Andi Eigenmann, nag-react sa mga nabigla na nakakapag-Bisaya si Ellie
- Sinagot ni Andi Eigenmann ang gulat ng marami sa kakayahan ng anak niyang si Ellie Ejercito na mag-Bisaya
- Ayon kay Andi, "way more fluent" pa sa kanya si Ellie dahil limang taong gulang pa lang ito nang lumipat sila sa isla
- Ikinatuwa ng mga netizens ang napanood na video kung saan nakikipaglaro si Ellie kina Lilo at koa
- Pabirong sinabi ni Andi na may kasama pang "Barangay Sta. Ines accent" ang pagsasalita ng kanyang panganay
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Maraming ang namangha matapos mapanood ang Instagram story ni Andi Eigenmann kung saan maririnig ang kanyang panganay na si Ellie Ejercito na nagsasalita ng Bisaya habang nakikipaglaro kina Lilo at Koa.

Source: Instagram
Dahil sa dami ng mga komentong natanggap, minabuti ni Andi na magbigay ng maikling kwento tungkol dito.
"OMG Ate Ellie speaks Bisaya?!?" ang tanong na natanggap ni Andi, na sinagot niya ng, "Got so many of these comments! I realised Ellie barely speaks in my videos."
Ayon sa aktres, natural lang na maging bihasa si Ellie dahil sa tagal na nilang nakatira sa isla ng Siargao.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ipinaliwanag ni Andi na bata pa lang si Ellie nang magdesisyon silang manirahan sa probinsya. "We moved here when she was only 5 so naturally she speaks her dialect fluently. Way more fluent than me!" pag-amin ni Andi.
Dagdag pa niya, mayroon pa itong "Barangay Sta. Ines accent" na paraan ng pagsasalita na kinaaliwan naman ng marami.
Para sa mga fans ng Happy Islanders na family, isang patunay ito na niyakap na talaga nina Andi at ng kanyang pamilya ang simpleng buhay nila sa isla. Ikinatuwa rin ng mga followers ang pagiging 'island girl' ni Ellie na marunong magpahalaga sa lokal na kultura at wika ng kanilang tinitirhan.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Andi Eigenmann ay isang Pilipinang aktres, modelo, at social media personality. Kilala siya sa kanyang mga papel sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Nagmula siya sa isang kilalang pamilya sa showbiz—ang kanyang ina ay ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose, at ang kanyang ama ay si Mark Gil, isang batikang aktor. Nakilala si Andi sa kanyang pagganap bilang bida sa ABS-CBN fantasy drama na Agua Bendita. Sa mga nagdaang taon, lumayo na siya sa mainstream showbiz upang yakapin ang mas payapang pamumuhay sa isla. Lumipat siya sa Siargao kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo, isang professional surfer, at ang kanilang mga anak.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay natawa at naaliw si Andi Eigenmann nang makita si Philmar Alipayo sa screen. Na-feature kasi ang kanyang fiancé sa Netflix docuseries na '1 in 7641.' Sa Instagram, di napigilan ni Andi na biruin at tanungin si Philmar tungkol sa "makeup" nito. Gayunpaman, hindi nakalimutan ni Andi na i-share kung saan mapapanood ang show.
Samantalang ay nagbigay ng paalala si Andi Eigenmann kamakailan lang sa kanilang customers. Ni-repost kasi ng dating aktres ang photo story ni @lagumlifestyle sa Instagram. Photo kasi ito ng ilang cups mula sa kanyang cafe and surf shop business sa isla. Dahil dito, agad na nag-air si Andi ng isang 'gentle reminder' para sa mga turista at customers nila sa isla.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

