

"So super sila ka-close ni John Lloyd to the point na when John Lloyd brings Elias back to me, Elias cries, day, 'I miss my dada,'" kwento ni Ellen.

Matatandaang ikinasal sina Ellen at Derek noong 2021, ngunit nito lamang 2025 ay kumpirmado na silang hiwalay.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.

Read also

Zack Tabudlo addresses negative comments after recent performance

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inamin ni Ellen Adarna na pinayagan niyang sumama ang anak na si Liana sa pamilya ni Derek Ramsay para sa kanilang trip sa England. Nakiusap umano ang ama ni Derek na isama ang bata, kaya naman nag-reconsider ang aktres. Samantala, ang panganay ni Ellen na si Elias ay kasalukuyang kasama ang amang si John Lloyd Cruz para sa Pasko ngayong taon.

Samantalang ay nag-react si Ellen Adarna sa Instagram sa panayam ni Angelica Panganiban kay Karen Davila. Ibinahagi ni Ellen ang ilang clips mula sa viral na interview kay Angelica sa YouTube. Nagbiro pa nga kasi si Angelica tungkol sa "group chat" at sinabing hindi pa siya na-invite. Tugon tuloy ni Ellen sa kilalang aktres, "promise" niya raw at masaya ang naturang "group chat" nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco