Karla Estrada, sinagot ang mga pumuna sa kanyang itsura sa PBB: "Ako pa rin yan!"

Karla Estrada, sinagot ang mga pumuna sa kanyang itsura sa PBB: "Ako pa rin yan!"

  • Binura ni Karla Estrada ang mga haka-haka tungkol sa diumano’y pagbabago sa kanyang facial features
  • Lumabas ang mga haka-haka na ito matapos mapanood ang kanyang emotional na pakikipag-usap sa anak na si Lella
  • Binigyang-diin ni Karla na mas mahalagang mag-focus sa mga aral para sa mga anak at nanay kaysa sa itsura niya
  • Pinayuhan din ng TV host ang mga netizen na huwag ugaliing maghanap ng mali sa kanilang kapwa

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Diretsahang sinagot ng TV host at celebrity mom na si Karla Estrada ang mga kumakalat na usap-usapan tungkol sa kanyang itsura matapos ang kamakailang paglabas niya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0.

Karla Estrada, sinagot ang mga pumuna sa kanyang itsura sa PBB: "Ako pa rin yan!"
Photos: @karlaestrada1121 on Instagram | ABS-CBN on Facebook
Source: Instagram

Nagsimulang mag-speculate ang mga netizens nang mapanood si Karla sa isang emotional na phone call kasama ang kanyang anak na si Lella, na kasalukuyang housemate sa Bahay ni Kuya.

Sa kanyang Facebook post noong December 21 2025, pabirong pinabulaanan ni Karla ang mga paratang na nagparetoke o nagpaiba siya ng facial features. "Guys ako parin yan! kaloka kayo!" ang bungad na pahayag ni Karla para linawin ang isyu.

Read also

Kiray Celis, may post ukol sa pagiging 'on-screen husband to best man' ni Enchong Dee

Ayon sa kanya, mas marami pang mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa kanyang pisikal na anyo o itsura sa naturang guesting niya sa reality show.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang ganda ng pwede nating matutunan para sa mga anak at sa mga nanay natin, focus tayo dun," paalala ng aktres sa kanyang mga followers.

Hindi rin nakalimot si Karla na magbigay ng payo sa mga taong mahilig mamintas online, sa social media.

"Wag ugaliin ang mag hanap ng mali sa tao," dagdag pa niya sa kanyang Facebook post.

Matatandaang naging madamdamin ang tagpong iyon sa PBB kung saan ipinahayag ni Karla kung gaano siya ka-proud sa pinapakitang galing ni Lella sa loob ng bahay. Para kay Karla, ang suporta at pagmamahal bilang ina ang tunay na bida sa naturang episode at hindi ang anumang 'alleged changes' sa kanyang itsura.

Tignan ang original post dito:

Karla Estrada, sinagot ang mga pumuna sa kanyang itsura sa PBB: "Ako pa rin yan!"
Screenshot mula sa Facebook ni Karla Estrada
Source: Facebook

Si Karla Estrada ay isang Filipina actress, singer, at television host na kilala sa kanyang mga papel sa pelikula at teleserye. Naging bahagi siya ng iba't ibang TV shows at pelikula mula sa ABS-CBN. Bukod sa pag-arte, sumabak din siya sa pagkanta. Mas lalo pa siyang nakilala sa telebisyon bilang isa sa mga co-host ng morning talk show na Magandang Buhay, kung saan nakilala siya sa kanyang pagiging prangka at makuwelang personalidad. Sa personal na buhay, si Karla ay ina ng aktor at dating Teen King na si Daniel Padilla, pati na ng kanyang iba pang mga anak na sina JC, Magui, at Carmella. Bukas siya sa pagbabahagi ng kanyang karanasan bilang single mom at inspirasyon sa maraming ina na nagsusumikap para sa kanilang pamilya.

Read also

Atom Araullo, may "storytime" tungkol sa isang sekyu na laging bumabati sa kanya

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay kinilig si Karla Estrada matapos niyang i-post ang video ng anak niyang si Lella Ford at ni Joaquin Arce sa Bahay ni Kuya. Tila tukoy ni Karla ang naramdaman ng kanyang anak nang makita ang clip. Ang viral clip ay nagpakita kasi ng closeness kina Lella at Joaquin habang sila ay nag-uusap dalawa. Ang reaksyon ni Karla ay nagpatindi sa kilig ng mga "LelQuin" fans.

Samantalang ay nagbigay si Karla Estrada ng suporta sa kanyang anak na si Lella Ford matapos itong makita na umiiyak sa PBB. Pinaalalahanan niya si Lella na "hindi palaging mali ang pumili ng ikabubuti mo." Binigyang-diin ni Karla na ang mahalaga ay "malinis ang intensyon" ni Lella alam nitong tama ang kanyang pinipili. Sa huli ay biniro pa nga ni Karla si Lella at sinabihan itong magsuklay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco